Friday, June 5, 2015

Don't Fear This Love - Chapter 9

HUMINGA NA lang nang malalim si Nelmark habang nakahiga siya sa kanyang kama. Ala-una na ng madaling araw subalit hindi pa rin siya dalawin ng antok.

Maraming tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon at hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang uunahin niya.

Pero ang partikular na iniisip niya ay ang babaeng pinakamamahal niya—si Sharian.

After their break-up, he left to America after taking up his final exams of his subjects earlier than scheduled. That was six days ago.

Nakiusap kasi ang lolo niya na gusto siyang makita nito bago ito mawala sa mundo. At dahil siya ang paboritong apo nito ay sinunod niya ang gusto nito. Kasama niya si Melissa nang magdesisyon siyang umalis muna.

Gusto niyang kausapin muna si Sharian bago siya umalis subalit nawalan siya ng lakas ng loob na gawin iyon. All this time, he's been thinking of what could've changed her mind to come up with a decision to break up with him.

Hindi niya alam ang gagawin. Labis siyang nasaktan.

But he wanted to let things cool down for a while. And he's willing to wait kung kailan man mangyayari iyon.

Ang isa pang ipinagtataka niya ay ang pagsulpot ni Melissa after four years of not showing up.

But he's giving her cold shoulders ever since she arrived. Isa pa, matapos ang mga nangyari sa pagitan nila more than four years ago ay malaobo nang tratuhin pa niya ito na para bang walang nangyari.

He doesn't know why--or maybe he does but he just doesn't realize it yet—-pero nilalayuan niya si Melissa na para bang nandidiri siya rito.

It's as if she has a contagious disease or something.

Kung maaari lang sana ay ipinagtabuyan na niya ito. But out of respect that he has left for her parents, he's trying to be civil in front of them even though it's really hard for him to do that. Wala na siyang natitirang dahilan para irespeto pa niya ang babaeng nagsilbing dahilan ng minsang pagkawasak ng buhay at pagkatao niya.

Ang nakapagtataka, nagpakita sa kanya si Melissa the day after Sharian broke up with him. Nagpakita ito sa kanya na para bang walang nangyari.

And then all of a sudden, a questionable realization came rushing into his mind that moment.

May kinalaman ba si Melissa sa desisyon ni Sharian na makipag-break sa kanya?

Hindi imposible iyon. Pero bakit niya gagawin iyon?

He has to know the truth.

And soon.

DALAWANG linggo nang namamalagi si Melissa sa tahanan ng mga Ortega sa New Jersey pero kapansin-pansin ang malamig na pagtrato sa kanya ni Nelmark.

It's as if she doesn't exist in that house.

Kung kakausapin man siya nito, paangil naman kung sagutin siya. Halata dito ang disgusto nito sa kanya. Para nga siyang may nakakahawang sakit na lagi nitong iniiwasan at hangga't maaari ay ayaw siyang lapitan nito.

Anyway, ano ba ang aasahan niya? He would approach her with open arms? The pain and anger that she had inflicted upon him more than four years ago was too much for him to bear. Pero ngayon lang niya na-realize ang bagay na iyon. At gusto niyang pawiin ang sakit at galit na iniwan niya sa puso nito.

Subalit nang malaman niya mula sa isang source na may girlfriend na ito sa katauhan ni Sharian, she felt that he had already lost. Pero siya si Melissa. At ang motto niya: what she wants, she gets. A common motto for a spoiled brat like her and she knew that.

Kaya naman gumawa na siya ng taktika para magkalayo sina Sharian at Nelmark. At nagtagumpay naman siya. Subalit hanggang doon na lang iyon.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng kuwarto ni Nelmark at hinihintay ang pagdating ng binata. Nais niyang kausapin ito at ayusin ang bitak na nilikha niya sa pagitan nilang dalawa.

When the door opened, she smiled when she saw him. Ngunit agad ding nawala iyon nang makita niya ang galit nitong mukha. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba.

"H-hi..." kinakabahang bati niya rito.

"Get out of my room now!" singhal nito sabay tingin sa kanya nang matalim.

"Pero Nelmark--" Tinangka niyang lapitan ito subalit itinulak lang siya nito.

"Huwag mo akong lapitan. Umalis ka na!" mariing utos nito sa kanya.

Bakit ganoon? Bakit kung kailan gusto na niyang itama ang lahat, hindi pa rin siya binibigyan ng tamang pagkakataon para lang magawa iyon? "Nelmark, I'm sorry. I know I did the wrong thing four years ago and--"

She heard him scoffed. "Ngayon mo lang na-realize iyon, Melissa? Wala nang silbi ang pagso-sorry mo. Nagtagumpay ka nang sirain ang buhay ko." Puno ng galit at hinanakit ang tinig nito. "Ngayon, umalis ka na bago pa kita masaktan nang husto."

Nanginginig siyang tumayo at dumiretso sa pinto. Pero bago pa niya mahawakan ang seradura ay huminga siya ng malalim. At hinarap niya ang binata.

Ngayon na lang marahil ang pagkakataon para maitama ang lahat. Even if it means that she has to face his wrath.

"Ano pa'ng ginagawa mo? Umalis ka na!" pasinghal na utos nito.

Nakadama siya ng takot sa tono ng pananalita nito.

"M-may gusto sana akong sabihin sa iyo. A-at least before I... b-before I leave..."

"Kung ano man ang sasabihin mo, bilisan mo na't lalo lang kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kita."

She took several deep breaths before speaking. "It's about... Sharian."

Nakita niyang kumunot ang noo nito.

"PAANO mo nalaman ang pangalang iyan, ha? May kinalaman ka ba sa desisyon niyang makipag-break sa--"

"Oo," walang kagatul-gatol na sagot nito. "Sinabi ko sa kanya na ako ang fiancee mo. Sinabi ko sa kanya na ikaw ang muling bumuo ng naputol nating kasunduan noon. But she never believed me. Nang ibigay ko sa kanya ang mga pictures na--"

"What pictures?"

Hindi nagsalita si Melissa dahil sa panginginig. Siya naman ay nag-uumpisa nang mawalan ng kontrol sa kanyang galit. Kung gayon ay tama pala ang sapantaha niya. Melissa has something to do with the break-up issue.

"Ano'ng nilalaman ng mga pictures na sinasabi mo?" Pinipilit niyang kalmahin ang sarili niya. Umabot na nang ilang sandali ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita. "Tell me the truth, damn it!"

At hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos ipagtapat ni Melissa ang tungkol sa mga pictures na tinutukoy nito kahit pa halata na takot na takot ito sa kanya. Namalayan na lamang niya ang sariling galit na itinatapon ang mga gamit na mahawakan niya. Si Melissa naman ay napasigaw na lang sa tindi ng takot at patakbong umalis sa lugar na iyon.

All of the agony and pain that he kept for so long was seemed to be tripled when he heard that Melissa had done something for Sharian to break up with him.

Kasabay ng pagtatapon niya ng mga gamit sa kuwarto niya ay ang di-mapigilang pagsigaw niya. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob at galit na nasa puso niya nang mga sandaling iyon.

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa buhay niya. For the second time, Melissa destroyed his life. Ano ba ang kasalanang nagawa niya rito para saktan at pahirapan siya nito nang ganito katindi? Wala ba siyang karapatang maging masaya man lang for once in his life?

Nanghihinang sumandal na lang siya sa dingding at napaupo matapos niyang ilabas ang sama ng loob sa paghahagis ng mga gamit at pagsigaw. Paulit-ulit niyang sinuntok ang carpeted na sahig at nang mapagod ay napaiyak na lamang siya.

He has to cry. And he wanted to cry. Wala namang masama kung iiyak siya. Tutal, ilang beses nang nagkagutay-gutay ang puso niya. Lalaki nga siya at alam niyang nakakabawas sa ego ng isang lalaki ang pag-iyak. But for him, crying was the only way for him to know that he's human--that he could still feel emotions. And it's the only way for him to know that he's alive.

Pero kung ganito namang sinira na ni Melissa ang buhay niya for the second time, sa palagay niya ay wala na siyang dahilan pa upang malaman niyang buhay pa nga siya. Pinatay na nito ang emosyong natitira sa puso niya.

But when he saw the destroyed picture frame on the floor, he felt an emotion stronger than anything--stronger than the pain and anger that he's feeling right now. And looking at the picture in it, he knew now that he has a solid reason to live on and that emotion would always be his guide.

It's his love... His new found love that's only meant for the person who changed his life for the best.

It's only meant for Sharian.

SHARIAN kept on listening to the song on her CD player for two hours now. Pero sa totoo lang ay hindi ito nakakatulong sa kanya nang mga sandaling iyon.

She's actually in a state of disbelief. Tumawag sa kanya kanina si Melissa. Bagaman nagtataka siya kung paano nito nalaman ang numero niya ay hindi na lang siya nag-usisa pa. subalit ikinagulat niya ang dahilan ng pagtawag nito sa kanya.

Humihingi ito ng tawad sa kanya. At ipinagtapat nito sa kanya na peke ang mga litratong ipinakita nito sa kanya, na hindi kailanman nagtaksil si Nelmark sa kanya. But she sened in her voice that she seemed scared. Hindi na lang siya nagtanong pa ng kung anu-ano dahil agad siyang binabaan nito ng telepono matapos nitong sabihin ang mga iyon.

But what was her reason para sirain niya ang relationship namin ni Nelmark?

Iyon ang tanong sa sumisingit sa kanyang isipan na hindi naman niya magawang hanapan ng sagot.

And speaking of Nelmark, she heard from Melissa na galit pa rin ito dito. Wala siyang ideya kung paano ito magalit at hindi niya kailanman gugustuhing malaman pa kung paano nga. But then she thought that Nelmark's anger might have scared Melissa too much which made that woman apologize to her.

Her tears fell as she listened to the song.

Put away the pictures, put away the memories

I put over and over through my tears

I've held them till I'm blind, they kept my hope alive

As if somehow that I'd keep you here

Once you believe in a love forevermore

How do you leave it in a drawer

Now here it comes, the hardest part of all

Unchain my heart that's holding on

How do I start to live my life alone

Guess I'm just learning, learning the art of letting go

She shook her head gently when she heard that. And then she sighed.

There's no way I'll ever let him go... umiiyak ang pusong saisip niya habang patuloy na nakikinig.

It's been two weeks, and undoubtedly, she missed him so much. God knew how much.

But then she thought, there's no reason for him to come back. Siya na ang nagtaboy rito palayo sa kanya. Kaya kailang niyang pagdusahan iyon.

But if God would give her a chance to see Nelmark again, she would definitely do everything for him to come back to her life. She knew it's her fault. Pinairal niya ang pagiging judgmental niya at hindi man lang niya hiningi ang paliwanag nito.

She would ask for his forgiveness if there's a chance. Even if she had to kneel in front of him just to forgive her from her mistake.

But then she asked herself a question.

Will he come back to my life and love me... again?

No comments:

Post a Comment