INISANG lagok lang ni Alex ang iniinom na alak at isinubsob ang mukha sa counter ng mini-bar. Paraan niya iyon upang ibsan ang bigat sa dibdib. Pagkauwi niya galing agency ay agad siyang dumiretso sa mini-bar at walang salitang tumungga ng alak. Hindi na niya naabutan sa sala si Rianne. Marahil ay tulog na ito. Mabuti iyon dahil hindi niya gustong maistorbo. Isa pa, hindi niya gustong abalahin ito dahil sa pagsisintimiyento niya—este ng puso pala niya. Gugustuhin niyang idaan sa pag-inom ng alak ang nararamdaman niya.
"Damn it! Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat?" bulalas niya matapos lumagok ang tatlo pang baso ng alak.
Hindi mawala-wala sa isip niya ang pag-uusap nila ng ama at ni Tito Alexis sa agency. Partly ay rason ang pag-uusap na iyon para maglasing siya ngayon.
"Your job's done, Alex," anunsyo ng kanyang ama sa pantay na tono.
Kumunot ang noo niya sa narinig. "Done? What are you talking about?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay inilapag nito sa mesa ang isang broadsheet. Sa isang partikular na headline nakatuon ang paningin niya na siyang sagot sa tanong niya.
"Montoya's dead?" he muttered. Saka hinarap ang ama. "Ano'ng ibig sabihin nito, Dad?"
"A week ago, there was a shoot out sa isang bangko sa Malolos at tatlo ang napatay. Ang tatlong iyon ang ilan sa walong presong nakatakas, mga kasamahan ni Montoya, nang maganap ang prison break. Last night, another shoot out occurred but this time, sa Antipolo naman. Dalawa ang napatay at isa si Montoya sa mga iyon. Ang dalawa pa ay nasa kritikal na kondisyon at ngayon ay nasa ospital," imporma ni Francis. "It's over, man. Your job's done."
Wala siyang masabi. Dapat ay matuwa siya dahil tapos na ang problema niya—ni Rianne. Pero hindi niya alam kung bakit may bigat siyang nararamdaman sa kanyang dibdib nang marinig niyang tapos na ang trabaho niya.
"Hindi pa tapos ang trabaho ko, Dad," kapagkuwan ay wika niya sa mga ito.
"Alex, Montoya's dead. Wala nang threat sa buhay ni Rianne," ani Francis.
"I said I'm not yet done!"
"Alex!" bulalas ng kanyang ama.
"It isn't over, Dad. I have to make sure she's safe from harm."
"Wala nang makakapanakit pa sa kanya, Alex. At imposibleng masaktan pa siya ng mga kasamahan ni Montoya dahil napatay na ang ilan sa mga ito. Nahuli na rin natin ang iba pa sa mga kasamahan nito na posibleng manakit kay Rianne."
Umiling siya. "No. Hindi ko siya puwedeng pabayaan. Lima pa lang sa mga nakatakas na preso ang napatay, dalawa naman ang nasa kustodiya ng mga pulis. What about the eight one?"
"Si Gavino? What about her?"
"Posibleng siya ang manakit kay Rianne."
"Though there's that possibility, it doesn't change the fact that your job's done. Kami na ang bahala kay Gavino kung iyon lang ang inaalala mo," ani Tito Alexis na noon lang nagsalita.
"Pero Tito—"
"What is this about, Alex? Bakit ganyan ka na lang kung makakontra sa pagtapos sa trabaho mo?"
"N-nothing. I-it's just that—"
"Mahal mo na ba siya kaya ayaw mo na siyang pakawalan?"
Hindi siya nakakibo matapos maisatinig ni Tito Alexis ang tanong na iyon. Kung tutuusin ay masasagot niya iyon. Subalit nanatili lang siyang walang kibo.
"Alex?"
Hindi pa rin siya nagsalita. Narinig niya ang malalim na paghinga ni Tito Alexis at ng kanyang ama. Si Francis naman ay napailing na lang.
"You're in big trouble, man."
He sighed after remembering that. Hindi na niya inalala pa ang panenermon sa kanya ng mga tito niya dahil may punto naman ang mga ito kung bakit siya kinakagalitan. Never mix business with pleasure. But in the end, he chose to break that rule. Puso niya ang nakataya rito. Kung ang magiging kapalit ng pagsira sa rule na iyon ay mapapasakanya ang puso at pagmamahal ni Rianne, then it was worth the risk. Pinanindigan niya ang desisyong huwag pang tapusin ang trabaho niya. He would stick to his job—and that was to protect her.
Mahigit dalawang oras na siyang patuloy sa pag-inom at muli niyang isinubsob ang mukha sa counter nang maramdamang bumabagsak na siya. That was it.
Baka sakaling may maitulong ang pag-inom niyang iyon upang mailabas ang saloobin. If only someone would care to listen.
If only Rianne would care to listen to him.
xxxxxx
"ALEX, HALIKA na at pumunta na tayo sa silid mo. Magkakasakit ka kapag dito ka nakatulog," wika ni Rianne habang bahagyang niyuyugyog ang nakayupyop sa counter na si Alex. Ungol lang ang itinugon nito at bumalik ang patag na paghinga nito; indikasyong nakatulog ito.
Huminga siya nang malalim. "Huwag mong sabihin sa aking hahayaan kitang matulog dito? Hindi ako ganoon kasama para hayaan kang magkasakit. Pero hindi naman kita kayang buhatin papunta sa silid mo. Hindi ako ganoon kasamang tao. Argh! Ano ba naman ito?" pagkausap niya rito kahit alam niyang tulog ito. "But I can't leave you here so I might as well do my best. Bahala na si Lord sa akin kung kakayanin ko."
Iyon lang at inipon niya ang lakas sa katawan upang buhatin ito. He carried him on her back. Aminado siyang talagang napakabigat nito pero kailangan niya itong madala sa silid nito. Nakakailang hakbang pa lang siya nang umungol si Alex at bahagyang kumilos. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg na nagpatindig ng mga balahibo niya, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya.
Sheesh! May samahika yata ang lalaking ito, eh. How could he have the ability to make her whole body shiver with sensations that were new to her?
"Hmm... Lin? Ano'ng ginagawa mo?" paungol na tanong nito at bumaba mula sa pagkakabuhat niya. Para namang nabuhat niya talaga ito. Kinaladkad lang naman yata niya ito. Sa tangkad ba naman nito ay talagang malabong mabuhat niya ito nang ganoon-ganoon lang.
"Hindi ba halatang dinadala ka papunta sa kuwarto mo? Ano ba kasi'ng pumasok sa isip mo at naglasing ka? Doon ka na lang sana sa kuwarto mo naglasing. Mas madali ka pang bihisan doon," panenermon niya at isinampay ang isang braso nito sa kanya. "Tutal, gising ka naman na pala, maglakad ka papunta sa silid mo. Aalalayan kita, okay?"
Hindi na ito nagsalita pa. Akala niya ay nakatulog na naman ito pero nagpasalamat na lang siya at hindi pala. Bumigat kasi ito kaya niya naisip iyon.
Nagtuluy-tuloy sila sa pag-akyat sa hagdan hanggang marating nila ang silid nito. Habang inaaalalayan niya itong makarating sa silid nito ay napaisip siya. Ano kaya ang problema nito at naglasing ito ngayon? May nangyari ba sa agency na ikinasama ng loob nito? Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong naglasing nang ganoon. Kapag naging asawa niya ito, hindi niya hahayaang sinosolo nito ang problema at idadaan iyon sa paglalasing. All-ears siya para rito.
Natigilan siya sa biglang takbo ng isip niya. Asawa? What in the world was I thinking? Hindi na ako ang sixteen years old na Rianne. Matagal nang wala ang taong iyon. Oo nga't noon ay minsan niyang pinangarap na maging asawa nito. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya disisais anyos na dalagitang matindi ang paniniwala sa destiny at true love. Matagal nang gumuho ang tauhang iyon, kasabay ng paniniwalang iyon na minsang tumanim sa puso niya. Ngayon ba ay muli niyang bubuhayin ang nasirang paniniwala dahil kumpirmado niyang mahal pa rin niya si Alex hanggang ngayon?
Pabagsak na humilata si Alex sa kama nito nang marating na nila ang wakas ang silid nito. Isang pagkalalim-lalim na hininga ang pinakawalan niya at sinimulang alisin ang sapatos at medyas nito. Inilagay niya iyon sa shoe rack na malapit sa closet.
Para nga talagang asawa niya ako sa ginagawa ko ngayon.
Ambisyosa ka naman! Hoy, ale! Ang taas ng pangarap mo.
Bakit, masamang mangarap?
Kunsabagay, hanggang pangarap ka na nga lang pala. Mabuti sana kung magkakatotoo man lang ang pangarap mong iyan.
Ipinilig niya ang ulo upang mapalis ang pagtatalo sa isipan niya.
Napabuntong-hininga siya sa nakitang anyo ni Alex. Hindi siya sigurado kung tama ang nakikita niya pero nakabalatay sa mukha nito ang paghihirap. Pero para saan naman iyon? Ipinilig na lang niya ang ulo at kinuha ang isang night robe sa closet nito iyon ang kinuha niya para hindi siya mahirapang bihisan ito.
Umungol si Alex. Mukhang napasobra yata ang pag-inom nito at ngayon ay tinablan na ng alak. Binihisan niya ito pagkatapos niya itong punasan. Pero kahit sabihin pang sanay na siyang gawin iyon, hindi pa rin niya naiwasang hindi maasiwa. Tinatagan na lang niya ang sarili at ginawa ang lahat upang huwag maapektuhan. Lalo na nang mahantad ang kabuuan nito maliban sa bahaging natatakpan ng boxers na sadya niyang iniwan. Hindi niya naiwasang hangaan ang kabuuan nito na ngayon lang niya lubusang nasilayan.
Ilang beses din siyang natuksong paraanan ng palad niya ang matipuno nitong dibdib na ilang beses din niyang naramdaman kapag niyayakap siya nito. Sinikap na lang niyang mapalis ang mga kapilyahan sa utak niya. Kapagkuwan ay ibinuhol niya ang robe ni Alex. Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay matapos na siya. Kinumutan niya ito at kaswal na dinampian ng halik ang pisngi nito.
"I love you, Lin..." paanas na sabi nito.
Nanigas siya sa narinig. Malapit pa rin ang mukha niya sa mukha nito kaya sigurado siya na narinig niya itong nagsalita. Ang hindi lang niya sigurado ay kung tama ba ang narinig niya rito. Mahal siya nito? Paano nangyari iyon? Pero alam niyang imposible. Napakaimposible. Nagugulumuhanang ipinilig niya ang ulo at saka tuluyang umalis doon.
Ngunit tila tumanim na sa isip niya ang sinambit nito—kahit na bahagi lang iyon marahil ng pagdedeliryo nito dala ng kalasingan.
xxxxxx
ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rianne habang nilalaro ng tinidor ang natitirang carbonara sa plato niya. Hindi talaga matanggal-tanggal sa isip niya ang inusal ni Alex. Dahilan upang hindi na siya dalawin ng antok at idaan na lang sa kain ang insomnia na umaatake sa kanya. Ano kaya ang nagtulak sa lalaking iyon para sabihin iyon? Did he really meant every word?
Ang galing talagang manggulo ng isipan ng taong iyon. Argh!
Kailan ba hindi nagulo ang isip mo dahil sa kanya?
Oo, gulung-gulo na ang isipan niya. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang sinabi nito. She couldn't believe it. Tatlong salita lang ang kinailangan para mabulabog ang sistema niya nang ganito. Tatlong salitang hindi niya alam kung talagang galing sa puso nito o dala lang ng kalasingan. Pero hindi maikakailang nakadama siya ng hindi maipaliwanag na tuwa at ligaya sa puso niya kahit na alangan pa rin.
Whether it was the truth or not due to delirium, it didn't matter. Sa ngayon ay nanamnamin niya ang mga salitang iyon.
"I love you, Lin..."
Hindi niya napigilang mapangiti nang malungkot nang maalala iyon.
"How I wish I could tell you the same thing, Alex," bulong niya. Pero paano kapag hindi na niya nagawang sabihin rito ang totoong nararamdaman niya? Kakayanin pa kaya niya ang hapding kaakibat ng paglilihim niya rito? Papayag ba siyang manatiling lihim na naman ang nararamdaman niya?
Isang tumataginting na "hindi" ang sagot ng isip niya. Na ginatungan pa ng labis na pagtutol ng puso niya.
Pero ano na ang gagawin ko? Paano ko naman sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko?
Ilang sandali pa ang pinalipas niya subalit walang lumitaw na sagot sa isipan niya. Inubos na lang niya ang natirang carbonara sa plato nang sa gayon ay makatulog na siya. Natigilan siya matapos kumain.
Para nga pala kay Alex ang nasabing carbonara. Naisipan niyang lutuin iyon dahil iyon ang paborito nito. Minsan kasi itong nag-request na ipagluto daw niya ito ng carbonara nang sabihin niyang masarap siyang magluto ng pasta. Matitikman na sana nito ang luto niya kung hindi lang ito bumagsak ngayon dahil sa epekto ng alak.
Matapos hugasan ang pinagkainan ay pumunta siya sa silid ni Alex upang silipin ang kalagayan nito. Napakamot na lang siya ng ulo nang makitang wala na itong kumot at mukhang inihagis nito iyon sa carpeted na sahig. Kinuha niya iyon at ikinumot uli dito. Aktong tatayo na siya nang biglang gagapin nito ang kamay niya. At sa higpit niyon ay tila alam niyang hindi nito bibitiwan iyon. Pero hindi siya puwedeng doon matulog sa tabi nito.
"Samahan mo ako dito, Lin. Ayokong mag-isa. Takot akong mag-isa," paungol na pakiusap nito, saka biglang hinila ang kamay niya. Napasubsob tuloy siya sa dibdib nito. Agad niyang naramdaman ang pintig ng puso nito nang lumapat ang kanyang tainga sa dibdib nito.
Nangdesisyon siyang samahan ito sa kama, gaya ng pakiusap nito. Pasalamat ka't mahal kita kaya pagbibigyan kita ngayon. Ngayon lang naman. Hindi niya alam kung paano pero naramdaman niya sa tinig nito na tila may kinatatakutan itong kung ano.
"Takot akong mag-isa..." Totoo kaya iyon? Parang napakaimposible. Subalit hindi niya gustong balewalain ang sinabi nitong iyon. Ayon sa kanyang ama, drunk men subconsciously reveal their innermost fears and feelings na hindi nila nagagawang sabihin o aminin nang diretsahan o kung nasa huwisyo sila. At alam niyang hindi exempted doon si Alex.
Sumiksik siya sa tagiliran nito. Napangiti siya habang pinakikinggan ang tibok ng puso nito na tila idinuduyan ang kamalayan niya. Hanggang sa namalayan na lang niyang unti-unti nang hinihila ng antok ang kanyang diwa. At tila narinig pa niya ang inusal ni Alex sa pagtulog nito. Kaya lang, alam niyang bahagi lamang iyon ng isang panaginip na hindi siya sigurado kung magkakatotoo nga.
"I love you..."
Alex...
No comments:
Post a Comment