HUMINGA nang pagkalalim-lalim si Alex habang tagus-tagusan ang pagkakatitig niya sa kisame. Pangatlong beses na niyang ginawa iyon pagkatapos niyang magising nang umagang iyon. Ngunit sa pakiramdam niya ay hindi iyon sapat upang pawiin ang namumuong bigat sa dibdib niya. Naiisip na naman niya si Rianne at ang halik na namagitan sa kanila noong birthday ni Francis. Iyon kasi ang napanaginipan niya kagabi. Nang magising siya ay tiningnan niya ang pendant. Kahit papaano ay nakatulong iyon upang gumaan ang kalooban niya gaya ng madalas na mangyari kapag pinagmamasdan niya ang naturang bagay.
Magdadalawang linggo na mula nang makalabas siya sa ospital. Ganoon katagal na rin siyang labis na nangungulila kay Rianne matapos nitong umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Ang akala niya, kapag ipinagtapat na niya rito ang lahat ay magiging okay na sila nito. Na kapag nalaman man niyang hindi siya mahal nito ay magsisimula siya sa umpisa. Liligawan niya ito. Hindi na siya matatakot gawin iyon. Gagawin niya ang lahat upang mapaibig ito. Pero dahil umalis ito ay hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para lang maibsan ang pangungulila niya rito.
Hindi siya pinayagan ng kanyang ina na magtrabaho kaagad pagkalabas niya sa ospital hanggang hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat niya. He wanted to bury himself to work para hindi mabakante ang oras niya. Pero mahal niya ang kanyang ina. Sa lahat ng ayaw niya ay ang makita itong nag-aalala para sa kanya at sa mga kapatid niya. Pinagbigyan niya ang kagustuhan nitong doon muna siya sa mansion mamalagi habang nagpapahinga at nagpapagaling pa siya. Ngunit walang oras na hindi niya naisip si Rianne. He missed her so much; it was driving him crazy. He wanted to see her and be with her.
Hindi iilang beses na bumalik siya sa building kung saan ipinagtapat siya kay Rianne. Ang hindi nalalaman ng dalaga, sa kanya nakapangalan ang loteng kinatatayuan niyon. Binili niya iyon noong twenty-first birthday niya bilang regalo sa sarili kahit hindi pa siya sigurado kung ano nga ba ang gagawin niya doon. Nang dumating si Rianne sa San Rafael at ipinahayag nito ang kagustuhan nitong magkaroon ng flower shop, noon lang niya lubusang naintindihan at naalala ang lahat. Tumatak sa kanya ang unang pagkikita nila ng dalaga noong high school. Lalo na nang ipahayag nito noon ang pangarap nitong magkaroon ng flower shop. Nagawa niyang ipatayo ang building na iyon sa tulong ni Allen na pinlano niyang maging isang flower shop upang iregalo kay Rianne.
He took a deep breath. Kung alam lang nito siguro ang tungkol sa ginawa niyang iyon, marahil ay hindi na ito umalis. Gusto niyang maging bahagi ng pagtupad sa mga pangarap nito. Gagawin niya ang lahat para rito. Iyon ang naiisip niya kapag tinitingnan niya ang indigo pendant. Para bang ang pendant na iyon ang pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob na gawin ang nais niya para kay Rianne.
Napapikit siya nang bumaha ang liwanag sa loob ng silid niya. Hindi pa kasi nahahawi ang mga kurtina sa kuwarto niya dahil wala siyang planong gawin iyon. Hindi pa niya gustong umalis doon kahit pasado alas-diyes na ng umaga. Napatingin siya sa taong nakatayo sa pinto.
"Ang akala ko ba, may trabahong pinapaasikaso sa iyo si Tita Cecille?" tanong niya nang makita niya si Allen. Ang alam niya ay bumalik na ito ng Maynila upang asikasuhin ang trabaho nito.
"Kinausap ni Mama si Tita. Dumito daw muna ako hanggang hindi ka na malungkot." Lumapit ito sa kama niya at naupo doon.
Kumunot naman ang noo niya. "Ha? Ano ba'ng sinasabi mo riyan?"
"Hindi lang naman si Mama ang nakakahalata, eh. Halos lahat ng nandito sa mansion ay napapansin na lagi kang wala sa sarili mo. At isa pa, kakambal kita kaya alam ko na nalulungkot ka sa biglaan at walang paalam na pag-alis ni Rianne. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin," seryosong pahayag nito habang nakatingin sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pa. His twin brother was right. Sa pamilya nila, si Allen ang isa sa walang kahirap-hirap na nalalaman ang likaw ng bituka niya. Ganoon din naman siya rito. Hindi man nito sabihin ay ramdam niya ang kalbaryong pinagdaraanan nito dahil sa paghihintay sa babaeng tanging bumihag sa puso nito. Ganoon kalakas ang koneksyon nilang magkambal.
"Wala ka bang balak gawin para magkita kayong muli?" pagkuwa'y tanong nito na ang tinutukoy ay si Rianne. Humiga ito sa tabi niya at ginawang unan ang mga braso nito. "Hindi ikaw ang tipo ng taong walang hindi gagawin para makuha ang mga gusto mo. Hindi mo nga lang ipinapahalata na may balak kang gawin."
"Ganoon ba kahirap ang maghintay, 'tol?" balik-tanong niya sa halip na sagutin ito.
Sa sulok ng mga mata ay nakita niyang natigilan ito. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito. "Depende kung gaano ka kadesididong hintayin ang gusto mong hintayin."
"Paano mo nagagawa iyon? It's been eight years and yet you're still doing it."
"Alin? Ang maghintay? Ang totoo, hindi ko rin alam. Aaminin ko, napakahirap. Probably hard enough to drive me insane. Pero ipinangako ko na noon pa sa sarili ko na hihintayin ko siya. Alam kong hindi magiging madali ang gusto kong mangyari pero gusto kong gawin ang lahat, magbalik lang siya sa buhay ko. Hindi siguro niya nalalaman pero matagal na niyang hawak ang puso ko. Sa kanya ko lang naman kasi ibinigay iyon nang buung-buo." Ngumiti ito nang malungkot. Ramdam niya sa tinig nito ang pait sa kabila ng determinasyon. More than ever, he was amazed by his brother's undying love for that woman in spite of the pain. None other than Rianne's cousin, Relaina.
"Minsan lang talaga sa isang Cervantes ang magmahal ng tapat," aniya at muling huminga nang malalim. Iyon ang mga katagang minsang binanggit sa kanya ng mama niya nang minsang ikinuwento ng ginang ang love story nito. Proven na rin iyon dahil sa nakikita niya sa buhay-pag-ibig ng mga tito't tita niya sa mother side.
"Eh di inamin mo ring mahal mo si Rianne?"
"Matagal ko nang inamin iyon sa iyo at sa sarili ko."
"Kung ganoon, ano pa'ng ginagawa mo rito sa kuwarto mo? Kung gusto mong malaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya, huwag ka nang humilata diyan. Gumawa ka ng paraan," utos nito na may halong biro. "Alam ko naman na wala na sa bokabularyo mo ang maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung darating nga." Tumayo na ito at walang lingon-likod na tinungo ang pinto.
Bumangon siya sa kama. Aktong pipihitin na nito ang seradura ng pinto nang tawagin niya ito.
"Bakit mo ginagawa ito, 'tol?" Bagaman alam na niya ang sagot, nais pa rin niyang marinig iyon dito.
Ilang sandal rin itong hindi umimik. Nagtiyaga siyang hintayin ang sagot nito. Dinig pa niya ang buntong-hininga nito bago siya nilingon.
"I want you to fight for her, for Rianne. Alam ko kung gaano kahirap ang maghintay sa isang sulok kahit na hindi ka kailanman sigurado kung darating pa nga ba ang hinihintay mo. Gusto kong gawin ang lahat para makita si Relaina pero hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula. It's so frustrating; hindi ko lang ipinapahalata. Samantalahin mo ang pagkakataong ibinigay sa iyo; iyon lang ang gusto kong gawin mo. Hanapin mo si Rianne at kapag nagkita na kayo, sabihin at iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Alam kong magagawa mo iyon, lalo na kung kasing-sidhi ng nararamdaman ko para kay Relaina ang nararamdaman mo para kay Rianne. Tama nang isa sa atin ang naiwang nagdurusa dahil sa pag-ibig. Hindi ko gustong maranasan mo rin ang pinagdaraanan ko ngayon, bro."
Napatitig na lang siya sa nilabasang pinto ni Allen matapos nitong sabihin iyon at walang salitang iniwan siya roon. Ilang sandali pa ay pinag-iisipan na niya ang gagawin.
xxxxxx
HINDI MALAMAN ni Rianne kung ano ang pumasok sa kukote niya at naisipan niyang basahin ang lumang journal niya sa attic. Natagpuan niya iyon roon habang nangangalkal siya ng mga gamit na nakatambak sa bahaging iyon ng bahay nila. Wala kasi siyang magawa nang mga oras na iyon kaya naisipan niyang magtungo sa attic at mangalkal ng mga nakaimbak na gamit. At sa pangangalkal ay nakita niya ang hinahanap niya—isang pamilyar na indigo notebook na nagsilbing journal niya. Ang indigo notebook na ibinigay sa kanya ni Alex kasama ng cream-colored tulip noong Valentine's Day noong third year high school siya.
High school journal niya iyon at nakasulat doon ang halos lahat ng mga pangyayari sa buhay niya noong nasa sekondarya pa siya. Nakasulat din doon ang damdamin niya para kay Alex—at iyon ang dahilan kaya hindi niya magawang itapon ang journal kahit na nasaktan na siya ng mga panahong iyon.
Muli niyang binasa ang isang bahagi ng journal na nagpapatunay lang na iniluklok na niya si Alex sa puso niya noon pa man. Ang bahaging nagsasabi kung gaano niya ito kamahal noon na walang ipinagbago ngayon. In fact, mas masidhi pa kaysa noon ang nararamdaman niya para rito ngayon.
I'll hold on to him for as long as I could. I'll make him stay with me because he's mine and I refuse to let him leave me. I love him and I'll never give him up. And I realized one thing the moment I admitted to myself that I love him. I couldn't have picked a better person for me to love. Though he doesn't know that, I will continue loving him truly because he made my life the loveliest one to live. And in my guess, he'll be the one person I'm bound to love forever.
That's all I know and I'm happy with that.
Her eyes turned misty after reading that. For some people, it might had been foolish for a sixteen-year-old high schooler to write something as sure as that. Hindi niya inakalang ganoon siya kadesidido noon na mahalin si Alex. Ganoon pala kasidhi ang nararamdaman niya para rito. At isinulat pa niya iyon.
Hindi niya naiwasang balikan sa isipan ang mga namagitan sa kanila ni Alex sa San Rafael. Lalo na ang halik na pinagsaluhan nila nito. His kisses were enough to take her breath—and her sanity—away. It was the most wonderful memory na hindi niya kailanman pagsasawaang balikan. Ang halik nitong iyon ang nagpatunay na hindi kailanman naglaho ang pag-ibig niya para rito. Totoo nga yata ang isinulat niya sa journal.
He'll be the one person I'm bound to love forever...
Dalawang linggo na ang lumipas at hindi maitatangging nami-miss niya nang husto si Alex. Gusto niya itong balikan sa San Rafael at sugurin ng yakap at halik. Gusto na niyang ipagtapat dito ang tunay niyang nararamdaman. Pero para sa kanya, hindi pa klaro ang takbo ng utak niya. Marami pa siyang kailangang gawin at hindi niya iyon magagawa na kasama ito. Madi-distract lang kasi siya. Ito pa mandin ang masasabi niyang isa sa mga distractions niya.
Guwapong distraction naman.
So far, muling nakakabangon ang traveling agency sa tulong ng kanyang mga magulang. His father deliberately did everything he could for the agency and its staff. Imbes na mawalan ng pag-asa dahil sa mga nangyari, lalong nagsumikap ang mga empleyado niya para sa ikabubuti niyon. They didn't care about their salaries a little less than what they should be getting. Kagaya niya, minahal din nila ang agency at naiintindihan naman nila ang mga nangyari. She was glad that she has them by her side all the way.
Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya matapos isara ang journal at tumayo na sa kinauupuang sahig na may diyaryo para hindi marumihan ang puwit niya. Ngunit bago pa siya makaisang hakbang patungo sa pinto ay may narinig siyang kumakanta. Kumunot ang noo niya at pilit na pinakinggan kung tama bang may naririnig nga siya.
"Heto na naman, sulyap ng 'yong mata na nagsasabing ika'y nag-iisa. Pinilit kong sabihin ngunit 'di ko magawa na magsabing gusto kita. Sa tuwing makikita ka, ang damdamin ay hindi mapigilan..."
Kumabog ang dibdib niya dahil pamilyar ang tinig ng kumakanta. Hindi niya gustong isiping nananaginip lang siya dahil ayaw niyang ma-disappoint. Pero gusto niyang makasiguro. Agad niyang tinungo ang bintana ng attic at binuksan iyon. Natutop niya ang bibig at nailaglag ang journal na hawak dahil sa tumambad sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Namasa rin ang kanyang mga mata dahil sa tuwa.
Si Alex—nakasandal sa hood ng SUV nito at hawak ang gitara. Nakatingin ito sa kanya, ang mga mata nito'y tila pilyong nakangiti habang tinitingnan siya. Patuloy ito sa pagtugtog ng gitara na sinasabayan pa nito ng pagkanta.
"May nagmamahal na ba sa 'yo? Kung wala'y ako na lang. Lahat ibibigay sa iyo nang walang alinlangan. Sana'y bigyan naman ng pansin ang puso kong ito. Ngunit tanong ko lang kung may nagmamahal na ba. Sana'y ako na lang..." He sang the song as if his heart was directly speaking to her. As if he was saying the exact same words as the song implied. Kung nalalaman lang nito, matagal na niyang pansin ito at mahal na niya ito noon pa.
Napangiti siya nang mapansing tila nakakuha ng atensiyon ang panghaharana sa tanghaling-tapat ni Alex sa tapat ng bahay nila. Nang tingnan niya ito ay para bang wala itong pakialam. Sa kanya lang ito nakatingin na parang siya lang ang naroon at wala nang iba.
"Wala ka bang planong bumaba riyan? Ayoko namang buong maghapon akong kakanta dito para lang suyuin ka," anito na may halong biro subalit patuloy ito sa pagtugtog. Ang mga babae at mga girl wannabes na saksi sa tagpong iyon ay hindi maitago ang pagkakilig.
Napailing na kinuha niya ang nahulog na journal sa sahig at nagmamadaling umalis sa attic. Hindi na siya nagtaka nang masalubong niya ang nakangiting mga magulang niya sa sala. Dire-diretso lang siya sa paglabas sa bahay. Nakita niya si Alex na ipinatong ang gitara sa hood ng kotse. Huminga muna siya nang malalim bago buksan ang gate at lumabas. Ngayong nakangiti ito sa kanya, hindi niya napigilang ngumiti. Lalo pa't kitang-kita niya ang tila panaginip na kakisigan nito. Preskong-presko ang anyo nito.
Magkahinang ang mga mata nila habang papalapit siya rito.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya nang makalapit na siya rito.
"Hindi na kita mahintay, eh. Kaya sinundan na lang kita. Alam mo, hindi ko tuloy maiwasang magtampo sa iyo. Basta mo na lang akong iniwan matapos kong sabihin sa iyo ang nararamdaman ko. Pangalawang beses mo na akong iniwan nang walang paalam, ah. Nakakainis ka na," naghihinampong pahayag nito na ikinatawa na lang niya. Para itong bata kung magtampo.
"Ano'ng gusto mong gawin ko? Napahamak ka na nang dahil sa akin. Hindi mo alam kung gaano ako katagal umiyak kasi nag-aalala ako na baka mamatay ka dahil sa ginawa mong pagsalo sa baling dapat papatay sa akin. Naisip ko na kahit mahal mo ako, hindi sapat na dahilan iyon para ibuwis mo ang buhay mo para sa akin. I have to think things over and at least realize something." Pahina nang pahina ang tinig niya habang nagsasalita. Namasa ang kanyang mga mata at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Lin..."
"Nakakainis ka, alam mo iyon? Alam mo, dapat na natutuwa ako kasi... kasi mahal mo ako. Si Daniel, hindi ako minahal sa parehong intensidad ng pagmamahal mo para sa akin. Pero ayoko namang ako ang dahilan para mapahamak ka. Sa dalawang linggong paglayo ko sa iyo, na-realize ko na mas tumindi pa pala ang pagmamahal ko sa iyo kaysa noon. Na kahit kalian, hindi kita nagawang alisin sa puso ko. Gusto kong sabihin sa iyo na pareho tayo ng nararamdaman kahit na wala kang kaalam-alam na mahal na kita ever since high school at—" Agad niyang natutop ang bibig niya nang mapagtanto kung ano ang lumabas sa bibig niya. Nang mapatingin siya rito ay tila naestatwa ito ngunit panandalian lang iyon. Nakita niyang napangisi ito nang mahimasmasan.
Lumapit ito sa kanya hanggang sa halos ilang dangkal na lang ang pagitan nila nito. "Mahal mo rin ako, Lin?" paniniyak nito. Nasa mga mata nito ang pag-aasam. Pakiramdam niya ay hindi niya ito nais biguin. Kaya wala sa sariling napatango siya bilang sagot. Sarili lang niya ang pahihirapan niya kapag nagpakipot pa siya. Total ay pareho naman sila ng nararamdaman nito.
Sa pagkagulat niya, kinabig siya nito na animo kasingbilis ng kidlat. Namalayan na lang niyang angkin na pala nito ang mga labi niya. The feeling from his kiss never failed to amaze her. It was wonderful enough to make her knees feel weak and love him more than ever. Ito lang ang may kakayahang gawin iyon sa kanya. At dahil mahal naman niya ito, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. sa kabila ng pagkabigla ay namalayan niya ang sariling tinutugon ang halik nito sa parehong intensidad. Maalab iyon at kalakip niyon ang pangungulila at pananabik, patunay na totoo ang nararamdaman nito para sa kanya.
Tinitigan nito ang mga mata niya matapos ang halik na iyon.
"Hindi ko alam kung may karibal pa ako sa puso mo. Pero puwede bang ako na lang ang magmahal sa iyo?" paanas na tanong nito. "Sa iyo lang naman ako siguradong babagsak, eh. Sana lang ay nariyan ka para saluhin ako."
Kinilig yata pati dulo ng buhok niya sa narinig. "Matagal ko na sanang sinalo ang puso mong iyan," sabay turo sa dibdib nito. "Kung nalaman ko lang kaagad na pareho pala tayo ng nararamdaman." Nagpasya siyang sabayan na lang ang ka-corny-han nito kahit na hindi naman iyon corny para sa kanya. In fact, her heart swelled because of it.
"Pagpasensiyahan mo na itong kambal ko kung hindi niya maamin sa iyo na torpe siya at nauumid ang dila niya kapag ikaw na ang kaharap niya," biglang wika ni Allen mula sa bintana ng front seat.
Nagulat man sa biglang pagsasalita nito ay hindi niya naiwasang matawa. Nakita niyang namumula ang pisngi ni Alex at napakamot pa ng batok.
"Bro, alam kong na-miss mo nang husto si Rianne. Pero puwede bang umalis muna kayo sa daraanan namin nang sa gayon ay makapasok na kami sa loob?" dagdag ni Allen.
"A-ano'ng gagawin n'yo sa loob?" nagtatakang tanong niya.
Sa gulat niya ay nagsilabasan mula sa loob ng kotse ang buong pamilya ni Alex, kasama na sina Jett at Francis.
"Mamamanhikan lang naman kami sa inyo," sagot ng nakangiting si Armand.
Kagyat na nilingon niya si Alex pero nagkibit-balikat lang ito habang tatawa-tawa. Nagpatianod na lamang siya nang hilain siya nito. Nakita niya ang masayang pagsalubong ng mga magulang niya sa mga bisita. Mukha yatang alam na ng mga ito ang pagdating ng pamilya Olivarez at ng dalawang Cervantes sa bahay nila. Kaya marahil ganoon na lang kung makangiti ang mga ito sa kanya.
"Ano'ng ibig sabihin n'on, Alex?" tanong niya kapagkuwan nang marating na nila ang garden. Nakapagtatakang alam nito ang direksiyon papunta doon pero hindi na lang niya pinansin.
"Hindi pa ba malinaw iyon? Mamamanhikan kami sa inyo," napapantastikuhang sagot nito na para bang hindi na nakakagulat ang mga nakita niya kanina.
"Mamamanhikan? Wala namang ikakasal sa amin, ah," aniya kahit na nag-uumpisa na siyang kabahan sa maaaring maging sagot nito sa sinabi niya. Could it be that—
"Ano'ng wala? Hindi mo ba alam na ikaw ang pakakasalan ko?" walang kaabug-abog na anunsiyo nito.
Nagulat siya sa narinig. Napamata siya rito. Hindi niya maapuhap ang tamang sasabihin. Ang bilis yata ng mga pangyayari. Nanatili lang siya nakatitig dito habang pinapakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Alex..."
"Kung inaakala mong nagbibiro ako, nagkakamali ka. Mahal kita, Lin. Noon hanggang ngayon, walang ipinagbago iyon. Tama si Allen, ang torpe ko pagdating sa iyo. Nawawalan ako ng tamang sasabihin kapag ikaw na ang kaharap ko. Pagdating sa iyo, marami akong kinatatakutan. Ang akala ko noong una, lilipas din ang nararamdaman ko para sa iyo. That's why I tried dating other girls without your knowledge. Pero sa huli, nabigo ako. I couldn't get over this feelings that I have for you kahit na ano'ng gawin ko."
"Y-you really love me that much?" mahinang tanong niya. Namasa na rin ang kanyang mga mata.
"I've always had and I'll be in love with you for the rest of my life and beyond that."
"Pero sino 'yong babaeng kahalikan mo noong graduation ball sa likod ng gym?" nanulas sa bibig niya. Huli na nang ma-realize niya iyon.
"Kahalikan? Sa likod ba ng gym?" takang tanong nito. Tumango siya. "That girl was Carla, just my fling. I just gave her what she wanted that night. Klinaro ko na sa kanya ang nararamdaman ko para sa iyo. And she said that she wanted to kiss me. More like a parting gift, as she called it. Wait! Is that the reason you disappeared all of a sudden?"
"Huwag mo nang alamin! Nakakabuwisit ka! May parting gift-parting gift ka pang nalalaman diyan. Lalo ko lang hindi mapaniwalaan ang mga sinabi mo kanina na ako lang ang mahal mo," may tampong aniya at dagling pinahid ang papatulong luha sa kanyang mata.
"I guess you were hurt because of that, huh?" he murmured.
"Sino ba ang hindi masasaktan, ha? Buong akala ko, ako lang ang nagmahal sa ating dalawa. 'Tapos, malalaman ko na wala lang pala ang halik na iyon sa iyo," paasik na sabi niya nang hindi tumitingin dito.
"Ikaw lang ang minahal ko, Lin. You have to believe me. At kaya kong patunayan iyon sa iyo kahit ilang beses pa sa buhay ko," pangungumbinsi nito, may halong pakiusap sa tono nito.
Hindi na siya makahinga sa sobrang lakas ng pintig ng puso niya. Windang pa rin ang utak niya sa mga deklarasyon nito. Hindi niya alam ang sasabihin.
Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa baywang. "I'll make you believe me no matter what. For now, I want to give this back to you." May kinuha ito sa bulsa ng pantaloon nito.
Napamulagat siya nang makita ang isang indigo pendant sa kamay nito. Iyon ang pendant na dapat sana'y ibibigay niya kay Alex noong gabi ng graduation ball. She never had a chance to do so dahil sa shock sa nasaksihan nang gabing iyon. Hugis-puso iyon na pinatungan ng pahigang figure-eight. Ang kulay niyon at ang pinahigang figure-eight ay iisa lang ang isinisimbolo—infinity. Along with the heart, that pendant only meant one thing.
Infinite love. It symbolized her infinite love for him, for the person she vowed to love forever. Si Alex lang iyon at wala nang iba, iyon ang sigurado niya.
She took the pendant ang threw a questioning look at him. Paano napunta sa iyo ang pendant na ito?
"Nakita ko iyan malapit sa gym habang hinahanap kita nang gabing iyon," anito na tila nabasa ang tanong na gusto niyang isatinig. "Agad kong nalaman na sa iyo galing iyan dahil sa handwriting mo sa card na kasama niyan kahit walang pangalan ng nagbigay. I saw what was engraved on it, as well. Noon ako nagkaideya na pareho tayo ng nararamdaman. Pero nang puntahan kita sa bahay n'yo the next day para tanungin tungkol diyan, nasaktan ako dahil sa walang pasabing paglisan mo. Pinagdudahan ko tuloy kung totoo ang nakasulat sa pendant na iyan. Gayunman ay itinago ko pa rin iyan," paliwanag nito.
Kung gayon, iyon pala ang ibig sabihin ng mga sinabi nito noong gabi ng birthday ni Francis bago siya hinalikan nito. Wala sa sariling napatingin siya sa tinutukoy nito na nakaukit sa pendant.
"My heart belongs to you... and always will," pabulong na basa niya sa nakasulat.
"Ang mga salitang iyan ang pinanghawakan ko sa loob ng walong taon. Hindi mo man direktang sinabi sa akin ang mga salitang iyan, nanatili iyan sa puso ko. Your heart will forever belong to me, Lin. And so does my heart to you. I'll take care of your heart, as long as you stay with me," puno ng damdaming pahayag nito.
Namasa ang mga mata niya at tiningnan ito sa mga mata matapos niyang isuot sa leeg nito ang pendant. "That pendant belongs to you, Alex. Para sa iyo naman talaga iyan, eh. It's a proof of how much I love you. Take care of it the same way you want to take care of my heart. Iyan ang magpapaalala sa iyo na kahit saan ka pa magpunta, nandito lang ako para sa iyo at kung gaano kita kamahal."
He smiled sweetly and embraced her for a while. "I will. Pero sa ngayon, gusto kong malaman kung papayag ka bang pakasal sa akin sa lalong madaling panahon."
Napatingin siya sa mga mata nito.
"Pero bakit ako? I mean, you could've pick a much better girl than I am during those years na wala ako sa San Rafael."
"Walang ibang babaeng mas hihigit pa sa iyo, Lin," puno ng damdaming pahayag nito at sinapo ang mukha niya. "Isa pa, kahit na ilang taon pa ang ipaghintay ko sa pagbabalik mo dahil sa pag-iwas mo, alam kong babagsak at babagsak ka pa rin sa mga bisig ko. Matagal mo nang hawak ang puso ko, eh. May magagawa pa ba ako?" Huminga ito ng malalim. "Ikaw lang ang bumihag sa puso ko ng ganito. At hindi na ako mag-aasam ng iba pa. nag-iisa ka lang daw kasi para sa akin, sabi ng puso ko at ayoko nang kontrahin pa iyon. Mahihirapan lang ako. By the way, kapag pinakasalan mo ako, ibibigay ko sa iyo ang building na pinuntahan natin noon."
"At may panakot ka pa talaga, 'no?"
"Siyempre naman. Para sigurado akong magiging akin ka matapos mo akong paghintayin ng walong taon. But seriously, I know how much you love to have a flower shop. And I'll do everything I can to help you achieve that dream, Lin. 'Di ba sabi ko naman sa iyo, matutupad at matutupad iyon? I want to be a way for your dreams to come true. Ganoon kita kamahal."
Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Pero hindi maitatangging nag-uumapaw sa galak ang puso niya dahil sa deklarasyon nito. Ngayon lang niya lubusang napagtano na hindi siya nagkamali ng lalaking mamahalin habang-buhay.
"Will you marry me, Lin?" he asked in a hopeful tone.
Napangiting hinaplos niya ang pisngi nito nang buong pagsuyo at pagmamahal. "Yes, I'll marry you, Jerique Alexander Olivarez. I'll be more than happy to be your wife."
Sa sobrang tuwa ay pabuhat na niyakap siya nito nang mahigpit at inikut-ikot. Pagkatapos ay siniil siya nito ng isang marubdob na halik. Tinugon niya iyon ng buong pagmamahal. Wala sa hinagap niya na darating ang panahong ito sa buhay niya. Hindi man kasing-romantic na tulad ng na-imagine niya noong high school pa siya ay hindi na iyon mahalaga. In fact, it was beyond what she had imagined. Si Alex at ang pag-ibig nito para sa kanya—iyon lang ang mahalaga.
"Sorry I made you wait," bulong nito sa mga pamilyar na salitang alam niya ngayon na para sa kanya.
She smiled lovingly. "It's okay. Worth naman ang naging paghihintay ko sa iyo. Sa iyo pa rin bumagsak ang puso ko kahit na wala kang kaaam-alam." Pareho silang natawa.
"I love you, Lin. And I'll love you forever, I promise you," madamdaming usal nito.
"I love you too, forever..."
That declaration of love was sealed with a deep, breathtaking kiss that took them beyond space and time. This time, they would never let each other go; their hearts refused to do do.
Everything about them right now, it was all worth the long wait.
THE END
No comments:
Post a Comment