Monday, June 15, 2015

Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo - Chapter 9

NAKAPIKIT na ang mga mata ni Khea nang biglang tumunog ang cellphone niya. At base sa ringtone, nakasisiguro siyang tawag iyon. Pero sino naman kaya ang tatawag sa kanya sa disoras ng gabi? Nasagot lang ang tanong niyang iyon nang tinitingnan ang pangalang naka-display sa LCD screen habang nagri-ring ang CP niya.

"Hello?" she groggily asked habang nakapatong pa ang mukha sa unan.

"Good morning, sleepy head!" Muntik na siyang mapasigaw nang marinig niya ang malakas na pagbati ni Phrinze sa kabilang linya. "Sorry, ha? Mang-iistorbo lang muna ako ng tulog niya."

"Obvious nga, eh. Siguraduhin mo lang na may matinong rason ka para istorbohin ang tulog ko. Kung hindi, malalagot ka sa akin. Sinasabi ko na sa iyo," kunwa'y banta niya rito pero sa totoo lang ay abot-tainga na ang ngiti niya nang marinig ang boses nito. Nawala na rin bigla ang pagkaantok niya dahil doon.

Talaga bang ganito palagi ang effect ng kumag na ito sa akin? Hindi niya naiwasang itanong iyon sa sarili niya habang pinakikinggan si Phrinze na nagsasalita sa kabilang linya.

"Pasensiya na. Hindi lang kasi ako makatulog, eh. Dinadalaw kasi ako ng mga panaginip ng nakaraan na akala ko'y matagal ko nang tinalikuran," seryosong saad nito. At kung hindi siya nagkakamali, nababakas niya sa tinig nito ang lungkot at pagsisising hindi niya maintindihan kung saan nagmula.

"Are you sure you're alright, Phrinze?" she asked in a concerned tone. May kinalaman kaya ang mga panaginip na iyon kay Norina?

"Yeah, I'm fine."

But she's sure na hindi ito okay. Hindi niya alam kung paano niya nalaman iyon pero naramdaman niya iyon sa boses nito.

"Anyway, the reason I called you this late is because I want to ask something from you. It just came up to my mind while I was trying to get myself to sleep."

"Tungkol naman saan?"

Narinig pa niyang bumuntong-hininga ito bago nagsalita.

"Can I ask you to go out on a date with me?"

"A what?!" gulat na bulalas niya sa sinabi nito. "Phrinze, hindi kaya nagdedeliryo ka lang?"

Natawa na lang ito. "Grabe ka naman kung mag-react. Bakit, masama bang yayain ng date ang best friend ko?"

Best friend, huh? Nalungkot siya nang marinig ang katagang iyon mula rito. Hanggang doon na lang marahil ang magiging trato nito sa kanya.

"O, natahimik ka naman na diyan. May nasabi ba akong masama?"

Umiling siya kahit na alam niyang hindi naman siya nakikita nito. "Wala naman. Aber, bakit mo naman naisipang yayain ako ng date?"

"I just missed having a date with you," simpleng sagot nito.

Ang sinabi nitong iyon ang lalong nagpabilis sa tibok ng puso niya. Only to realize na tanging ang lalaking ito ang may kakayahang gwin iyon sa kanya. Sa dinami-dami ng mga suitors niya, si Phrinze lang ang may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya and also to make her knees feel weak kahit na hindi ito alam ng binata. And he's not even his suitor, he's her best friend next to Norina.

"Will it be okay? Sige naman na, please. Miss ko na talagang makasama ka, eh. Pagbigyan mo na ako," pakiusap nito.

Paano nga ba naman niya mahihindian ang kumag na ito?

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Fine. Pagbibigyan kita pero puwede ba, patulugin mo muna ako? Pambihira ka naman kasi. Tatawag ka nga lang, wrong timing pa."

Narinig pa niya sa kabilang linya na nag-"yes" ito. At hindi niya naiwasang mapangiti dahil doon.

Hay... Kung hindi lang kita mahal, nuncang papayag ako sa gusto mo, Phrinze. I could only hope this date would turn out good.

"HAY, SA wakas! For the first time ever, nakita kitang nag-ayos para sa isang date!" tatawa-tawang komento ni Aiko pagkabukas nito ng pinto ng kuwarto ni Khea.

Napahinto siya sa pagsipat niya sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin. Naroon kasi siya sa kanyang silid at kasalukuyang nag-aayos para sa date nila ni Phrinze mamayang alas-sais ng gabi. Napangiti na lang siya nang makaharap na niya si Aiko at naupo ito sa kama niya.

"Does it look okay? Do I look okay?" tanong niya, hoping na magustuhan ng kaibigan ang napili niyang isuot for the "big night."

Sinipat muna siya nito mula ulo hanggang paa at pinakatitigan pa talaga nito ang suot niya. Kaya naman hindi niya naiwasang kabahan na baka hindi maganda ang napili niyang outfit for the date. Pero nakahinga siya nang maluwag nang mag-thumbs up ito.

"It's perfect!" komento nito. And after that, Aiko frowned. "But why would he ask you out on a date?"

Nagkibit-balikat lang siya bilang tugon at muli niyang hinarap ang salamin. "Ang sabi lang naman niya sa akin kaninang madaling-araw ay dahil nami-miss lang daw niyang ka-date ako kaya niya ako niyaya."

"Talaga lang, ha?" narinig niyang sabi nito bago umalis sa kama at dumiretso sa pinto. Pero bago pa man niya pihitin ang seradura ng pintuan ay napalingon pa ito sa kanya. "Good luck sa date. At least mapasaya ka man lang kahit ngayong gabi ng ungas mong best friend."

Napangiti na lang siya sa sinabi nitong iyon. "Thanks, Ai."

Nang makalabas na ito ay napabuga naman siya nang malalim at muling sinipat ang sarili sa salamin bago nakuntento sa itsura niya at lumabas na ng silid niya. And then biglang nagrigodon ang dibdib niya nang masilayan si Phrinze na nakaupo sa sofa na nakaharap sa hagdanang kinatatayuan niya. Kaya naman nang magtama ang paningin nila nito ay nahigit niya ang kanyang paghinga habang sinisipat ang makisig na anyo ng binata. Pero teka lang, kanina pa ba ito naghihintay sa kanya? Bakit hindi man lang siya ipinatawag ng mama niya. Nakakahiya yata para kay Phrinze dahil baka naghintay ito nang matagal dahil sa kanya.

"Sorry. Natagalan ka pa yata sa paghihintay sa akin. Kanina ka pa ba naghihintay?" agad na tanong niya rito nang makababa na siya sa hagdan.

Umiling ito. "Okay lang naman. Isa pa, gusto kong lubusin mo ang paghahanda para sa gabing ito dahil baka ito na ang huling date nating dalawa," nakangiting saad nito ngunit sigurado siyang walang halong biro ang sinabi nitong iyon. Kaya naman hindi niya naiwasang hindi makaramdam ng 'di maipaliwanag na kaba. Pero sa ngayon ay ayaw muna niyang pagtuunan iyon ng pansin.

"But in any case, you really look stunningly beautiful tonight. Different from the khea that I know two and a half years ago."

Nag-blush siya sa pahayag nitong iyon. At agad niyang iniwas ang tingin rito. "Nakuha mo pang magbiro."

He chuckled. "Hindi biro iyon, 'no? I mean, seriously, you do look good. And as I said earlier, stunningly beautiful."

Hindi na niya napigilang mapangiti. Ganoon na ba talaga sya kaganda sa paningin nito? To think he would actually say those words that touched her heart to the core. Hindi kaya masyado namang sobra iyon?

"Thanks. You don't look so bad yourself," aniya.

"Puwede na bang pangmodelo?" nakangising tanong nito.

Humalukipkip siya. Heto na naman. Umandar na naman ang kayabangan ng loko. "Oo na. Pagbibigyan na kita, pero ngayon lang iyon."

Napailing na lamang ito. At saka iniumang nito ang braso sa kanya. "Shall we?"

Nakangiting inihawak niya ang kamay roon.

PAKIRAMDAM ni Khea ay dinala siya ni Phrinze sa isang paraiso matapos manood ng isang theatrical play nang dalhin siya nito sa kabubukas lang na floating restaurant sa isla. The place was completely beyond her imagination in beauty alone. Hindi mahihinuhang isang floating restaurant iyon kundi isang garden restaurant dahil sa mga nakapaligid na iba't ibang uri ng bulaklak at halaman na talagang masasabing inaalagaan ng husto. Pero hindi ang lugar ang dahilan kung bakit nasabi niyang nasa paraiso siya.

Being with Phrinze for the night who looked enigmatically handsome in his semi-formal clothes—that's what made her have glimpses of paradise. At talagang masasabi niyang nag-enjoy siya nang husto kasama ang binata. For her, this was one night she was sure to remember for the rest of her life. At the very least, mayroon siyang dadalhing magandang alaala mula rito sakali mang hindi nga maging sila ni Phrinze dahil sa totoo lang ay hindi talaga niya kayang gawin ang gusto ni Norina.

Mahirap para sa kanya na gawin iyon. And forcing him to love her would only break her heart to pieces at iyon ang hinding-hindi niya maatim na mangyari. Sigurado naman kasi siya na hindi niya magagawang pilitin ito na mahalin siya kahit pa iyon ang gustung-gusto ng puso niya. Hindi rin niya gustong layuan siya nito at iwasan kapag nangyari iyon.

Napagdesisyunan nilang magtungo sa cove matapos ang dinner date nila. Hindi niya malaman kung bakit pero biglang nag-iba ang pakiramdam niya sa lugar na iyon. Hindi niya maintindihan kung ano iyon pero minabuti niyang kalimutan muna niya iyon. Ayaw niyang ma-spoil ng di magandang pakiramdam na iyon ang gabing mahalaga sa kanya. Sa buhanginan sila naupo imbes na sa batuhan dahil iyon ang gusto niya. Mabuti na nga lang at hindi tumanggi si Phrinze.

Her eyes were closed while inhaling the sea breeze when Phrinze suddenly talked.

"How's your life for the past two and a half years, Khea?" seryosong tanong nito habang nakatingala sa langit. Kaya hindi niya malaman kung ano nga ba ang nasa mga mata niito na maaari niyang makita.

She sighed. "I guess I could still say it's alright even though... I really felt broke and completely lonely after her death. Nahirapan akong sanayin ang sarili ko na wala na siya."

"I'm sorry... if I left you suddenly," anas nito.

Napakurap siya at saka tiningnan niya ito pero nakatingala pa rin ito sa langit habang yakap ang mga tuhod. Why was he apologizing? Gusto man niyang itanong ay hindi niya mahagilap ang sariling tinig.

"Dapat sana, hindi na lang kita iniwan ditong mag-isang tinitiis ang lahat ng pagdurusa dahil sa pagkawala ni Norina. Dapat nanatili na lang ako dito sa tabi mo at sinamahan kitang umiiyak habang nagdurusa. Kaya lang, naging duwag ako, eh. Natakot akong harapin ang sakit ng kaloobang dapat sana ay tinanggap ko rin."

"Phrinze, wala ka namang dapat na ihingi ng sorry, eh. I know na mahirap tanggapin ang pagkawala niya at hindi kita sinisisi sa kahit na ano dahil lang sa umalis ka," aniya habang nakatuon ang pansin niya rito, dahilan upang mabaling ang atensiyon nito sa kanya.

Sa totoo lang, sa klase ng titig nito sa kanya, masasabi niya na... mahal siya nito. Na may nararamdaman ito sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin dito at tila natauhan lang siya nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos nito sa mga pisngi niya. Dama niya sa bawat haplos nito ang pagmamahal—bagay na hindi niya kailanman nadama mula rito magmula nang maging magkaibigan sila nito. At ito ang dahilan kung bakit napapikit siya habang ninanamnam ang kaiga-igayang damdamin na nakapaloob sa mga haplos nito.

Napamulagat na lamang siya nang maramdaman niya ang pagkabig nito sa ulo niya at siniil ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay nalulusaw na ang mga buto niya dahil sa hindi maipaliwanag na sensasyong dumadaloy sa kanyang kalamnan habang patuloy sa paghalik ang binata. Hindi niya kailanman inakalang darating pa ang sandaling ito sa buhay niya. At mas lalo namang hindi niya inakalang ganoon pala kasarap ang mahalikan. And probably out of instinct, ginaya niya ang paraan ng paghalik nito upang maiparamdam man lang dito ang tunay niyang nararamdaman.

"Norina..."

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig niya mula rito ang pangalang iyon. Walang katumbas na pait at sakit ang idinulot niyon sa puso niya nang mga sandaling iyon. Kulang ang sabihing tinarakan ng kutsilyo at binuhusan pa ng asido ang puso niya sa nararamdamang sakit. Ilang sandali siyang hindi nakakilos sa kinauupuan at nanatili lang siyang nakatingin kay Phrinze habang tigagal sa narinig. Mayamaya ay napaatras siya, saka ito sinampal.

"Khea, please..."

"Don't say anything." Iyon lang at agad siyang tumayo upang makaalis na doon subalit hindi niya inakalang susundan pala siya nito. Naramdaman niya ang paghila nito sa braso niya at iniharap rito subalit agad na kumawala siya mula sa pagkakahawak nito.

"Khea, I can explain. Please just listen to—"

"Please, don't say another word," hirap na pakiusap niya at saka huminga siya nang malalim bago hinarap ang binata. "It's okay, I understand. Ako lang naman itong si tanga, eh. Ako lang naman itong umaasa na may mangyayari ngang pagbabago sa pagitan natin dahil na rin sa kagustuhan ni Norina na gawin ko ang lahat maibaling mo lang sa akin ag pag-ibig na minsan mong inialay sa kanya. Pero sana man lang, bago mo ako hinalikan kanina, pansamantala mong tinalikuran kung ano man ang feelings mo for my other best friend. Kaya lang, hindi mo magawa, 'di ba? Kasi hindi mo kaya..." aniya at hinayaan na niyang tumulo ang mga luhang hindi na niya kayang pigilan.

Tahimik lang na nakikinig si Phrinze sa mga sinasabi niya habang nakayuko ito, marahil ay feeling guilty. Habang siya ay pilit hinahagilap ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya ngayon para masabi na niya rito ang noon pa sana'y sinabi na niya rito. Disinsana'y hindi na siya nahirapan pa't unti-unting pinatay ng ilang taon niyang pagtitimpi na huwag man lang ipagtapat ang nararamdaman niya.

"Ganoon na ba talaga ako kawalang-kuwenta sa iyo, Phrinze? To think na ako na itong nag-e-exist sa harapan mo, ako pa itong nandito sa buhay mo pero si Norina pa rin ang hinahanap mo. Matagal na siyang wala, for goodness' sake! Matagal na siyang hindi nag-e-exist sa buhay mo, pero hayun! Pangalan pa rin niya ang binabanggit mo kahit ako na itong nasa harap mo. Anyway, ganoon naman talaga, 'di ba? Kahit naman noon pa, hindi na ako nag-e-exist sa buhay mo nang higit pa sa kapatid o kaya'y isang kaibigan. Hanggang doon na lang naman ang role ko sa buhay mo, eh. Hanggang kaibigan, counselor, adviser at shock absorber. Kunsabagay, hindi na ako dapat magtaka. Dapat sana, matagal ko nang tanggap iyon."

Dahil sa patuloy na pagtulo ng mga luha niya ay nag-uumpisa na ring pumiyok ang boses niya. Pinahid muna niya iyon bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kaso lang, hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang tanggapin na hanggang doon na lang ang lahat. Kaya kahit ilang beses ko pang pagsabihan ang sarili ko na tanga at martir, wala lang... Okay lang sa akin. Tutal, ganoon naman talaga ako, eh. Tanggap ko na iyon. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit sa dinami-dami ng lalaking mamahalin ko, ikaw pa itong pinagtuunang mahalin ng pesteng puso ko!" Nakagat niya ang labi bago tuluyang humagulgol. "Siguro, kahit ilang beses kong hilingin sa Diyos na sana—just for once—ako naman ang mahalin mo na gaya ng pagmamahal mo kay Norina, hindi na yata mangyayari iyon. Kasama na yatang tinangay ni Norina pati ang kakayahan mong magmahal nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo para sa kanya. Wala na nga siguro akong dapat na asahan pa. It's about time na tigilan ko na ang kagagahan kong mahalin ka pa," dugtong niya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya at iniwan ito.

"Khea, wait!" pigil nito sa kanya pero bago pa ito makalapit sa kanya ay muli siyang nagsalita.

"Pero sana, pakatandaan mo man lang na hindi lang ang pagmamahal ng isang kaibigan ang nagawa kong ialay sa iyo for the past seventeen and a half years na naging magkaibigan tayo. Minahal kita nang higit pa doon... Higit pa sa pag-ibig na kayang ibigay sa iyo ni Norina noon. But I guess you will never notice that no matter how hard I try to let you do so." And then she left him there... bringing with her the shattered pieces of her heart na nagmahal lang sa isang lalaking kahit kailan ay hindi siya matututunang mahalin gaya ng hinahangad niya.

Sobra na nga yata kung hihilingin pa niya ang ganoon.

ALL PHRINZE could do was to sigh heavily after hearing Khea's confessions. Hindi naman niya sinasadyang masabi niya ang pangalan ni Norina habang hinahalikan niya si Khea. Ano nga ba ang pumasok sa isipan niya at nagawa niya iyon? Dahil sa sobrang confusion at frustration na nararamdaman ay marahas niyang sinuklay ng mga daliri ang buhok niya at saka sinipa ang buhanginan. Natigilan siya nang mapansin ang isang folded paper na naroon. Mukhang may kalumaan na ang nasabing papel.

Subalit hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nakuha ng papel na iyon ang atensiyon niya. Nakasulat kasi sa labas nito ang pangalan niya. At kung hindi siya nagkakamali, sulat-kamay iyon ni Khea. Kaya naman agad niya itong binuksan at binasa ang nakasulat doon.

Minahal kita ngunit hindi mo napapansin

'Pagkat kaibigan ko ang nais mong ibigin

Kaya naman 'di mo ako magawang mahalin

At hanggang kaibigan lang ang 'yong turing sa 'kin

Hinayaan kitang mahalin s'ya kahit masakit

Kahit na pagdurusa ang magiging kapalit

Hindi mo malalaman kung gaano kasakit

Ang magparaya sa kaibigan kahit pilit

Ano ba'ng mayroon siya na wala sa akin

Kaya siya na ang mas pinili mong ibigin?

Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin

At hanggang kaibigan lang ang turing mo sa 'kin?

Ngunit nang siya ay mawala na sa buhay mo

Hinayaan kong ika'y lumuha sa tabi ko

Kahit alam kong ang pighati't mga luha mo

Ay 'di na mababago ang tibok ng puso mo

Alam kong tunay naman ang pag-ibig ko sa 'yo

Ngunit 'di mo madama ang damdamin kong ito

Kung sana'y kaya ko baguhin ang damdamin mo

Hiling ko, sana ako naman ang mahalin mo

After reading that, he felt that his knees had lost its strength to support him. He collpased to his knees and cried.

"Patawarin mo ako, Khea..." pabulong na aniya habang unti-unting nilamukos ang papel na hawak-hawak niya.

No comments:

Post a Comment