"YOU GOT to be kidding me, Kuya. Pinapunta mo ako dito para lang kausapin ang taong dahilan kung bakit naka-amnesia noon si Allen at kung bakit ako nagngingitngit ngayon? Ilang turnilyo na ba ang nawala diyan sa utak mo, ha?" napapantastikuhang tanong ni Relaina kay Joseph nang maabutan niya ito sa Isabella's Café and Restaurant kasama si Vivian. Hindi niya napigilang lakipan ng sarkasmo ang mga tanong niya dahil talagang naiinis siya sa kapatid. Para bang gusto siya nitong inisin nang husto lalo pa't alam nito ang tungkol sa mga ginawa ni Vivian sa kanila ni Allen noon.
Buntong-hininga lang ang sagot ni Joseph samantalang si Vivian naman ay apologetic na nakatingin sa kanya. Bigla ay tila naantig siya sa itsura nito pero sinikap niyang mapalis iyon. Dapat lang na maging apologetic ito. Hindi nito alam kung gaano siya nagdusa noon dahil sa pagkawala ng alaala ni Allen, dahilan upang matapos nang bigla ang relasyon nila nito.
"Maupo ka kaya muna, baby girl. May dahilan si Vivian kung bakit gusto niyang makipagkita sa iyo, okay? Don't be a brat right now," seryosong sabi ni Joseph.
Kapag ganito na ito ay isa lang ang ibig sabihin niyon. Manahimik muna siya at makinig kahit pa ayaw niya. Napabuntong-hininga siya. Great! Siya pa ngayon ang nasabihang brat . Samantalang ang babaeng kasama ng kapatid niya ay 'di-hamak na mas brat pa kaysa sa kanya. Well, noon iyon. Ewan lang niya ngayon. Dahil hindi niya gustong magalit sa kanya ang kapatid ay sinunod na lang niya ang utos nito. Naupo siya sa steel chair na katapat lang ni Vivian. Kaya ngayon ay kaharap niya ang babaeng kinaiinisan. Yes, kinaiinisan lang. Hindi kinamumuhian kahit gustuhin niya.
It has been eight years. Panahon na ang nagbawas sa hinanakit at pagkamuhi niya kay Vivian dahil alam niyang pinagdusahan na nito ang kasalanan nito sa kulungan. Kaya nga inis na lang ang nararamdaman niya para dito ngayon. Inis dahil hinalikan nito ang nobyo niya—este alanganing nobyo niya pala. Alanganin dahil hindi naman niya matukoy kung mahal pa rin ba siya nito dahil wala naman itong ibinibigay na assurance sa kanya.
"I just want to say sorry for everything bad I've done to you and Allen," simula ni Vivian habang seryoso at malungkot na nakatingin sa kanya.
She was caught off-guard. Ang mga sinabi kasi nitong iyon ang pumukaw sa pag-iisip niya. "Y-you're saying sorry?"
Tumango ito at ngumiti nang malungkot. "Gusto kong mabuhay na wala nang guilt feelings sa dibdib ko. I've already thought about this years ago noong nasa kulungan pa ako. Na-realize ko ang mga pagkakamali ko—lalo na sa inyo ni Allen—nang makita ko kung paano nangtiyaga si Allen sa paghihintay sa iyo. I just got out of the prison that time. It was two months after his favorite aunt died. Humingi ako ng sorry kay Allen at pinatawad naman niya ako. Wala naman daw mababago kung patuloy lang siyang magagalit sa akin dahil sa ginawa ko na naging dahilan naman para umalis ka. Tanggap ko na rin na hindi na niya ako magagawang mahalin nang higit pa sa kaibigan. Kung hindi ko pa rin siguro tanggap iyon, baka hindi ko nakilala ang napangasawa ko."
"May asawa ka na?" But if that was the case, ano ang nakita niya sa reception? Siya lang ba ang nag-isip ng negatibo tungkol doon?
Ngumiti ito at masayang tumango. "I met him six years ago. Siya ang tumulong sa akin para magbagong-buhay. He made me find my true self. He helped me find my true home, my true happiness. In the process, I fell in love with him. He loved the whole me. Tinanggap niya ang nakaraan ko at minahal niya ako nang higit pa sa inaasahan ko. At masaya na ako. Anyway, we got married three years ago."
Napangiti na rin siya sa nadamang kasiyahan ni Vivian sa bagong buhay nito. Sa kuwento nito ay tila naglaho na ang inis na nararamdaman niya para dito kanina lang. "I'm glad you found the right person for you, Vivian. Really." At totoo iyon sa kalooban niya.
"I guess that means you forgive me?"
"Yeah. Parang ganoon na nga. But is it okay if I ask you something?"
"Sure. As long as I can answer it."
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "T-the kiss and the h-hug that you... umm... gave to Allen... Is there any meaning behind it?" Mabuti nang magkalinawan na sila para hindi sinisira ng eksenang iyon ang utak niya at patuloy na pahirapan ang puso niya. Nakakasawa na.
Nakangiti itong umiling. "It was just a friendly kiss. Even my husband saw that. And I guess it would also amount to a farewell kiss. Aalis na kasi ako papuntang California. Doon na kami maninirahan ni Evon. Nagkataon kasing naroon ang business niya. Business partner siya ng Kuya Joseph mo."
"Wait! Did you say Evon?" Bakas man ang pagtataka sa mukha ni Vivian ay tumango pa rin ito. "Ang ibig mong sabihin, si Evon Wilford Atienza na business partner ni Kuya Joseph sa Empire House ang napangasawa mo?"
"You know him?" gulat na tanong nito.
"Kilalang-kilala niya ako, Vivian."
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na pamilyar sa kanya. Palapit sa kinauupuan nila ang isang matangkad at guwapong lalaki. Napatingin siya kay Vivian at nakita niya sa mga mata nito ang pagmamahal at pagsuyo. Until now, wonders of love that could change probably even the worst person never ceased to amaze her. Tumayo si Vivian sa kinauupuan nito at nilapitan si Evon bago ito ginawaran ng halik sa mga labi ng huli. Halata sa mga mata ni Evon na talagang mahal nito si Vivian at ganoon din si Vivian sa lalaki.
Hinawakan naman ni Joseph ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Ngumiti siya sa kapatid at nagpasalamat. Pero bigla ay naramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Instinctively, napatingin siya sa labas ng restaurant. Dagling bumilis ang tibok ng puso niya nang mahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na bulto. Pasakay ito sa isang black SUV at matuling pinatakbo iyon paalis doon. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa nakita. At hindi siya nakakilos sa kinauupuan niya dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Oh, my God!" hindi niya napigilang ibulalas. Mukhang panibago na namang issue ang dapat niyang harapin.
"What's wrong?"
Frustrated na hinarap niya ang kapatid. "I think I just saw Allen left."
Nagkatinginan sina Evon at Joseph.
"Teka, alam ba ni Allen na magkapatid kayo ni Relaina?" tanong ni Vivian na nakatingin kay Joseph. Umiling ang huli.
"Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Pero alam niyang may kapatid akong babae na mas bata sa akin ng limang taon."
"Teka lang, Kuya. Magkakilala kayo ni Allen?" manghang tanong niya sa kapatid. Bakit hindi niya yata alam ang tungkol doon?
"Oo. Pero saka ko na ipapaliwanag kung paano nangyari iyon. Kailangan ko munang makausap si Allen at sabihin ang tungkol sa bagay na iyon. Besides, I need to let him work his ass off kung ganoon ka niya talaga kamahal. It's about time na siya naman ang magpatunay sa iyo kung gaano ka niya kamahal gaya ng sinasabi niya sa akin. Hindi iyong nangangapa ka pa rin hanggang ngayon kung may puwang ka pa rin ba sa puso niya."
How the heck did he know that? Pero hindi muna iyon mahalaga sa ngayon. "Paano mo naman gagawin 'yon? And besides, 'di ba dapat ako ang gumagawa ng paraan para malaman ko iyon?"
"Paano ko gagawin iyon?" Joseph smiled, as if he had thought of the most brilliant plan ever. "Ako na ang bahala doon. You already did your part of proving him that you never really loved any other guy but him. Kami ni Evon ang saksi sa bagay na iyon. This time, let him do his part to prove his love for you. Just trust me."
"ANO'NG GINAGAWA mo dito? At nasaan si Relaina? 'Di ba magkasama kayong dalawa?" malamig na salubong ni Allen ng mga tanong sa kadarating lang niyang bisita. Walang iba kundi si Joseph. Naroon siya sa opisina niya sa flower shop—dahil siya ang katulong ni Miette sa pamamahala roon mula nang mamatay si Tita Marie—nang wala siyang ibang lugar na maisip puntahan. He had to go somewhere quiet and near the town. Doon siya nagtungo upang makapag-isip nang matino.
"So it's Relaina now, huh? Ang sama mo talaga. You're the only person who called her Laine. Ano'ng nangyari at bigla yatang nawala ang endearment mo sa kanya?"
"Nagtanong ka pa!" sarkastikong banat niya rito at muling nagtungo—o mas tamang sabihing nagkulong—sa opisina niya. Hindi niya gustong bastusin ito nang ganoon pero hindi talaga niya mapigilan lalo pa't patuloy na umuukilkil sa isip niya ang nadatnang tagpo sa Isabella's kanina habang hinahanap si Relaina. Bigla na lang kasi itong nawala sa reception. Para siyang sinikmuraan sa nakita.
Masayang nag-uusap sina Joseph at Relaina kasama si Vivian at ang asawa nitong si Evon. Pero hindi lang iyon ang nagpainit sa ulo niya. Ang paghawak ni Joseph sa kamay ng dalaga at ang ngitian ng mga ito ang dahilan kung bakit nagmamadali siyang umalis sa Isabella's. Kinailangan niyang umalis doon bago pa niya mabugbog si Joseph. Hindi niya gustong makipag-away lalo pa't kaibigan niya ang kasama ni Relaina. Isa pa, hindi niya gustong madagdagan ang sakit sa dibdib niya. He was so hurt and so mad at the same time. Siya ang taong madaling magselos kahit noong college days pa lang nila ni Relaina. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang may makalapit na lalaki noon sa dalaga sa tuwing may nagtatangkang manligaw dito. Ganoon na siya ka-possessive dito noon pa man.
He thought okay na sila ni Relaina. For the past three weeks, he tried to let her feel that he only loved her and no one else. At tila ganoon din naman ito sa kanya. Para nga silang nagbalik sa nakaraan dahil sa pinaggagagawa niya. Pero kulang pa pala ang lahat ng effort niya. At naalala niya ang tungkol sa latest project ni Joseph sa kanya at kung para kanino iyon. It was for his "someone special". Mukhang si Relaina ang tinutukoy nito.
Walang salitang pumasok si Joseph sa opisina niya at prenteng naupo sa mahabang sofa na naroon. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa ginagawa—ang tumingin sa labas ng bintana at uminom ng alak.
"You know, if she saw you doing this to her, baka hindi lang suntok sa mukha ang ibigay niya sa iyo. She would be worried and hurt, as well. Lalo na kapag narinig niyang tinawag mo siyang Relaina instead of your usual endearment to her," kalmado at iiling-iling na wika ni Joseph kapagkuwan.
"Ano ba'ng pakialam mo? Why don't you go back to her and leave me alone?" asik niya rito kahit labag sa kalooban niya ang mga sinabi rito.
Tila naramdaman naman iyon ni Joseph at bumuntong-hininga. "I can't do that. And I can't leave you here, not while you're suffering like this kahit na wala ka namang dapat pagdusahan. Isa pa, may misyon akong kailangang tapusin. I'm doing this for both of you, after all."
Kumunot ang noo niya at hinarap ito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Relaina's not my girlfriend, okay? Yes, she's special to me at siya ang tinutukoy kong 'special someone' na babalik na dito sa Pilipinas. But she's not as special to me as you think she is—at least not romantically. Isa pa, hindi puwedeng mangyari iyon dahil bukod sa may asawa na ako five years ago pa, magkadugo kami ni Relaina. She's my half sister," walang kagatol-gatol na pag-amin nito.
Siyempre pa, ikinagulat niya iyon. All the while, he thought that Relaina didn't have a brother; much less a half-brother. And now, bigla na lang sasabihin sa kanya ni Joseph na magkapatid ito at si Relaina?
"Wala kang dapat na ipagselos at ipagmukmok dito, Allen. Walang kakayahan ang puso ng isang taong tunay at wagas na nagmamahal na ipagpalit o burahin sa puso niya ang espesyal na taong tanging minahal niya. Hanggang may pag-asa pa siyang nasisilip—kahit gaano pa kaliit iyon—para magkasama silang muli ng taong pinakamamahal niya at alam niyang para sa kanya, hindi siya sususko. Hindi rin siya magtataksil sa kabila ng distansiyang naglalayo sa kanila. Relaina proved that for the past eight years. Hindi siya nag-entertain ng kahit sinong manliligaw niya. Itinatapon niya kaagad ang mga bulaklak na ipinapadala sa kanya. Iisang tao lang naman ang gusto niyang magbigay ng bulaklak sa kanya. Hindi ko naman na siguro kailangang sabihin kung sino iyon, 'di ba?"
Hindi siya nakaimik sa pagkagulat. Hindi siya makapaniwala. What he heard from Joseph was enough to fade his doubts and fears about courting Relaina again. Yes... Nililigawan niya ito uli kahit hindi naman sila opisyal na naghiwalay noong magka-amnesia siya.
"I don't know if she told you this. She returned to fulfill her promise that she wrote for you."
Napatingin siya dito. "Ano'ng pangako ba ang sinasabi mo, ha? I've heard that from Laine before and Tita Marie mentioned something about that before she died."
Noon naman bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Miette dala-dala ang isang itim na hardbound book. Katulad ng isang encyclopedia ang laki niyon. Bakit may dala itong ganoon?
Humihingal na ibinagsak ni Miette ang libro sa mesa niya. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Hay, naku, Kuya Joseph! Mabuti na lang at binigyan mo ako ng clue sa paghahanap sa journal na ito. Kung hindi, ewan ko na kung ano'ng mangyayari sa akin. It's a good thing masinop sa mga gamit niya si Mama. Hindi ako nahirapang hanapin iyan. Isa pa, iyan lang naman ang librong may kumpletong pangalan ni Ate Aina at may nakaipit pang mga bulaklak. Grabe, ha? Bilib din ako sa kanya. Ang sipag niyang magsulat."
Nakita nga niya sa pabalat ng libro ang buong pangalan ni Relaina. Sa ibaba niyon ay may nakapagkit na Post-it note. This is for you, Allen. I hope this will remind you of everything about us. I love you whatever happens... till beyond eternity. Iyon ang nakasulat doon. Naantig siya sa nabasa doon.
"Read this, as well," ani Joseph saka nito inilapag sa tabi ng journal ang isang softbound book. Parang bond papers iyon na ipina-bookbind para pagsama-samahin ang mga papel na iyon. "Read all these letters after reading what's in her journal. Diyan mo malalaman kung ano ang mga ginawa niya dahil sa pagmamahal niya sa iyo. She never gave up hope that after doing what she had to do, you two will be together once again. Or at least, she'll try to let you two be together again."
"Sa mga sinasabi mo pa lang, parang ang dami na niyang ginawa para lang patunayan iyon. Paano ko naman kaya mapapatunayan sa kanya na wala akong ibang minahal kundi siya?" He really has to do something for that. It was about time he defend their pledge to let her stay in his life for good—eternally, for that matter.
Ngumiti si Joseph at tinapik siya sa balikat niya. "Say the magic words this time. Iyon kasi ang nakalimutan mo kaya parang alanganin pa rin si Relaina sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon, applicable ang kasabihang 'actions speaks louder than words', lalo na sa mga babae. Mas mapapanatag sila kapag sinasabi mo sa kanila ang gusto nilang sabihin."
Tiningnan lang niya si Joseph matapos niyon.
"Make my sister happy, Allen. It's about time she has to go back to her true home. Be her true home so she won't have to cry anymore."
"I will," determinadong sagot niya.
No comments:
Post a Comment