Thursday, June 25, 2015

My Starlight Song - Chapter 2

"HANGGANG DITO ba naman, pagbabasa pa rin ng inaatupag mo? Party ito, hindi group study sa library."

"Parang hindi ka na nasanay kay TJ. Ganyan na talaga iyan noon pa. Ngayon ka pa nag-react. Hayaan mo nang panindigan niya ang pagiging genius niya."

Umiiling-iling na nag-angat ng tingin si TJ. Nakita niyang nakatayo sa harap niya ang mga kaibigan at teammates niya na sina Mark at Aljon. Naroon ang buong koponan ng GC Warriors sa malaking bahay ng coach nila at kaklase ng dalawang kaibigan niya na si Carlo kung saan ginaganap ang victory party. Mukhang inasahan na ni Carlo ang pagkapanalo ng team.

Pagdating nila sa bahay nito, nakahain na sa malaking mesa ang samu't saring pagkain. Pero imbes na dumulog siya sa hapag-kainan gaya ng ibang teammates niya, ang project nila ni Livie ang unang-unang inasikaso niya nang makahanap siya ng mapupuwestuhang may kalayuan sa mga kasamahan niya.

Sa labing-dalawag miyembro ng GC Warriors, mas malapit siya kina Mark, Aljon, at Aries. Childhood friends niya ang mga ito. Naging kaibigan niya ang mga ito mula pa elementary. Matibay pa rin ang samahan nilang apat kahit na siya lang ang naiiba ang kinuhang kurso. Kunsabagay, nagkikita pa naman sila kapag may practice.

Nasa huling taon na siya ng BS Information Technology. Wala siyang problema kung makaka-graduate ba siya on time dahil seryoso siya sa pag-aaral niya sa kabila ng pagiging abala sa basketball team. In fact, pagka-graduate niya ay siya ang mamamahala sa IT Department ng electronic company na pag-aari ng pamilya nila.

Ang ama niyang si Jacob Ramos ang kasalukuyang CEO at presidente niyon. Sinalo nito ang pamamahala sa kompanya nang mamatay sa isang plane crash ang mama at kuya niya. Galing ang mga ito sa isang conference sa Beijing nang mag-crash landing ang sakay na eroplano ng mga ito.

Nasasaktan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang pangyayaring iyon. If fate hadn't done anything for him to meet Livie at Greenfield College, then he would probably still grieving until now. Like him, his best friend also lost a mother and a brother. Ang isa't isa ang naging sandigan nila matapos ang ilang tanong nabalot sa lungkot ang mga puso nila. It was a good thing that their fathers were best friends. Nagsilbing daan iyon upang maging mas malapit pa sila ni Livie.

"At sino naman ang may sabi sa inyo na pinaninindigan ko ang pagiging genius kahit hindi naman?" Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa binabasa at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Nandito tayo sa bahay ni Carlo para ipagdiwang ang pagkapanalo natin. Pero ikaw, libro ang nilalamay mo rito. Para saan ba 'yan?" tanong ni Mark.

He sighed. "Para sa project namin ni Livie. Pasahan na kasi next week ng written report kahit sabihin pang second draft na ito. Kailangang maging maayos ito para kaunti na lang ang poproblemahin namin for the final draft."

"Ah, kaya naman pala sineseryoso ang binabasa niya. Si Livie pala ang kasama niya riyan," tatango-tangong sabi ni Aries na eksaktong kararating lang sa puwesto nila. "Sige na. hayaan n'yo na siya d'yan at nang hindi natin maistorbo . Kawawa naman si TJ kapag napahiya siya sa chosen bride niya kapag pumalpak siya."

Kunot-noong hinarap niya ang mga ito. "Sinong 'chosen bride' ang sinasabi mo riyan?"

"Si Livie. Bakit, hindi pa ba siya ang chosen bride mo?" takang tanong ni Mark. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang tungkol sa graduation resolution natin?"

"Of course not!" bulalas niya. How could he forget that resolution—that promise? Walang araw na hindi iya naisip ang tungkol doon. "There's no way I would forget that. Iyon ang 'kalokohan' na seryosong tutuparin ko. I would find my bride just before I graduate." At seryoso siya sa pahayag niyang iyon.

Napatango-tango lang ang tatlong kaibigan niya matapos magkatinginan. Now why did he feel something weird and creepy about that?

"But we thought you already found her," sabi ni Aljon.

Did he? Of course, he did. "At sino naman ang nasa isip ninyong napili ko para maging bride ko?"

"Sino pa? Eh 'di si Livie. Halata naman, eh," sagot ni Aljon na sinang-ayunan nina Mark at Aries.

Did they really think of it that way? Ganoon ba siya ka-obvious? Oo at sigurado na siya kung sino. Pero hindi pa nga lang niya masabi sa mga kaibigan niya ang tungkol doon at baka magkaproblema pa. Hindi niya gustong magpadalos-dalos.

"Look, guys. Hayaan n'yo na lang ako rito. I really need to focus on this one. Kawawa ang grade ko kapag may palya ang project namin ni Livie. Hindi lang ang grade ko ang kawawa, pati na rin ang kay Livie."

"Fine. But don't forget to eat dinner para hindi naman pumurol ang utak mo," bilin ni Mark.

"Yeah, whatever."

Nakaalis na't lahat ang mga kaibigan niya ay patuloy pa rin siya sa pagbabasa at pagre-revise ng written report nila ni Livie. Seryoso siya dahil gusto niyang makakuha si Livie ng mataas na marka. Sa ganoong paraan man lang ay mapasalamatan niya ang best friend niya. Si Livie ang tumutulong sa kanya na i-maintain ang mga grado niya upang manatili siya sa varsity at maka-graduate na rin on time. Ginagawa nito iyon kasabay ng pagme-maintain din nito ng sariling grades dahil candidate ito para magna cum laude.

Hangang-hanga siya sa best friend niyang iyon. Matalino at maalaga. Hindi siya nakita nito bilang pandekorasyon o trophy lang. She never took advantage of their father's friendship para akitin siya. Kunsabagay, wala naman sa mukha nito na mapagsamantala ito sa sitwasyon. Ibang-iba talaga ito. Talagang walang malisya ang pagtrato nito sa kanya.

Hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal na pinag-aaralan ang hawak niyang report. Napatigil lang siya sa ginagawa niya nang may tumawag sa atensiyon niya.

"TJ, mamaya mo na ituloy 'yang ginagawa mo. Kumain ka muna ng hapunan at nang malamnan pa 'yang utak mo," sabi ni Carlo nang ganap na itong makalapit sa kanya.

"Utak na pala ang dapat lamnan ngayon," biro niya.

"Sa kaso mo, oo. Aba'y wala ka nang ibang ginawa mula nang dumating tayo rito kundi tumunganga riyan sa ginagawa mo, ah. Pulos libro at notes ang hinaharap mo. Mabuti't nagkakasya pa ang lahat ng nababasa mo sa utak mo."

Tumawa siya at isinarado ang binabasa. "Hindi lang naman pulos libro ang hinaharap ko. Kung nagkataong ganoon, eh 'di wala ka nang key player sa team mo ngayon."

"Hindi ka rin mayabang, 'no?"

Ngumiti siya. "Siyempre! Ikaw ang pasimuno n'on, 'di ba?"

Binatukan siya nito. "Sira! Ikain mo na nga lang 'yan. Gutom lang 'yan."

"Mauna ka na. Susunod na lang ako sa loob."

Pagkaalis ni Carlo ay tumayo na siya sa kinauupuan niya at inilabas mula sa bulsa ng pantalon ang ang kanyang cellphone. Alas-siyete na pala. Kumain na kaya si Livie? Ang mabuti pa ay bilinan na niya itong kumain sa tamang oras.

Matapos mai-send ang text message na naglalaman ng bilin niya sa dalaga ay agad na siyang nakisalo sa hapunan kasama ang mga teammates niya.

= = = = = =

NAALIMPUNGATAN SI Livie mula sa pagkakaidlip nang marinig niyang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Ipinahinga niya ang sarili dahil sa ilang oras na pagharap sa kanyang laptop. Dragging herself to get up, she took her cellphone placed on the bedside table. Kumabog ang dibdib niya—na hindi na naman niya maintindihan kung bakit—nang makitang nanggaling iyon kay TJ.

Don't forget to eat dinner. May pagkaulyanin ka pa man din pagdating sa pagkain. Ayokong magkasakit ka dahil nagpalipas ka ng gutom. I won't make it early tonight but I'll make sure na may pasalubong ka sa akin. Huwag kang magpapagod sa harap ng laptop mo, ha? Good night. =)

She smiled after reading that. Kahit nasa malayo si TJ ay hindi nito nakakalimutang bilinan siya. May mga pagkakataon kasing nalilimutan niyang maghapunan at katakot-takot na sermon ang inaabot niya kapag nalalaman nito iyon. Daig pa nga nito ang papa niya kung manermon.

Well, once in a while lang naman kasi kung sermunan siya ng papa niya. Hindi naman siya bata na palaging sinesermunan para lang madisiplina. Alam niya ang obligasyon niya bilang anak at alam niya ang limitasyon niya. Kaya kahit late na ay naglalagi si TJ sa bahay nila at babantayan siya nito sa pagkain niya ng hapunan. Gawain nito iyon upang makasiguro lang ito na nakakain na siya.

Aminin man niya o hindi, nakikita niya rito ang mga katangian ng yumaong kapatid niya. She looked up to TJ as an older brother in some ways. Mas matanda ito sa kanya ng limang buwan. Tulad ni TJ, ugali ng Kuya Riley niya na bantayan pa ang pagkain niya upang makasiguro ito na nakakain na nga siya.

Thank you, best friend. Ingat ka sa pag-uwi mo. Huwag magpupuyat, ha? Good night din.

Iyon lang at agad na niyang s-in-end ag text message na iyon na may ngiti sa mga labi niya. Bumangon siya pagkatapos upang makapaghapunan na gaya ng bilin ni TJ sa kanya.

Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng kuwarto niya ay muling tumunog ang cellphone niya. Incoming call tone naman ang naririnig niya. Bagaman ipinagtaka niya iyon, nagmamadali pa rin niyang kinuha ang cellphone niya at kumunot ang noo niya nang makitang si TJ ang tumatawag.

"Hello?" bungad niya.

"Kumain ka na ba?" agad na tanong nito na ikinailing na lang niya. Para itong tatay kung makapagtanong.

"Kakain pa lang. Nakaidlip kasi ako dahil may tinatapos pa ako. Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Pareho lang tayo. Kakain pa lang ako. Busy ako sa pagre-revise ng report natin, although ikaw naman na ang gumawa ng halos lahat n'on. Minor changes na lang ang ginagawa ko."

" 'Di ba dapat nagsasaya ka riyan kasama ng mga teammates mo? Bakit pag-aaral pa rin ang inaatupag mo riyan? Makakapaghintay naman iyan hanggang bukas, ah."

"Okay lang. Isa pa, wala akong planong makipag-inuman sa mga ugok kong kasama dito. By the way, gusto mong kantahan kita habang kumakain ka?"

Bigla siyang natawa. "Kantahan? As in lang? Huwag na. baka lalo lang akong mabulunan niyan kapag kumanta ka. Thanks but no thanks. Isa pa, baka hindi tayo makapag-movie night bukas dahil umulan kapag kinantahan mo ako," biro niya kahit bahagyang seryoso ang tono ng boses na ginamit niya. Pero sa totoo lang, hindi pa niya naririnig ang pagkanta nito.

Seriously, that was the first time he offered to sing to her. Hindi tuloy niya maiwasang mag-imagine kung gaano kaganda ang boses nito. Oh, well. Kahit siguro ito na ang pinakasintunadong tao pagdating sa pagkanta ay magugustuhan pa rin niya ito.

Wait, what? What the hell was she thinking? Ilang beses na niyang naisip ang salitang "magugustuhan" kapag si TJ ang pumapasok sa isipan niya. Ano na ba ang nangyayari sa kanya?

Ang malakas na halakhak nito ang pumukaw sa pag-iisip niya. "Ang sama mo talaga kahit kailan."

"At saan ka naman nakakita ng masamang tao na tinutulungan ka sa mga grades mo?"

"Oo na. Wala na nga akong ibang sinabi. O, siya! Kumain ka na riyan. Just make sure you eat properly, okay?"

"Yes, Father," nang-aasar na sagot niya. "I guess I should say the same thing to you."

"Whatever, Mother Superior. Basta, ang bilin ko sa iyo."

She sighed exasperatingly. Pasalamat na lang pala siya at wala pang hangganan ang tolerance niya sa kakulitan ng best friend niya. "Hindi ka rin ipinanganak na makulit, 'no? I'll eat properly, so don't worry. Bye!"

"Just make sure you do. Bye din!"

Bumuntong-hininga siya matapos niyon. Napangiti siya habang patungo sa kusina. Marahil ay tapos nang kumain ang papa niya. Naalala pala niya na may aasikasuhin pa ito sa flower farm nang gabing iyon. Nag-iwan lang ito ng isang note na nasa refrigerator na nagsasabing huwag siyang magpalipas ng gutom.

Himalang magana siyang kumain kahit mag-isa lang siya. Dati ay agad siyang nawawalan ng gana kapag nalaman niyang wala siyang kasamang kakain. Pero parang alam na niya ang rason kung bakit bigla siyang ginanahan.

TJ was eating at the same time she was. Of course, that was according to him.

First year college pa lang ay close na sila ni TJ. Ilang buwan pa lang silang magkaklase ay para na silang tukong hindi mapaghiwalay. Ito lang ang lalaking naging close sa kanya—besides the guys in her family, of course. Too close, as a matter of fact, na naging rason upang maisip ng karamihan na magkasintahan na sila ni TJ. Pero dedma lang sila ng binata pagdating sa isyu na iyon dahil alam naman nila ang totoo. Si TJ ang naging kuya niya. At matagal nang naghahangad ng babaeng kapatid, siya naman ang naging little sister nito.

Sa ngayon, masaya na siya na ganoon na muna ang treatment nila sa isa't isa. Masaya siya sa pagtulong dito na pagme-maintain ng grades nito upang manatili ito sa varsity team at matulungan pa sa ibang bagay. Hindi niya kailanman pinagsisihan na naging kaibigan niya ito. Hinding-hindi niya iyon pinagsisihan to the point na nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para sa ikasasaya ng best friend niya. Tulad niya ay may trahedya ring naganap sa buhay nito that robbed himof his mother and brother. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang maging masaya ito. At kahit papaano ay hindi naman siya nabigo.

In short, ganoon niya kamahal ang best friend niya. Well, love in a platonic sense.

Pero dumarating din siya sa puntong naiisip niya ang mga maaaring mangyari sa hinaharap. At lagi siyang nalulungkot sa tuwing maiisip niya na may posibilidad na maputol ang tali ng pagkakaibigan nila ni TJ gaya ng ibang pagkakaibigang hindi nagtagal dahil sa pagsubok ng panahon. Kung sana ay may paraan lang upang manatiling masaya ang lahat sa pagitan nila nito, malamang ay gagawin niya iyon.

Pero sa ngayon, kailangan na lang niyang samantalahin ang pagkakataong nakahain sa harap niya. She has to treasure their friendship to the fullest upang wala siyang pagsisihan sa bandang huli kung sakali man na hindi talaga magtagal ang pagkakaibigan nila ng binatang basketbolista.

"Ano nga kaya ang gagawin ko kapag biglang nawala si Bestfriend sa buhay ko?" pabulong niyang tanong sa sarili. Nagkibit-balikat na lang siya at ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.

No comments:

Post a Comment