Tuesday, June 16, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 8

ISANG PAGKALALIM-LALIM na buntong-hininga ang isinalubong ni Relaina nang bumungad sa pandinig niya ang kantang "Sana'y Kapiling Ka" ni Jolina Magdangal—na LSS niya magmula nang bumalik siya sa Amerika—pagpasok nilang dalawa ni Rianne sa CSDV Fashions. Isa iyong boutique na pag-aari ng mga dela Vega at ipinangalan sa founder niyon na matriyarka ng pamilya. Doon ang punta nilang magpinsan dahil si Tita Elena ang nagtahi ng wedding gown ni Rianne. Gusto sana ng huli na isukat niya ang gown para dito dahil pareho naman daw sila ng sukat. Rianne believed the superstition and Tita Elena knew that kaya naman pumayag na ang ginang sa kagustuhan ng pinsan niya.

Kauuwi lang niya galing Amerika dahil gusto ni Rianne na siya ang maid of honor sa kasal nito at ni Alex. Nagkataon naman na nag-file siya ng indefinite leave sa SHP, ang publishing company na pinagtatrabahuhan niya kung saan siya ang isa sa mga editors. Walang sabi-sabing pinagbigyan siya ni Joseph. Panahon na raw para tuparin na niya ang pangakong hindi kailanman nawala sa kanyang isipan—lalo na sa kanyang puso. Alam ng kapatid niya ang lungkot at pagtitiis na kanyang pinagdaanan para lang magawa niya ang dapat gawin sa loob ng walong taon. Nagawa naman na daw niya ang dapat niyang gawin. Naisakatuparan na niya ang kanyang pangarap na maging isang manunulat.

Before becoming one of the editors of SHP, naging feature writer siya sa isang women's magazine. May column din siya sa isang sikat na newspaper. Four years ago, naging scriptwriter siya ng isang romance-fantasy series sa isang TV network kung saan umani iyon ng mataas na ratings. Naging romance writer siya sa SHP at ilang nobela na rin ang nai-publish ng kompanya. Just a year ago, she decided to try her abilities in editing romance novels. It was her brother's wife Celine who became her mentor habang nagtatrabaho siya bilang editor. Marami-rami na siyang naisakatuparan para sa sarili niya. Oras na siguro para magpahinga muna siya kahit sandali lang. This time, she would take a break in order for her to fulfill her promise. The promise that was written on the letter she left for Allen before she went away eight years ago.

"Hihintayin na lang kita dito, ha? Kailangan ko kasing salubungin si Alex sa labas at magde-date kami mamaya pagkatapos nito. Oh! And I guess you should try your gown. Believe me, you'll fall in love with it," wika ni Rianne na nagpangiti na lang sa kanya dahil sa excitement na nakikita niya sa mukha nito. Walang dudang isa ang kasal nito sa nakapagpapasaya dito matapos ang hindi magandang pangyayari sa buhay nito. She wasn't against the fact that Alex would make her cousin happy. Matagal na niyang alam iyon.

"Just hope that I won't fall in love with your gown or else, hindi mo na maisusuot iyon sa kasal mo."

"Sus! Nang-agaw ka pa ng gown ng ibang tao."

Agad silang nagtungo ni Tita Elena sa dressing room matapos umalis ni Rianne sa boutique. Hindi pa man niya naisusuot ang gown ay namangha na siya sa disenyo niyon. It was beautiful. Looking at it made her wish she could have a wedding gown as beautiful as that.

"Ikaw, Relaina, kailan mo ba balak magpakasal?" Out of the blue na tanong ni Tita Elena sa kanya. Her dreamy state was cut off because of that question.

"Bakit n'yo naman po naisipang itanong iyan sa akin? Gusto n'yo na po ba akong magpakasal?"

Ngumiti ang ginang. "That's still depends on you, but yes. Darating sa buhay ng isang babae na mangangarap siya ng kasal. At gusto nila na maikasal sila sa lalaking mamahalin nila hanggang sa huli. Ikaw, Relaina, have you ever dreamed of getting married to the one man you vowed to love forever?"

Opo. Magmula nang maramdaman ko ang pagmamahal ng nag-iisang lalaking tanging sumakop nang buung-buo sa puso ko... At hindi niya gustong ilihim iyon sa ginang. "Magsisinungaling po ako kung sasabihin kong hindi. At... iisang lalaki lang po ang nais kong makasama sa pagharap sa altar."

"Siya pa rin ba?"

Nang tingnan niya si Tita Elena, nabasa niya sa mga mata nito na tila alam na nito ang lalaking tinutukoy niya. Napatango siya at hinarap niya ang full-length mirror sa harap niya nang makita ang sarili sa suot niyang wedding gown. Hindi tuloy niya maiwasang mangarap na sana ay para sa kanya ang nasabing damit. Napakaganda niyang tingnan sa suot niya kahit wala pa siyang make-up sa mukha at nakalugay lang ang kanyang hanggang baywang niyang wavy dark brown hair. At kasama sa pangangarap niyang iyon ang lalaking nais niyang makasama sa pagharap sa altar balang araw. Pero sa ngayon, masasabi niyang imposible munang magkaroon ng katuparan ang pangarap niyang iyon hanggang hindi niya naisasakatuparan ang pangako niya.

Tama si Tita Elena sa sinabi nitong "siya pa rin". Iisa lang naman ang gusto niyang maging groom. Si Allen lang at wala nang iba. Ang weird sigurong isipin iyon subalit iyon na ang nakatalaga sa kanyang isipan. Hindi siya sigurado kung ano ang mangyayari sa sandaling magkikita sila nito. Pero gusto niyang mag-isip muna ng mga positibong bagay upang pawiin ang kabang sumasakanya ng mga sandaling iyon dahil lang naisip niya ito.

"It's beautiful, Tita. Naiisip ko na ang magiging itsura ni Rianne kapag suot na niya ito," tila nangangarap pa na komento niya.

"I agree. Kunsabagay, hindi ako basta-basta gumagawa ng gown na hindi babagay sa taong magsusuot niyon. But to tell you one thing, parang naiisip ko na rin ang magiging design ng wedding gown na gusto kong isuot mo sa araw ng kasal mo."

Napatingin siya kay Tita Elena pagkarinig niyon subalit ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Sinipat nitong muli ang gown na suot niya. Subalit sa muling pagharap niya sa salamin, tila itinulos siya sa kinatatayuan niya. Nakikita niya roon ang lalaking nakatayo sa bukana ng silid na iyon at mataman siyang tinitingnan. Nakatutok ang mga mata nito sa salamin kaya naman para na rin siya nitong tinitingnan nang harapan. Kilala niya ito, iyon ang tiyak niya. Naka-corporate attire man ito at nakasuot ng salamin—idagdag pa ang katotohanang lalo itong gumuwapo—ay hindi niya maipagkakamali ang isang bagay na tanging dito lang niya naramdaman. Her rapidly beating heart was already the proof of it. 'Di ba, iyon ang ginagamit niyang batayan noon para malaman niya kung sino sa magkambal na Olivarez ang kaharap niya?

Kaya naman alam niya kung sino ang nakikita niya. But she needed to make sure. Mirrors could deceive sometimes. Hindi niya gustong isiping nagha-hallucinate lang siya. And so she slowly turned around to confirm it. She felt her heart skipped a few beats as she laid her eyes on the man now standing just a few feet away from her. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang matanto niyang hindi siya talaga nagha-hallucinate. Hindi niya alam kung paano pagaganahin nang matino ang isip niya nang ma-realize iyon.

"A-Allen..." tanging naiusal niya. But she knew how much she missed uttering his name, especially now that he was there standing as he looked at her intently despite the shock she knew he felt. Pero hindi niya maiwasang makaramdam kaagad ng pangamba. Oo, nakatayo ito sa harap niya—err, a few feet away facing her. Pero naaalala na ba siya nito?

LOOKING AT the beautiful woman wearing a wedding gown was something Allen hadn't really expected in his life yet unless the woman would be Relaina. Pero parang gusto yata siyang paglaruan ng isip niya dahil sa babaeng humarap sa kanya. Her coffee brown eyes were showing different emotions. At the very least, she could name a few from them—happiness, hesitation, fear, and anticipation. Sa kabila niyon, alam niyang pamilyar ang mga matang iyon. Hindi niya iyon maaaring ipagkamali sa iba kahit ilang babae pa ang nagpumilit pumasok sa buhay niya. Iisang babae lang ang may kakayahang magbigay ng di-maipaliwanag na epekto sa kanya kahit tanging mata lang ang tinitingnan niya.

Hindi siya makapaniwala nang marinig mula sa bibig ni Rianne na si Relaina ang nagsusukat ng wedding gown ng una. Ang akala niya, siya lang ang hindi makapaniwala; pati rin pala si Alex na nagkataong kasabay niya sa pagpunta sa boutique para sunduin ang nobya ng huli. Kinumpirma din iyon ng assistant ni Tita Elena kaya nasiguro niyang hindi siya iniinis lang ni Rianne. But he wanted to make sure. As quietly as he could, he opened the door to the fitting room. Pakiramdam niya, naglaho ang lahat sa paligid nang tumambad sa kanya ang pamilyar na pigura ng babaeng hindi maikakailang miss na miss niya. Kahit sabihin pa na mahigit walong buwan niya itong hindi maalala noon, tiyak niya na ang kanyang puso ang hindi nakalimot dito.

Kung pagbabasehan ang pasimpleng tingin na iginagawad niya rito noon mula sa malayo bago pa niya nalamang umalis na ito ng bansa, idagdag pa ang di-mapigilang pagbilis ng tibok ng puso niya, masasabi niyang hindi naglaho ang damdamin niya para kay Relaina sa kabila ng pagkakaroon niya ng amnesia. Ito lang ang may kakayahang gawing restless ang puso niya kahit noong mga panahong wala siyang maalala tungkol dito. In his heart, he knew she was someone special to him; only he couldn't figure out how. Pinilit niyang ibaling sa iba ang kakaibang nararamdaman niya pero bigo siya. Pakiramdam pa nga niya, para siyang nagtataksil sa ginagawa niya. So he stopped even before he could figure out why. But then, he could only watch Relaina from afar. Iyon lang ang tanging ginawa niya hanggang bigla na lang itong naglaho. But in his heart, she never left. Ito lang ang babaeng hindi kailanman naglaho sa kanyang puso kahit pinaglayo sila ng lugar at panahon. Ngumiti nang makahulugan si Tita Elena nang mapatingin ito sa kanya. Her eyes and smile were telling him na hindi siya nagha-hallucinate o nananaginip lang.

"Laine? Is that... really you?" Alanganin man, pinili pa rin niyang isatinig iyon. Napansin niya na napaigtad ito matapos niyon, indikasyong pinukaw niya ang pag-iisip nito. Isang tango lang ang isinagot nito. Ngunit sapat na iyon para sa kanya. Before he knew it, he was embracing her tight as he nuzzled his face to her neck. Gusto niyang siguruhin sa sarili niya na hindi maglalaho ang babaeng yakap niya ngayon. Gusto niyang maramdaman ang init ng katawan nito.

When she returned his embrace, he knew she was real. His Laine finally came back. "I never thought this day would come. You're really here. You finally came back..."

"I CAN'T really understand it. Why is it so different?" tanong ni Relaina na tila mas kausap ang sarili habang pinapanood ang sunset sa rooftop ng Rosalia Building. Isa iyong seven-storey commercial building na pag-aari ng mga Cervantes at dela Vega. Dito nakabase ang ilan sa mga businesses na pag-aari ng dalawang pamilya. Doon siya dinala ni Allen matapos ang halos pitong oras na pamamasyal nila sa buong bayan.

Matapos ang di-inaasahang pagkikita nila sa boutique, hindi na talaga siya nilayuan nito. Ang katwiran nito, gusto lang daw nitong makasiguro na hindi siya basta-basta mawawala. Baka daw kasi takasan na naman niya ito. Though she clearly knew it was meant to be a joke, a part of her was guilty. Oo nga naman. Eight years ago, she left without a word. Umalis siya dahil kailangan, dahil iyon ang napagdesisyunan na niya bilang pagtupad sa kanyang pangarap kapalit ng nag-iisang taong nagbibigay-saya sa buhay niya. Hindi niya ipinaglaban ang damdaming dapat ay para sa kanya. Lumaban sana siya kahit na hindi siya sigurado kung saan siya nakalugar sa puso nito nang magka-amnesia ito. She just let the hurt devour her will to fight.

Pero bakit pakiramdam niya ay wala man lang itong maipakitang galit sa kanya? Did he read the letter she left to Tita Marie? Hinintay ba talaga siya nito gaya ng hiniling niya sa sulat? Bakit wala itong nababanggit sa kanya tungkol doon?

"What's different?" tanong nito.

"Sunset," simpleng sagot niya at hinarap ito. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na ma-appreciate ang sunset noon kapag pinapanood ko ito nang mag-isa. I've been doing this for the past eight years and yet all I could see was just a glowing orange ball slowly disappearing on the horizon. That thought made me hate the night even more because there were times loneliness would creep out and let me cry nonstop."

"Dahil pinapanood mo ang sunset habang dala-dala mo sa puso mo ang sakit. Isa pa, pinapanood mo iyon nang mag-isa samantalang dati, kasa-kasama mo ang taong special sa iyo. You're not the only one who felt that way, Laine," seryosong wika ni Allen na hindi tumitingin sa kanya.

Kahit side view lang ang nakikita niya, walang dudang napakaguwapo pa rin nito. Side view or front view, that enigmatically handsome face never left her mind, even her heart. Ang mukhang iyon ang isa sa pinakamalaki niyang rason kung bakit napakalungkot ng sunset para sa kanya. She couldn't appreciate it the same way when she was with him. Muli niyang pinagmasdan ang paglubog ng araw. She saw how the red orange sun colored the sea that seemed to shimmer because of the sun's glow from the horizon. She smiled upon seeing it. Dahan-dahan siyang napapikit nang maalala niya ang pangalang itinawag nito sa kanya. Kasabay niyon ay ang pagtibok ng puso niya dahil sa hindi matatawarang saya.

Laine... It has been a long timesince she last heard that from him. She wouldn't deny the fact that it would always be music to her ears whenever he utters it. "I really miss you calling me by that name," pabulong na aniya. Tama lang siguro ang desisyon niyang bumalik sa Altiera kahit hindi siya sigurado kung naaalala na nga siya nito.

Her eyes snappen open and she froze when she felt someone embraced her from behind. The familiar warmth, scent and her heart beating fast made her already know the mystery man. Habit nitong yakapin siya mula sa likuran kapag malungkot siya o 'di kaya'y kapag may bumabagabag sa kanya. Tila ibinalik siya ng mahigpit na yakap nito sa nakaraan. She became wistful upon remembering those happy times she and Allen had together.

"Allen..."

"I miss you, Laine. So much," bulong nito sa tapat ng tainga niya. Kakaibang kilabot ang dulot niyon sa sistema niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Then he started humming a song before deciding to sing. "In a lifetime, there is only love reaching for the lonely one... We are stronger when we are given love when we put emotions on the line... Know that we are the timeless ones..."

Napaluha siya nang marinig ang tinig nito na ngayon ay umaawit para sa kanya. Oh, how she terribly missed him singing a love song for her. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Tila may bikig sa lalamunan niya. Kahit sa tinig lang at yakap nito, dama niya roon na talagang na-miss siya nito. Her heart swelled at that. I wonder how long you've waited for me, Allen. I wonder how long you've missed me like this...

"MEET ME halfway across the sky... Out where the world belongs to only you and I... Meet me halfway across the sky... Make this a new beginning of another life..." Allen continued to sing as he embraced Relaina tighter. Ang kantang iyon at ang paghigpit ng yakap niya rito ay ilan lang sa pruweba niya kung gaano siya kasaya ng mga sandaling iyon. Nasa mga bisig na niya ang babaeng tanging minahal niya nang ganoon katindi.

"I've never let go, Laine. I've held on to you for a long time. And I guess waiting for you like this was worth it. This time, hinding-hindi na kita hahayaang maglaho sa buhay ko," pangako niya at hinalikan ang gilid ng sentido nito bago isinubsob ang mukha niya sa buhok nito. "I'm glad you came back here, Laine..." And he truly meant it.

"Of course I came back. After all, I made a promise a long time ago."

He frowned at her words. "What promise?"

"Y-you mean you don't know?" But before he could even say something in answer to that, she just shook her head and smiled. "N-never mind. Just... don't mind it. Ang importante, bumalik na ako dito. Right?"

Gusto pa sana niya itong tanungin pero ang ngiti nito ang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Right at that moment, all he wanted to do was to embrace her tight and let her know how much he missed her. "You're right." And embrace her he did... with so much love.

No comments:

Post a Comment