Tuesday, June 23, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 9

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang itinugon ni Rianne nang ihayag na ng emcee ang hudyat ng bouquet toss. Araw iyon ng kasal nina Rianne at Alex. Inabot ng humigit-kumulang tatlong buwan ang preparasyon ng mga ito. Gusto kasi ni Alex na maging memorable ang kasal na iyon para kay Rianne. And it looked like he succeeded. It was the grandest wedding she had ever seen... so far. Ginanap ang seremonya sa simbahang karugtong ng Hacienda Rosalia, ang hacienda kung saan nakatirik ang ancestral house ng mga Cervantes at villa ng mga dela Vega. Naroon sila ngayon sa malawak na hardin ng ancestral house para sa reception. Karamihan sa mga bisita ng mga ito ay may sinasabi sa buhay. Ang mga trabahador naman ng hacienda ay sa pahingahan nagkakasiyahan kasama ang pamilya ng mga ito.

During the ceremony, hindi niya napigilan ang sariling bigyang-pansin ang porma ni Allen at hangaan ito. He definitely looked handsome sa suot nitong barong-Tagalog. Kung ikukumpara sa mga lalaking pinsan at kababata nito, kahit wala siyang itulak-kabigin sa kakisigan ang mga iyon, mas nakakalamang pa rin sa kanya si Allen. Papasa na itong groom. Tiyak na suwerte ang babaeng makakasilo sa puso nito at nanaisin nitong mapangasawa.

Kung ako na lang sana ang bride niya... Teka lang! Bakit ganoon agad ang pumasok sa isipan niya? Nang tingnan niya si Allen, dagli ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil nakatingin din pala ito sa kanya. Sabay silang napangiti at natawa nang walang tunog. Oh, well. Wala naman sigurong masama kung iyon ang pumasok sa isip niya. After all, she already said to herself that she only wanted Allen to be her groom and no one else. Pero gugustuhin ba nito na siya ang maging bride nito? Sana nga...

"Don't you want to catch the bouquet?" tanong ni Allen nang lumapit ito at naupo sa katabi niyang upuan.

"I'm not exactly in the mood to catch a bouquet right now."

"Ako rin. Wala rin ako sa mood sumalo ng garter mamaya. Mas gusto ko na ikaw ang sasalo sa bouquet para ikaw ang susuotan ko ng garter," ngingisi-ngising tugon nito.

Napangiti na lang siya. The past three weeks since she came back had been busy. Hindi lang para sa mga bagong kasal kundi pati na rin sa kanila ni Allen. They dated most of the time even though they were busy helping Rianne and Alex with the wedding preparations. Palagi itong nasa tabi niya at nakaalalay sa kanya. Hindi rin pumapalya ang pagiging sweet at maaalalahanin nito. Hindi rin nito mapigilang sermunan siya kapag nakakaligtaan niya ang oras ng pagkain. Daig pa nito ang mama niya sa sobrang concern sa kanya. Hindi tuloy naiwasang tumaba ng puso niya sa mga pinaggagagawa nito. Mahal niya ito pero lalo pa yata itong napapamahal sa kanya. Tila ba sa ipinapakita nito ay bumabawi ito sa mga panahong nasayang dahil sa paglisan niya at sa amnesia nito noon.

Pinagmasdan nilang dalawa si Rianne habang naghahanda ito sa pagtapon sa bouquet na hawak nito. Bigla siyang nakadama ng lungkot nang may maalala siya.

"Hindi ko akalaing wala na si Tita Marie. Kung nandito pa siguro siya, sigurado ako na isa siya sa matutuwa sa kinahinatnan ng relationship nina Rianne at Alex."

NAPATINGIN SI Allen kay Relaina nang marinig ang sinabi nito. Dama niya sa tinig nito ang lungkot habang sinasabi iyon. Parang gusto tuloy niyang pagsisihan na sinabi pa niya dito ang nangyari kay Tita Marie. Pero hindi niya gustong ilihim iyon sa dalaga. Gustong-gusto ni Relaina si Tita Marie. Kaya naman hindi na kataka-taka sa kanya nang sabihin niyang matagal nang patay ang paborito niyang tita ay ganoon na lang ang paghagulgol nito.

Tita Marie died in a vehicular accident six months after Relaina left the country. Na-coma pa ito nang mahigit isang linggo. Nang magkamalay naman ito, ilang oras lang ang itinagal nito. Tila ba binigyan lang ito ng pagkakataong makapagpaalam sa mga taong mahal nito, lalo na sa kaisa-isang anak nito na si Miette. Nagbilin lang ito sa anak ng mga dapat nitong gawin at ipinaubaya nito sa dalaga ang flower shop na pinamamahalaan ng ginang. Sinabihan naman siya nito na sana ay maalala na niya ang importanteng taong kinalimutan niya at tiyak na nagdurusa dahil sa pagkawala ng alaala niya kasama ang taong iyon.

"Babalik siya, Allen. Babalik siya para tuparin ang pangako niya sa iyo. Babalikan ka niya dahil ikaw lang ang mamahalin niya nang habang-buhay. Ang kailangan mo lang gawin ay maalala siya uli at hintayin ang pagbabalik niya. Kung talagang mahal mo siya bago pa man mawala ang alaala mo, tiyak kong magagawa mo siyang hintayin. Gustong-gusto ko si Relaina para sa iyo. At magiging masaya ako kung kayong dalawa ang magkakatuluyan sa bandang huli..." Iyon ang huling sinabi ni Tita Marie sa kanya bago ito tuluyang mamatay. Kasabay niyon ay ang pagbabalik ng mga nawala niyang alaala. Those lost memories flooded his mind almost instantly. Hindi tulad ng mga nakalipas na mahigit walong buwan na pulos malalabong eksena ang gumigitaw sa isipan niya. Hindi tuloy niya napigilang kuwestiyunin kung bakit kailangan pang may mamatay para lang magbalik ang alaala niya.

Hinawakan niya ang kamay ni Relaina na nakapatong sa mesa at pinisil iyon. Napatingin ito sa kanya. "I'm sure masaya na si Tita Marie kung nasaan man siya ngayon. Bumalik ka na, eh."

"I know that. Kaya lang, parang ang unfair naman kasi. Bakit kailangang kuni kaagad ng Diyos si Tita Marie samantalang..." She trailed off in mid-sentence as if she suddenly decided not to continue.

"'Samantalang?' Bakit hindi mo ituloy?"

Ilang sandali itong natahimik bago umiling. "Never mind."

Hindi tuloy niya napigilang magkunot-noo sa inakto nito. May hindi ba ito sinasabi sa kanya na alam ni Tita Marie?

KATATAPOS LANG kumanta ni Relaina kasama si Allen dahil na rin sa request ng bagong kasal. Hindi naman talaga siya dapat kakanta pero nagawa ni Allen na pakantahin siya. Idagdag pa ang pangungumbinsi ng mga pinsan nito kaya pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya—in a good way. Hindi na siya nakatanggi nang hawakan ni Allen ang kamay niya at hilahin siya nito mula sa kinauupuan niya. Hindi siya sigurado noong una kung ano ang kakantahin nila. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang pamilyar sa kanya ang kanta. It was "After All" by Peter Cetera—one of her favorite love songs. In addition to that, the song described how she and Allen were right now besides the fact that the song also tells the story of the newlyweds.

Matapos niyon, ipinagpaalam ng mga pinsan at kababata nitong lalaki si Allen sa kanya—o mas tamang sabihing kinaladkad palayo sa kanya—upang makapag-bonding man lang daw sila ng mga ito kahit sandali lang. Hindi na siya tumutol kahit halatang ayaw nitong malayo siya rito at iwan siyang mag-isa doon.

"This is the first time after eight years na nagliwanag ang aura ni Kuya Allen," anang tinig sa kanyang likuran. Nalaman niya na galing iyon kay Miette. "If you know my cousin, masyado siyang madaldal kapag babae ang pinag-uusapan. Mas madalas pa na pulos kapintasan ang nariring namin kaya hindi na kataka-takang walang nagtatagal na relasyon niya na lampas pa sa isang buwan."

Natawa siya. "Ang over naman ng lalaking iyon. You mean walang babaeng tumatagal sa kanya dahil hindi niya makita ang good side ng mga ito in any way?"

Tumango ito at umupo sa upuang binakante ni Allen. "You know what? After you two became became friends, palaging ang good traits mo ang kinukuwento niya sa amin. Magpakita ka man daw kasi ng 'di-kanais-nais na ugali, natatabunan naman iyon ng tuwang nadarama niya sa tuwing magkasama kayo. That's when we realized na nakahanap na siya ng babaeng babago sa buhay niya. And we were right."

"But in the end, we ended up hurt—both physically and emotionally—dahil may mga taong hindi ako gusto para baguhin ang buhay ni Allen," malungkot na aniya nang sumagi sa isip niya ang pangyayari noong seventh monthsary nila ng nobyo. She could feel her heart in pain once again upon remembering his promise to her that night—that he would never forget her.

"And yet you still love him despite all that?"

Dahan-dahan siyang tumango. Napaluha na rin siya kahit na ayaw niya. "Aaminin ko, naging masakit para sa akin na malamang kinalimutan niya ako nang mga panahong iyon. I mean, of all things na makakalimutan niya, bakit ang dalawang taon pa ng kanyang buhay kung kailan nabuo ang kuwento naming dalawa ang naglaho sa isipan niya? I thought all this time that it was unfair. Dahil doon, hindi ko siya nagawang tingnan man lang nang hindi ako nasasaktan nang husto. I was hurt, but I could never hate him. I guess, deep in my heart, pinanghawakan ko ang pangako niya sa akin noon."

"Pangako? You mean those flowers' meanings?"

Umiling siya at ngumiti. "It was the pledge he recited at New Year's Eve. Na kahit ano'ng mangyari, magkakasama pa rin kami sa bandang huli. We'll love each other till beyond eternity." Muli siyang napaluha at tumawa nang mahina. "Ang corny ng pinsan mo, 'no? But he's someone who firmly believes in eternal love. To think he would even pledge something like that..."

"That only means he's serious, Ate Aina. He never made such a pledge to any other woman before. Then and now, I think ikaw lang ang taong nagparamdam sa kanya ng totoong pag-ibig na matagal na niyang hinahanap. At kahit siguro pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi na mababago ang nararamdaman niya para sa iyo."

She was speechless after that. Pero parang mas mapapanatag lang yata siya kapag narinig na niya sa bibig mismo ni Allen ang mga sinabi sa kanya ni Miette. Nagkuwentuhan pa sila tungkol sa ilang pangyayari mula noong umalis siya ng bansa eight years ago. Noon lang niya napatunayang totoo ang sinabi ni Allen na ang pagkamatay ni Tita Marie ang nagsilbing trigger upang magbalik ang mga nawalang alaala ng binata.

Kung pagbabasehan niya ang isinalaysay ni Miette sa kanya, napagtanto niya na hindi naibigay ni Tita Marie kay Allen ang journal na ipinaabot niya sa ginang noon. It only means na wala itong ideya tungkol sa pangakong isinulat niya. Kaya pala kinukuwestiyon siya ni Allen tungkol doon dahil nabanggit din daw iyon ni Tita Marie sa huling sinabi nito sa binata. Ang tanging pinanghawakan nito na babalik nga siya ay ang huling sinabi ni Tita Marie bago ito mamatay. Wala siyang sinabi na babalik siya. Ipinaabot lang niya ang journal at ibinilin sa ginang na ibigay iyon kay Allen sa oras na magbalik na ang alaala nito. Marahil ay binasa nito ang journal. Hindi niya akalaing aabot pa ng mahigit anim na buwan matapos siyang umalis bago pa magbalik ang alaala ni Allen.

Nagpaalam siya kay Miette na pupunta muna sa CR para makapag-retouch. Hindi na siya nagtanong pa ng direksiyon dahil alam naman na niya kung saan iyon. Malapit na siyang pumasok sa loob ng ancestral house kung saan naroon ang CR nang may biglang mahagip ang mga mata niya. Bigla siyang nanigas nang tuluyan na niyang makita ang eksenang nahagip ng kanyang mga mata.

Is this for real? Sina Allen at Vivian, magkasama? At hindi lang basta magkasama ang mga ito. For some seconds, the two were happily to each other. Soon after, nagyakapan ang mga ito at hinalikan pa ni Vivian si Allen sa labi. Even though it was just a quick kiss, what she felt after seeing that was too much. Tila dinurog niyon ng pinung-pino ang puso niya at hindi siya makahinga. Hindi niya nais makaramdam ng ganoon lalo pa't masayang araw iyon. Pero hindi niya mapigilan.

Hindi na niya itatangging nagseselos siya. Ang totoo niyan, selos na selos siya. At sa babae pang naging dahilan kung bakit sa isang iglap ay naputol ang masasayang araw niya sa piling ng lalaking pinakamamahal niya. Kung umakto kasi ang mga ito, para bang hindi nagkasakitan ang mga ito. Gustuhin man niyang sugurin si Vivian at ilayo rito si Allen, tila nawalan siya ng lakas na gawin. Ni hindi nga niya nagawang kumilos paalis sa lugar na iyon kahit pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat anumang sandali dahil sa sakit na nararamdaman. Kung hindi pa niya narinig na tumunog ang cell phone niya, hindi pa siya kikilos sa kinatatayuan niya.

Mabilis na tinalikuran niya ang nasaksihang eksena habang kinukuha ang cell phone sa pouch na dala niya. It was Joseph calling. "O, kuya? Napatawag ka?" bungad niya rito sa pilit na pinakaswal na tinig.

"Umiiyak ka na naman?" It was a statement rather than a question.

"Hindi, 'no? Bakit naman ako iiyak?" pagkakaila niya kahit may palagay na siyang mahahalata naman nito ang nararamdaman niya.

Narinig niya ang eksaheradong pagbuntong-hininga nito. "Okay. Hindi ka umiiyak. Paiyak ka na naman? Baby girl, huwag mo nang ikaila. Halata naman sa boses mo."

Buntong-hininga na lang ang naging tugon niya. Kahit pala sa cell phone, malakas ang pakiramdam ni Joseph pagdating sa kanya. Mabuti na lang at may kapatid siyang tulad nito, kahit na magkapatid lang sila sa ama.

"Get out of there and meet me here at Isabella's," anito na ang tinutukoy ay ang restaurant sa Rosalia Building.

Nangunot ang noo niya. Ibig bang sabihin ay nasa Pilipinas ito? "Nandito ka sa Altiera?"

"Basta. Pumunta ka na lang dito bago ka pa mag-breakdown diyan."

No comments:

Post a Comment