Monday, June 1, 2015

Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo - Chapter 7

KHEA LAUGHED weakly after she heard those words from Phrinze. At pinipilit na ina-absorb ng kanyang utak ang mga sinabi nito.

"H-hindi kita maintindihan, Phrinze. Ganoon ba ako kaimportante sa iyo at hinahayaan mo pang problemahin ang sarili mo dahil sa akin?"

"Kailangan ko pa bang sabihin iyon sa iyo, ha?"

Napatingin na lang siyang muli rito.

Oo, Phrinze. Kailangan kong malaman iyon para alam ko kung sapat ba ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa iyo upang magawa ko ang huling hiling ni Norina. Gusto kong alamin kung gaano nga ba ako kaimportante sa buhay mo. Subalit hindi niya nagawang isatinig iyon kaya naman nanatili lang siyang nakatingin sa mukha nitong ilang taon nang binubulabog ang puso niya.

"O, hindi ka na nakasagot diyan?" puna nito. At saka ito marahas na bumuntong-hininga sabay tingin sa dagat. "Alam mo ba, Khea? Kung minsan, hindi ko na maiwasang magtampo sa inyo ni Norina. Hindi ko alam kung may galit ba kayo sa akin sa klase ng trato ninyo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi ko masabi kung may inis ba sa akin si Norina dahil iniiwasan niya ako nitong mga nakaraang araw magmula nang magbalik siya. Madalas na sina Tito Clyde at Tita Marissa lang ang naaabutan ko sa mansion nila at sinasabi sa akin na may importanteng pinuntahan daw si Norina. At ikaw naman, napapansin ko na lagi kang malungkot at wala sa sarili mo. Kaya pati ako, nababalewala mo na. Hindi ka naman dating ganyan, Khea. Noon, kapag may problema ka—kahit gaano pa kahirap at kabigat—sinasabi mo sa akin. Kapag may galit ka sa mundo, sinasabi mo rin sa akin. Pero bakit ngayon—"

"Kahit na gustung-gusto ko nang sabihin sa iyo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon, hindi ganoon kadali para sa akin na basta na lang ikuwento sa iyo ang lahat," aniya.

Nang maalala niya si Norina matapos niyang sabihin iyon kay Phrinze ay namalayan na lang niya na tumulo na pala ang luha niya. At sa pagkagulat niya ay naramdaman niya ang masuyong pagpahid ng binata sa mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi.

"Phrinze..."

"I'm sorry, Khea," hinging-paumanhin nito at saka siya niyakap. "Ang sama ko talaga. Lagi na lang kitang pinapaiyak. Pasensya ka na. Frustrated lang siguro ako kaya nasabi ko na nagtatampo ako sa inyo ni Norina."

Natahimik na lang siya. At ipinikit niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang sayang dulot ng yakap ni binata sa kanya. Subalit kasabay ng pagnamnam niya sa yakap nito ay sumisingit ang mga tanong sa kanyang utak.

Bakit may pakiramdam siya na nababago na ang nararamdaman ni Phrinze para kay Norina? Dahil ba sa frustration nito sa pag-iwas ng best friend niya rito?

How come he was treating her affectionately like she was a very special woman in his life? Yes, as a woman. Not just as a friend. Noon ay hindi ito ganito sa kanya.

He would hug her like this before but it was a friendly gesture on his part, she's sure of that. Pero ngayon ay may iba siyang nararamdaman sa yakap nito. Sa ngayon ay hindi niya matukoy kung ano ang pakiramdam na iyon. Maybe she would leave it like that for now.

Matagal siyang niyakap ni Phrinze. And at that moment, she's happy and quite contented. She even felt secured and... loved.

Funny. May commitment na nga ang lalaking ito kay Norina. And yet, ganito pa ang nararamdaman ko. She smiled wryly at the thought.

Napapitlag siya nang marinig niyang tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kanyang cargo shorts at natigilan siya nang makita ang pangalang nakarehistro sa screen. Dahan-dahan siyang pinakawalan ng binata at wala sa sariling napatitig siya rito.

"Hindi mo ba sasagutin iyan?" untag nito.

She hesitantly stood up and answered the call just a few steps away from Phrinze. When she placed it on her ears, she felt her hand shiver.

"Hello?"

"Khea, mommy ito ni Norina. Hija, can you go here to the hospital?"

"B-bakit po?" kinakabahang tanong niya. Dumating na ba ang araw na kinatatakutan nila?

"Isinugod dito sa ospital si Norina. She collapsed while she was in the garden. And I don't think you're going to like the result of the tests conducted by her doctors earlier."

"Tita, h-hindi ko po kayo maintindihan..."

"The doctors said that... it'll be a miracle if she'll make it through the night. Bumigay na nang tuluyan ang katawan niya. Malapit na siyang mamatay, Khea. My baby's going to leave us sooner than we thought..." At narinig niya mula sa kabilang linya ang paghagulgol ng ginang.

Siya naman ay natutop na lang ang bibig.

Oh my God!

WALA PANG sampung minuto ay narating na nina Khea at Phrinze ang nag-iisang ospital sa Isla Marino. At pagbaba pa lang niya sa kotse ng binata na ginamit nila papunta doon ay agad silang sinalubong nina Tito Clyde at Tita Marissa sa labas ng ospital.

Agad na napayakap ang ginang sa kanya. Humahagulgol ito at nakaramdam siya ng pagkataranta. Hindi niya alam kung paano ito patatahanin pero agad din niyang naisip na hindi na niya magagawa iyon dahil sa sitwasyong kinahaharap ni Norina ngayon.

Habang yakap niya si Tita Marissa ay dahan-dahan siyang napatingin kay Phrinze na kasalukuyang nanonood lang sa kanila. Pormal ang mukha nito at tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Tito Clyde. Hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman nito nang mga sandaling iyon subalit may pakiramdam siya na galit ito sa kanya.

Nang sabihin niya rito kanina habang nasa dalampasigan sila na nasa ospital si Norina ay hindi niya sinagot ang tanong nito kung alam ba niya ang nangyayari sa best friend niya. Nakiusap na lang siya rito na samahan siya sa ospital. At habang nasa kotse siya nito ay wala silang kibuan hanggang sa marating nila ang lugar. Alam niya, ang hindi pagsagot sa tanong nito—lalo pa't may kinalaman kay Norina—ay nagbigay na ng duda rito.

Pero wala na siyang magagawa. Napagdesisyunan na niya na huwag sabihin rito ang totoo at hayaan na lamang niyang malaman nito ang lahat. Hindi nga lang niya akalaing malalaman nito ang katotohanan sa napakadaling panahon.

Sinamahan sila ng mag-asawa hanggang sa marating nila ang hospital room kung saan naka-confine si Norina.

Habang palapit sila sa pintuan ay lalo siyang kinakabahan. And at the same time, para bang hindi niya kayang harapin ang kanyang best friend nang mga sandaling iyon. Hindi niya kayang pagmasdan ang kanyang best friend nang mga sandaling iyon. Hindi niya kayang pagmasdan kung paano ito naghihirap sa pinagdaraanan nito.

Hindi niya kayang tanggapin na wala siyang magawa para matulungan ito, just to spare her best friend from her sufferings. She wanted to take the sickness out from Norina for she'd rather be the one who should suffer. Hindi niya magawang tanggapin na anumang oras ay iiwan na sila ng taong naging dahilan upang mahalin niyang muli ang kanyang buhay matapos ang trahedyang tumapos sa kanyang magulang. Wala siyang kayang tanggapin nang mga sandaling iyon lalo na kung tungkol rin lang sa sitwasyon ni Norina ang pag-uusapan.

Pigil niya ang hiningang huminto sila sa tapat ng hospital room ni Norina. Alanganin pa siyang pihitin ang doorknob upang buksan ang pinto at nang makita na niya ang kaibigan niya. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya kayang harapin ang kaibigan niya.

Hindi niya alam kung ilang sandali siyang ganoon kaya napapitlag pa siya nang maramdaman niya ang paghawak ng kamay ni Phrinze sa kamay niyang kasalukuyang hawak ang doorknob. Pinisil nito iyon. And all of a sudden, she felt the heat came rushing through her veins.

Napapikit siya.

"Khea, huwag kang panghinaan ng loob. Hindi gusto ni Norina na makita kang ganyan," masuyong anas nito.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.

"Hindi ko alam kung kaya kong gawin iyon, Phrinze," pag-amin niya bilang tugon sa sinabi ng binata.

"Then I'll be right beside you kung hindi mo talaga kayang gawin ang sinasabi ko sa iyo. Okay?" pag-a-assure nito sa kanya.

Napatitig siya rito. Ngumiti ito sa kanya.

"I promise." At saka nito itinaas ang kanang kamay bilang senyales na tutuparin nito ang ipinangako.

Magkasabay nilang pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok. Dahan-dahan at mabagal ang naging paghakbang niya habang palapit sa kamang kinahihigaan ni Norina. Kasunod niya si Phrinze na nasa likod lang niya.

Nang makita na niya si Norina na nakahiga at nakapikit, pakiramdam niya ay agad na tinangay ng hangin ang nalalabing lakas niya at tila mauubusan na siya ng hiningan dahil sa nakikita niya ngayon. Sari-saring emosyon ang sumasakanya ngayon at unti-unting pinapahirapan ang kanyang puso. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay sasabog na iyon anumang oras. And because of this, she couldn't help but to cry. She cried silently... but hard. Harder than she had ever cried on the day of her parents' murder.

Norina looked really pale and thin. Lalo pa itong namutla sa paningin niya kaysa noong huling beses niya itong makita. And that was three days ago.

She just stood there, looking at her best friend silently while crying.

Si Phrinze naman ay tila robot na lumapit sa kama ni Norina at nang tumigil ito sa tabi ng dalaga ay nakita niyang lumuhod ito. Dahan-dahan nitong kinuha ang kamay ng kaibigan at mariing hinagkan iyon.

Naalimpungatan naman ang dalagang nakahiga sa kama at dahan-dahang nilinga ang taong may hawak sa kamay nito.

"P-Phrinze..." hinang-hinang anas ni Norina.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito, Norina? Why do I have to know this at the last moment?" sumbat nito at hindi na nito napigilang umiyak sa harap ng kasintahan.

Norina then looked at her. At pinilit nitong ngumiti.

"Because I know that you wouldn't understand me, Phrinze," wika nito habang nakatingin sa kanya.

Iyon ang huling sinabi ng dalaga bago niya nakitang humagulgol si Phrinze. At walang sabi-sabing tumakbo siya paalis sa lugar na iyon habang walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Khea went to the park that happens to be right next to the hospital and sat on the bench away from the people. Doon na siya tuluyang humagulgol.

HINDI alam ni Khea kung gaano siya katagal doon sa park at umiiyak. Gusto niyang pamanhirin ang kanyang sarili sa lahat ng sakit ng kaloobang mararanasan niya ngayon at sa susunod pang mga araw. Wala siyang gustong maramdaman na kahit ano sa oras na tuluyan na silang iwan ni Norina.

Why does it have to end up like this? Hindi ba't may tatlong buwan pa si Norina bago ito tuluyang mawala at lisanin sila sa mundong ito? Bakit ngayon ay malalaman na lang niya na isang milagro na lang kung makakatagal pa ang kaibigan niya matapos ang gabing ito? Was her best friend really looked sicker than she thought and she doesn't even know?

Puro mga tanong na hindi niya mahanapan ng kasagutang nais niyang malaman.

Wala na siyang maiiyak nang mga sandaling iyon kahit na gustuhin pa niyang umiyak nang umiyak. At hindi nakatulong iyon upang pamanhirin ang kanyang puso. Hirap na hirap siyang tanggapin ang katotohanang nakabalandra sa kanyang harapan at sa totoo lang ay walang nagawa ang walang patid na pagtulo ng mga luha niya kanina pa.

Mababaliw na siya sa kaiisip kung ano ang nararapat niyang gawin sa sarili niya, sa buhay niya kung sakaling wala na si Norina sa tabi niya upang suportahan siya.

Why does people have to suffer because of a loss? No matter how we care for them—no matter how much we say and let them feel that we love them—they'll never stay forever? Iyon ang tanong na noon pa man ay pilit niyang hinahanapan ng kasagutan. Nag-ugat iyon noong mga panahong namatay ang kanyang mga magulang.

Nakatingin lang siya sa kawalan nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nang lumingon siya upang malaman kung sino ay natigilan siya nang makita niya si Phrinze. Nakatayo ito habang nakasandal ang likod sa punong nasa likuran lang ng bench na inuupuan niya.

"I thought you're staying beside her," aniya.

Sinundan niya ito ng tingin nang umalis ito sa pagkakasandal sa puno at naupo sa tabi niya. Magkasalikop ang mga kamay na tumingin ito sa madilim na kalangitan at huminga nang malalim.

"P-Phrinze... okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi ko alam, Khea," hindi nakatinging sagot nito. "Ang daya niya. Bakit ikaw lang ang sinabihan niya ng tungkol sa sakit niya? Wala na ba akong karapatang malaman iyon? Para ano pa't naging boyfriend niya ako kung hindi ko man lang siya nagawang tulungan noong mga panahong tinitiis niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya? Wala na ba akong halaga sa kanya para balewalain niya ako nang ganito? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya upang malaman niya na handa akong damayan siya hanggang sa huling sandali ng buhay niya? O baka naman... hindi na niya ako mahal?"

Tila ang sarili lang nito ang kausap nito nang mga sandaling iyon. Siya naman ay nakikinig lang sa lahat ng sinasabi nito. Alam naman niyang wala siyang magawa. Subalit sa bawat tanong nito sa sarili ay dama niya ang sakit at paghihirap na kasalukuyang dinaranas ng puso nito.

At lalo pang nadagdagan iyon nang makita niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata nito.

"Phrinze..."

"Ang sakit, Khea. Ang sakit para sa akin na mabalewala nang ganoon lang." Napayuko ito nang sabihin iyon at napahagulgol. "Lalo pa't ang taong mahal na mahal mo ang gagawa niyon sa iyo. At hindi madali para sa akin na tanggapin iyon."

Gusto niyang aluhin ito, gusto niyang yakapin ito upang pakalmahin. But for some reason, there's something that's holding her back for her to do it. Hindi na niya gustong manamantala ng pagkakataon, lalo pa ngayon na malapit nang mamatay si Norina. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili kahit na gustung-gusto na niyang yakapin ito para lang tumahan.

"Hindi madali para sa kanya na ipagtapat sa akin ang totoo, Phrinze. Maging ako man, nasaktan nang magtapat si Norina sa akin tungkol sa totoong nangyayari sa kanya sa Amerika. Pero kaibigan ko siya. Ayokong hanggang sa huling sandali niya sa mundo ay magiging mahirap sa kanya nagalit ako sa paglilihim niya sa akin."

Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Phrinze at tiningnan siya. Pinilit niyang ngumiti subalit tumutulo naman ang kanyang luha.

"Hindi totoong hindi ka na niya mahal kaya niya nagawang ilihim sa iyo ang sakit niya. Dahil kung hindi ka na nga niya mahal, sa tingin mo ba ay babalik pa siya dito? Pero dahil sa pagmamahal niya sa iyo—sa ating lahat—ay bumalik siya. Alam niyang mas magiging masakit para sa atin kung hindi na siya babalik dito at nawala na siya sa mundo na hindi man lang natin siya nasisilayan sa huling pagkakataon," garalgal ang tinig na sabi niya.

Umangat ang kamay nito at masuyong pinahid ng daliri nito ang mga luha niyang namalisbis sa kanyang pisngi. At lihim niyang ikinagulat ang pagyakap nito sa kanya.

"I'm sorry, Khea. Hindi ko man lang natupad ang ipinangako ko sa iyo kanina," anas nito. "Ako ang agad na pinanghinaan ng loob. At wala ako sa tabi mo habang narito ka sa labas at labis na pinanghihinaan ng loob habang umiiyak. I'm really sorry."

Matapos nitong sabihin iyon ay napatingala siya sa langit.

Oh God! Give us strength to overcome this. Hindi ko alam kung kakayanin naming lahat na tanggapin ang nakatakdang maganap ngayon.

After that, she silently cried. And slowly, she closed her eyes. Sa ngayon, kay Phrinze na lang muna siya hihingi ng lakas ng loob. Kayanin ko sana ito...

"HUWAG mo sanang kalilimutan ang pangako mo sa akin, Khea. Alam ko na magagawa mo ito. You know what? I'll tell you something. Sa lahat ng mga naganap sa buhay ko, ang makilala ka ang pinakamagandang nangyari. At kahit na kailan, hinding-hindi ko pinagsisisihang dumating ka sa buhay ko. I'll miss you, Khea... so much. Tandaan mo na lang na lagi akong nakabantay sa iyo. I love you..."

Tandang-tanda pa ni Khea ang lahat ng iyon. Iyon ang mga huling katagang sinabi ni Norina bago ito tuluyang malagutan ng hininga. Naroon siya sa tabi nito habang pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak dahil ayaw nito na nakikita siyang umiiyak. She left already. Finally, Norina won't have to suffer anymore. Iyon na lang ang konsolasyon niya sa lahat ng mga nangyari.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. But she thought of herself as pathetic for the reason that she never kept her promise she made to herself. Nangako siya noon na hindi niya hahayaang mag-suffer si Norina. At sinabi rin niya sa sarili niya na mas mabuti pang siya na lang ang umiyak at masaktan para dito kung kinakailangan.

"We'll never be able to avoid something that's inevitable." Noon lang niya na-realize na iyon pala ang ibig sabihin ng kaibigan niya nang minsan nitong sabihin sa kanya iyon. Ang ibig mo bang sabihin, kasama sa mga sinasabi mong 'inevitable' na mahalin ko si Phrinze? Kasama ba doon ang plano mong pagbabaling niya sa akin ng pagmamahal na minsan niyang inilaan at inialay sa iyo? Iyon ang tanong niya habang nakatayo sa harap ng puntod ni Norina.

Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ihatid sa huling hantungan ang best friend niya. Kulang na lang ay mabaliw siya sa dami ng mga pagbabago sa buhay niya. Mabuti na lang at may lakas pa siyang baguhin ang lahat sa magandang paraan at nagagawa pa niyang labanan ang depresyong pinipilit siyang igupo sa isang sulok. Hindi gusto ni Norina na makita siyang nahihirapan dahil dito. Kaya naman gagawin niya ang lahat upang maging masaya at aktibo siyang muli. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon. Para sa kanya rin naman iyon. Ngunit nag-aalala siya. Mukhang mahihirapan siyang tuparin ang ipinangako niya sa kanyang best friend tungkol kay Phrinze.

Agad na umalis si Phrinze sa Isla Marino matapos ang libing ni Norina dahil gusto daw muna nitong hanapin ang sarili. Alam niya na labis itong nasaktan sa pagkawala ni Norina pero palagi pa rin itong nakangiti sa kanya—kahit may bahid iyon ng lungkot. Halatang kinakaya nito ang sakit upang maibangon pa nitong muli ang pagkatao nito na tuluyang nalugmok dahil sa nangyari. Subalit nangako ito na muling babalik sa isla sa oras na handa na itong harapin siya at lahat ng mga bagay na magpapaalala rito kay Norina.

At isa lang ang pangako niya rito subalit hindi niya nagawang sabihin noon. I promise, Phrinze. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. "Sana nga ay magawa ko pa ang gusto mong mangyari sa aming dalawa ni Phrinze," bulong niya habang nakatingin sa puntod ni Norina.

Pero tuparin kaya ng binata ang ipinangako nito?

No comments:

Post a Comment