MAHIGIT tatlumpung minuto nang naroon si Rianne sa recovery room at pinagmamasdan ang walang malay na si Alex. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang paniwalaan ang mga katagang sinambit nito kanina bago dumating ang ambulansiya sa building.
Nalaman niya mula kina Jett, Francis at Cedric na si Rachel nga ang may pakana ng mga pananakot sa kanya. Ayon sa mga ito ay stalker ni Alex ni Rachel mula pa noong high school at kalaunan ay naging lover ni Daniel. Noon lang niya nalaman ang tungkol sa prison break na naganap kung saan isa si Daniel sa mga nakatakas kasama si Rachel. Nalaman rin niya ang sinapit ng una sa shoot out na kinasangkutan nito. Huli na nang malaman nilang nakarating na sa San Rafael si Rachel at hina-hunting siya. Sa tulong ng isang tauhan ng agency na nagkataong nagko-coffee break malapit sa bui;ding ay nakatawag ito ng back-up. Subalit hindi pa rin napigilan ng mga ito ang pagkakabaril ni Rachel nang dalawang beses kay Alex.
Si Alex ang sumalo ng dalawang bala na dapa sana'y tatama sa katawan niya. Hindi niya naiwasang panghinaan dahil sa nasaksihan. Bulagta sa sahig si Rachel matapos itong paputukan ng tauhang tumawag ng back-up. Nanatili siya sa tabi ni Alex na nagawa pang magsalita kahit sugatan na. Napaiyak siya nang maalala ang mga sinabi nito sa kanya.
"Bakit mo ginawa iyon? Kailan ka pa naging ganito ka-reckless para saluhin mo ang mga baling para sa akin?"
Nagpilit itong ngumiti sa kabila ng pagngiwi nito, marahil ay sa kirot na dulot ng mga sugat nito.
"I don't care if it's recklessness, Lin. Sa tingin mo ba, hahayaan kong mamatay ka sa harap ko?" Napangiwi na naman ito. "I promised I'd protect you, right? I'm just fulfilling that promise, Lin. I have no intention of breaking it."
"Alex..." usal niya at napahagulgol siya nang makita ang pagngiti nito sa kabila ng kirot na nararamdaman. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon, eh. You..." Suminghot siya. "You don't have to risk your life just to fulfill that. Gusto ko pang mabuhay ka."
"Wala akong hindi gagawin... para siguruhin ang kaligtasan mo, Lin. Your safety's one of the most important for me." Nakapikit ito at dahan-dahang huminga. He looked at her and slowly lifted his hand to touch her face. Napaluha siya uli. "Ganoon ka... kahalaga sa akin... dahil mahal kita."
Tila huminto sa pagtibok ang puso niya sa narinig. Did she hear him right? Ito ba ang epekto ng mga sugat na tinamo nito dahil sa mga balang sinalo nito? Nagha-hallucinate na ba ito at kung anu-ano na ang nasasabi nito?
"W-what was that again?" hindi makapaniwalang sambit niya habang nakatingin sa nanghihina nang si Alex.
His eyes were shut and the blood was spreading but she didn't care. Binuksan nito ang mga mata at tumingin sa kanya. He smiled weakly that made her broke into tears once more.
"Ang mga sinabi ni Rachel... The words in the painting... It was all true," he whispered yet enough to increase the tempo of her heartbeat. "I've always loved you since we were in high school. It's always been you and no one else."
"Alex, what are you saying?" she managed to utter despite her worries for him. Wala siyang pakialam sa pagwawala ng puso niya dahil sa mga katagang sinambit nito. Hindi siya makapaniwala na maririnig pa niya ang mga katagang iyon mula rito matapos ng mga nangyari.
"I'll love you forever. Para sa iyo ang mga katagang iyon, Lin. Noon ko pa sana gustong sabihin sa iyo iyon. I never had a chance." And then his breathing became ragged. "I can't believe I have to get shot para lang masabi ko ang talagang nararamdaman ko sa iyo."
Gustong mag-umapaw ng puso niya sa sobrang gulat at kagalakan pero mas nangingibabaw ang pag-aalala at takot para sa buhay nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang tingnan kung dumating na ang ambulansiya. Nasaan na ba ang tulong? Bakit ang tagal dumating ng mga ito?
"Alex, just hold on, okay? You can make it," aniya sa kabila ng pag-aalala niya para rito.
"I love you, Lin... and I always will..."
Matapos niyon ay nawalan na ito ng malay. Hindi tuloy niya nagawang sabihin dito na pareho lang sila ng nararamdaman. Dinala sa ospital sina Alex at Rachel pero hindi na umabot pa ng buhay ang huli.
Tumulo na naman ang mga luha niya. Walang kasawaan ang mga mata niya sa pag-iyak lalo na nang inoperahan si Alex. Mahigit tatlong oras din ang itinagal ng operasyon. Si Dra. Olivarez at ang bunsong kapatid ni Alex na si Armand na isa ring doctor sa Rose General Hospital ang nag-conduct ng operation. Sa paghihintay na matapos iyon ay si Allen ang kasama niya na nagkataong kababalik lang galing Maynila. Ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas habang taimtim na ipinagdarasal ang kaligtasan ni Alex.
Gayon na lang ang pagbaha ng relief sa sistema niya nang matapos ang operasyon at nang sabihin ni Dra. Olivarez na ligtas na si Alex at nasa recovery room na. At ngayon nga ay naroon na siya.
Pero sa pagmamasid na ginagawa niya rito ay tila nararamdaman niya ang kirot na siguradong nararamdaman nito kahit wala itong malay. Unti-unting pinipiga ang puso niya. Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong saluhin ang balang dapat sana'y papatay sa kanya kung sakali. Talaga bang ganoon kasidhi ang paghahangad nitong protektahan siya, kapalit man niyon ay ang buhay nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. May parte ng kanyang pagkatao na gustong magdiwang dahil batid niyang ang pagmamahal nito sa kanya diumano ang nagbunsod dito na protektahan siya. Subalit mas nangingibabaw sa kanya ang guilt.
Guilt dahil siya ang dahilan kung bakit ito nakaratay sa kamang iyon ngayon. Oo nga't mahal siya nito pero hindi niya gusto na ang nararamdaman nitong iyon ang magsilbing dahilan ng pagkapahamak nito. Hindi niya iyon kailanman matatanggap. Hindi niya gugustuhing isakripisyo nito ang sariling buhay para lang sa kapakanan niya. It would be the last thing she wanted him to do.
Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay nito.
Hindi siya sigurado kung tama ba ang naiisip niyang gawin ngayong tapos na ang panganib sa buhay niya. Pero iyon ang gusto niyang gawin. Kailangan niyang makapag-isip-isip nang husto. She needed to clear her mind bago niya masabi rito ang nararamdaman niya.
Iyon ay kung may lakas pa siya ng loob na sabihin iyon dito.
Humigpit ang hawak niya sa kamay nito.
"Thank you for everything, Alex. Utang ko sa iyo ang buhay ko. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi mo sa akin—na mahal mo ako at ako lang ang mamahalin mo habang-buhay. You have no idea how long I've waited for you to say it." Muling namasa ang mga mata niya. "Pero kahit ganoon ang nangyari, kailangan ko pa ring gawin ito. Kailangan ko munang ayusin ang takbo ng utak ko. At hindi ko iyon magagawa dito na kasama ka. Sorry..." Garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon.
Dumukwang siya pagkatapos at ginawaran ng isang masuyong halik ang mga labi nito. Hindi na niya napansin ang pagtulo ng kanyang luha sa pisngi nito. Matapos niyon ay lumabas na siya ng silid nang hindi nililingon si Alex. Baka kasi kapag ginawa niya iyon ay hindi na niya magawa ang kailangan niyang gawin.
No comments:
Post a Comment