Monday, June 22, 2015

Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo - Chapter 10 (Final)

DUMILAT. Pumikit. Muling dumilat. Sa totoo lang ay parang inalisan na ng lakas si Khea nang magising siya nang umagang iyon. Hindi na niya gustong umalis sa kinahihigaan niya dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Pero hindi puwede. Kailangan niyang kumilos dahil alam niyang mahahalata siya ng mga magulang niya na may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Phrinze... although sigurado siyang may ganoong hinala na ang mga magulang niya.

Mahigit dalawang linggo na silang hindi nagkikita't nag-uusap ni Phrinze matapos ang ultimate confession niya rito sa cove. Ganoon katagal na rin siyang nagtitiis sa kabigatan ng kanyang pakiramdam sa tuwing gigising na lang siya sa umaga. At sa totoo lang ay hirap na hirap na talaga siya. Gustuhin man niyang kalimutan iyon ay hindi niya kayang gawin kahit na anong pilit niya. Kung bakit ba naman kasi umabot pa sa ganito ang lahat?

Napangiti siya nang mapait nang maalala ang kissing scene nila ng binata sa cove, kung paano siya dinala ng halik nito sa paraiso kahit na panandalian lang ang lahat. Sinigurado niya sa sarili niya na hinding-hindi niya magagawang kalimutan ang pangyayaring iyon habang siya'y nabubuhay pa. Pero kung anong sarap naman ang naramdaman niya nang halikan siya nito ay hindi niyon matutumbasan ang sakit na nararamdaman pa rin niya hanggang sa mga sandaling iyon.

Gustuhin man niyang kamuhian si Phrinze to the max, hindi niya kayang gawin. Iyon na yata ang isang milagrong magagawa niya para rito kahit gaano pa siya sinaktan nito. At sa isiping iyon ay tumulo na naman ang mga luha niya. Wala na yatang kasawaan ang mga mata niyang iyon sa kaiiyak at wala naman nang nangyayari pa. Sa ganoon na natapos ang lahat.

Natigil lang ang pag-e-emote niya nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kuwarto kaya naman napilitan siyang pahirin ang mga luhang naglandas sa pisngi niya at umupo sa kama. Bumukas ang pinto at bumungad doon si Aiko. Halata sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman pinilit niya ang sariling ngumiti man lang.

"O, napadalaw ka?" nakangiting aniya.

Bumuntong-hininga lang ito at naupo sa tabi niya. "Don't force yourself to smile kung hindi mo talaga kaya. Hindi naman kita pinipilit, eh."

She went back to being sad and then scoffed. "Bakit ganoon, Ai? Akala ko masakit na iyong pilitin kong itago kay Phrinze ang nararamdaman ko para sa kanya. Meron pa palang mas masakit doon. Mas masakit pa sa naramdaman ko noong mawala ang parents ko at si Norina," garalgal na saad niya bago siya yakapin nito. Sa ngayon ay kay Aiko muna siya iiyak dahil sa lahat ng ayaw niya ay makita siya ng mga magulang niya na nahihirapan at umiiyak.

"Khea, Phrinze is going to leave to the States two weeks from now. At gusto sana niyang imbitahan tayo sa party ng mga Valencia mamayang gabi," sabi nito habang patuloy ito sa paghimas sa likod niya, dahilan upang kumawala siya sa yakap nito at nagtatakang tiningnan ito.

"Phrinze sent you here?"

Umiling ito. "Not really. Nakiusap lang siya sa akin na kung puwede daw ay isama kita sa party mamaya. Kung alam ko lang kung paano ko siya tinarayan kanina dahil alam ko naman na hindi ka basta-basta papayag. Kaya lang, saksakan ng kulit, eh. So I said na susubukan ko pero huwag siyang mag-assume."

It took her a while to think about what Aiko said. Why not?

Tutal naman ay paalis na rin lang siya patungong Canada sa susunod na buwan upang asikasuhin ang textile company ng mga Castillianes doon., nais niyang makapagpaalam man lang sa binata at makausap ito nang magkalinawan na. At kung kakayanin pa niya ay hihingi na rin siya ng apology dahil sa naging forced confession niya rito. Bahala na kung ano ang mangyayari. Ang mahalaga lang sa ngayon ay magkausap man lang sila.

Even if it will be for the final time.

GAYA NG napagdesisyunan ni Khea kanina ay nagtungo siya sa private party ng mga Valencia. Kaya lang, walang tigil naman sa kapapasag ang buwisit niyang puso samantalang nasa loob pa lang siya ng kotse niya. Kanina pa siya kinakabahan na hindi niya mawari, pero dahil desidido siyang kausapin si Phrinze ay huminga muna siya ng malalim bago lumabas sa kotse niya.

Napansin niya na ang mga bisita ng mga Valencia ay mga kamag-anak at malalapit lang na mga kaibigan ng mga ito. And according to Aiko, it was Phrinze who invited her personally dahil sa pagiging malapit nito sa mga Rodriguez at Castillianes. Kaya naman siguradong makakahinga siya nang maluwag dahil may matatakbuhan siya kung sakali mang dumating ang puntong maging emosyonal siya. Nauna na si Aiko na magtungo sa party at ngayon ay kasalukuyan itong nakikipagkuwentuhan kay Eric, isa sa mga pinsan ni Phrinze sa ina. She smiled at the thought na baka makatagpo naman ang kaibigan niya ng pag-ibig sa Isla Marino.

Decided not to disturb her friend for a while, her eyes scanned the rest of the place just to look for one specific person. And her heartbeat increased its tempo nang makita na niya sa hinahanap. Phrinze was standing near the stage among the other guests that appeared to have a good conversation with him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maikakailang ang ngiti nito, ang kaguwapuhan nito, maging ang pamilyar na tindig nito—all of it never failed to make her heart beat fast... just like before. And she's so sure that all of these will become a mere memory to her once na nag-settle down na siya sa Canada. Aminado siya na mahihirapan siyang kalimutan ito pero lahat ng paraan ay pipilitin niyang gawin makalimutan lang ito in order for her to move on.

Tears welled up in her eyes just having the thought of forcefully forgetting Phrinze... forcefully forgetting the man she'll always love but will never love her in return. Bago pa man tuluyang tumulo ang mga luha niya ay mapapitlag siya nang marinig niyang nagsalita ang emcee. Katabi nito si Phrinze na ngayon ay matamang tinititigan siya. And that gave her goosebumps. Hindi niya malaman kung bakit. Marahil ay may kinalaman ito sa kung ano man ang sasabihin nito.

"Ladies and gentlemen, thank you for being present on this event. Alam ko po na ang ilan sa inyo ay may mga trabaho pang tiyak na naka-pending sa kani-kanilang opisina. So I would like to apologize dahil inalis ko kayo sa tabi ng mga trabaho ninyo." Laughter from the guest followed but Phrinze remained serious. And then she saw him sighed. "Alam ko po na marami sa inyo ang nagtataka at gustong malaman ang totoong dahilan kung bakit nag-arrange ako ng isang private party prior to the date that I decided to leave to the States. The truth is... may gusto po akong ipaalam sa inyong lahat ngayong gabi."

Ang lahat ay natahimik at siya naman ay mas lalong kinabahan habang hinihintay na magsalitang muli ang binata dahil sa totoo lang ay hindi nito inaalis ang tingin sa kanya kahit na medyo malayo ang puwesto niya sa ibang guests.

"Nais ko pong ipalaam sa inyo ang tungkol sa plano kong pagpapakasal sa babaeng masasabi kong nais kong pag-alayan ng pag-ibig ko para sa kanya. And I would like to formally announce the name of the girl I want to marry," anunsyo nito na labis na nagpawindang sa utak niya.

Khea was left speechless after that. Speechless, shocked and worst of all... broke. Of all things na gugustuhin niyang marinig ngayon, hearing Phrinze's plan of marrying wasn't among them. She wanted to cry hard dahil sa totoo lang ay hindi niya kayang tanggapin na magpapakasal na si Phrinze sa ibang babae. That announcement of his had definitely shattered her already broken heart to tiny pieces. At dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang maayos matapos niyon, nagdesisyon na lamang siyang umalis sa lugar na iyon. Lalo lang kasi siyang pahihirapan ng kanyang puso kapag nagtagal pa siya sa lugar na iyon.

With a heavy heart, she stood up from her seat and hurriedly left that place.

HINDI PA man lubusang nakakalabas ng gate ng mansion si Khea ay naramdaman niya ang paghawak ng isang kamay sa braso niya, saka siya pinihit paharap sa taong pumipigil sa kanya.

"Khea, please. Huwag ka naman munang umalis," pakiusap ni Phrinze nang magkaharap na sila.

Saglit lang siyang natigilan nang ma-realize niyang ang binata ang pumipigil sa kanya na umalis. Kaya naman nagpapapalag siya mula sa pagkakahawak ni Phrinze. But then he wouldn't let her go. Pero bakit? Wasn't he getting married? Bakit pa siya pinipigilan nitong umalis? Para ipamukha nito sa kanya na wala na siyang dapat na asahan dito?

"Bitiwan mo ako!" asik niya rito.

"Please just listen to me, Khea," pakiusap nito sa kanya. Ngunit nagpipilit pa rin siyang kumawala mula rito. At dahil dito ay napilitan si Phrinze na gawin ang isang taktikang alam nito para lang matahimik siya. Sa isang iglap ay nahagip nito ang ulo niya at mariing hinagkan ang mga labi niya na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawang iyon ni Phrinze pero kahit biglaan ay walang dudang nagugustuhan niya. The kiss was definitely possessive yet passionate and full of... love and care that she also felt during the first time he kissed her. That made her shiver and because of overwhelming emotions rushing inside of her, she closed her eyes and let her tears streaked down her cheeks. And after moments of not resisting, she let Phrinze deepened the kiss as he pulled her close.

Ang binata ang unang tumapos ng halikang iyon at agad siyang tiningnan sabay haplos sa pisngi niya. She opened her eyes nang maramdaman niya ang haplos nito.

"Hinayaan kitang sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin sa akin doon sa cove. This time, let me tell you everything I wanted to say," anas nito habang yakap-yakap ang baywang niya.

Wala siyang sinabi dito. She guessed it's time na dapat ay magkalinawan na sila ng binata gaano man kahirap para sa kanya na marinig ang nais nitong sabihin.

"I'm sorry that I haven't talked to you for the past two weeks dahil gusto ko munang pag-isipan ang lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko. After you told me everything at the cove, na-realize ko kung gaano ako katanga na hinayaan kong manatiling walang kulay ang buhay ko for the past two and a half years." Nagtatanong ang mga tinging ipinukol niya rito. "You might not believe what I'm going to tell you right now. Pero gusto ko sanang malaman mo na hindi ako aalis papuntang States na hindi ko kasama ang babaeng mahal na mahal ko na at gusto kong mahalin at pagsilbihan habangbuhay. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi napapasaakin ang babaeng mahal na mahal ko—mas mahal ko nang higit pa kay Norina."

"W-what are you trying to—"

"Hindi ako aalis sa Isla Marino na hindi kita kasama, Khea," he straightforwardly said. And that definitely gave her the shock of her lifetime. Kung gayon ay siya ang babaeng nais nitong pakasalan.

He's not joking, is he?

"Y-you don't know what you're saying, Phrinze..." tanging nasabi niya kahit gusto nang mag-umalpas sa tuwa ang puso niya dahil sa narinig mula rito. Hindi siya makapaniwalang mahal siya nito at siya ang nais pakasalan nito. Pero nag-aalangan pa rin ang isang bahagi ng puso niya kung paniniwalaan nga ba niya nang tuluyan ang sinabi nitong iyon. Up to this moment, ayaw na niyang umasam ng imposible dahil walang dudang triple pa ang sakit na maaari niyang maranasan kapag ginawa niya iyon.

"Seryosong-seryoso ako sa mga sinabi ko, Khea. Never in my whole life that I've been this serious. Alam ko na mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo. Not because Norina requested it on her deathbed but because that's what my heart had ever wanted magmula nang ma-realize ko na mahal na kita bago pa man bumalik si Norina sa isla."

She frowned at his confession. "W-wait... What do you mean by 'Norina requested it?'"

Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita. "The day she dies, she told me that I should make you love me... not for her sake but yours. Napansin kasi niya na unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa kanya—ang pagmamahal ko para sa kanya magmula nang umalis siya papuntang Amerika. Sinadya daw niyang huwag tayong kontakin for the whole three weeks na nasa Amerika siya dahil nais niyang samantalahin daw natin ang pagkakataong magkamabutihan tayo. So that if she would leave this world sooner than she thought, at least may progress na daw ang relationship natin at hindi na ako mahihirapang ibaling sa iyo ang pagmamahal ko kay Norina."

She was definitely left speechless by that revelation. Kung gayon ay hindi lang siya ang pinakiusapan ni Norina about 'make my boyfriend fall in love with you' issue. Pati rin pala si Phrinze. Pero may palagay siyang ang hiniling nito sa binata ay 'make my bestfriend fall in love with you.' Without realizing it, she sobbed in Phrinze's chest and let her tears freely flow. Hindi niya inakalang ginusto pa rin ni Norina na maging maligaya siya sa piling ng lalaking mahal na mahal niya. Marahil ay alam na nitong kay Phrinze lang siya magiging masaya.

Muli siyang ikinulong nito sa mga bisig at mariing hinagkan ang buhok niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "I'm sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo ang tungkol dito. Pero pakatatandaan mo na hindi kita minahal nang dahil lang sa hiling iyon ni Norina. Minahal na kita bago ko pa ma-realize iyon at bago ko pa nalamang mawawala na si Norina sa buhay ko. Kaya siguro sa iyo ako madalas na magsabi ng mga problema ko, sa iyo ko lang nasasabi ang totoong saloobin ko. I unconciously let you enter into my heart, Khea. At hinayaan kong sakupin mo iyon bago ko pa pinilit ang sarili ko na kalimutan ang feelings ko para sa babaeng una kong minahal."

Napatingin siya rito. "If it's true na mahal mo ako, then why did you leave me two and a half years ago?"

"Gaya ng nasabi ko sa iyo noon pa, kailangan kong hanapin ang sarili ko. And for me to do that, kinailangan kong lumayo at pilitin ang sarili ko na kalimutan ang feelings ko para kay Norina. At nagawa ko naman kahit papaano. But that didn't made me forget my promise to her and to myself na gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ako. Nais ko lang munang palayain ang sarili ko bago ko magawa ang ipinangako ko.

"Kaya nang ipagtapat mo sa akin na mahal mo ako, you have no idea how extremely happy I was. But then I was hurt nang sabihin mo rin na gusto mo nang pigilan ang sarili mo na mahalin ako. Para akong pinatay nang ilang ulit nang sabihin mo iyon. Kaya nga kinuntsaba ko ang Mama't Papa ko na mag-arrange ng isang party dahil desperado na akong sabihin sa iyo ang lahat. Alam mo bang sugal na itong ginagawa kong pag-a-announce na ikakasal na ako kahit hindi pa ako nagpo-propose sa babaeng pakakasalan ko? Kung hindi ko pa nabasa iyong tulang ginawa mo, hindi pa ako maglalakas-loob mag-propose sa iyo nang ganito."

"T-tula? A-anong tula?" naguguluhang tanong niya.

Mula sa bulsa ng pantalon nito ay may kinuha itong nakatuping papel at iniabot sa kanya. At nanlaki ang mga mata niya nang malamang ang tulang tinapos niya two and a half years ago ay napunta sa mga kamay ni Phrinze. Saka siya muling napatingin rito. Kahit tumutulo pa rin ang mga luha niya ay napangiti siya. She never realized that he would go this far para lang masabi sa kanya ang totoong nararamdaman nito.

Agad niyang nalimutan ang bigat na nararamdaman niya kanina lang. But before she could even say anything else, she saw Phrinze kneeled down on one knee and laid out his confession while holding her hand.

"Khea Castillianes, will you marry me?"

Everybody was stunned, but nobody was more shocked than her. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito. Not only was his revelation of his feelings for her was surprising, his request for her hand in marriage was even more shocking. She clutched her chest, to where her heart was and felt it. It was beating rapidly. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras nang mga sandaling iyon at ang lahat ay panaginip lang.

Ngunit nang makita niya ang emosyong nakapaloob sa mga mata nito, maging ang hindi agad mahahalatang tensiyon at kaba sa mukha nito, noon lang niya nasigurong hindi iyon panaginip. She knelt down and without warning, she hugged him as her eyes were filled with tears.

"Yes, I'll marry you, Phrinze. God! You have no idea how many times I've wished for this day to come true," aniya habang umiiyak at yakap-yakap ang binata.

Gumanti ng yakap sa kanya at iginiya siya upang tumayo. "I love you, Khea," bulong nito sa kanya.

"I love you, too. You have no idea how much," saad niya at inilayo niya ang sarili dito bagaman hindi siya pinapakawalan nito.

And with hearts overwhelmed with so much happiness, Phrinze leaned closer. The newly-blossomed couple sealed that agreement with a passionate, soulful kiss. Wala na silang pakialam sa mga bisita ni Phrinze na humihiyaw at nagpapalakpakan sa paligid nila matapos ang confession ng natitirang bachelor sa mga Valencia.

Thank you, Norina... she said as she responded to Phrinze's kiss with so much love.

They now have each other. And they love each other.

What more could they ask for?

THE END

No comments:

Post a Comment