Friday, June 30, 2017

My Destiny From A Dream - Chapter 2

"ARIES, sino 'yong tumawag sa 'yo?"

"H-ha?" pabiglang napalingon si Aries sa taong nagsalita.

Nakalimutan na niyang may bisita pala siya.

"Sino 'yon? At bakit binulyawan mo?" tanong ni Alexis sa kanya.

Tuesday, June 27, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 8 - Fortune

Parang turista si Kourin sa nangyaring pamamasyal nila ni Raiden. Then again, all they did was walk around, window shop, and go to the amusement park. At the same time, they went to a hidden Shinto shrine.


At first, nasorpresa siya nang dalhin siya roon ni Raiden at makita iyon. Sa loob ng dalawang taong pananatili niya sa bansang iyon ay noon lang niya nalamang may Shinto shrine pala sa lugar na iyon.


"I was supposed to show this place to you two weeks ago. Kaya lang, masyadong maraming nangyari," Raiden said.


Kourin frowned at what he said. "A lot happened? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Sunday, June 25, 2017

Yuna's Tulip: Believe In Me - Chapter 4

CHAPTER 4

WALANG salitang namagitan kina Yuna at Jerricko habang sabay na naglalakad pauwi sa bahay niya. Ilang beses nang pinakiusapan ni Yuna si Jerricko na huwag na siyang ihatid at abalahin pa ang sarili nito sa paghatid sa kanya. Pero sadyang makulit talaga ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para lang paalisin na ito. Of course, she didn't want to be rude to him who dedicated his time just to escort her home.

Pambihira naman kasi si Mirui. Kailangan ba talaga nitong pakiusapan si Jerricko na bantayan siya kahit sabihin pang pumayag din si Lexus? Kung minsan talaga, hirap siyang sakyan ang iniisip ng kaibigan niyang iyon.

"Alam mo, mapapanisan ka ng laway sa pagiging tahimik mo. I'm still here. Nag-e-exist ako rito sa tabi mo, baka nagkakalimutan tayo," ani Jerricko na bumasag sa kanina pa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.

Kahit ayaw niya ay napangiti siya. Nag-iwas siya ng tingin at kinagat ang mga labi para lang hindi matawa.

Friday, June 23, 2017

My Destiny From A Dream - Chapter 1

"MA'AM Elena, may bisita po kayo na naghihintay sa labas. Si Ma'am Angela po," wika ng sekretarya niya mula sa intercom.

"Send her in, Kate."

"Sige po." Iyon lang at wala nang tumawag sa kanya.

Nagtataka siya kung bakit bigla-bigla naman yatang napasugod sa boutique niya ang kapatid. Dati-rati kasi ay hindi ito nagagawi sa boutique maliban na lang kung may kailangan talaga ito sa kanya.

Wednesday, June 21, 2017

The Race And Your Pace

So, this was a post for Day 4 of the IG challenge. The second to the last day. I had fun posting most of them, even though I know I ended up posting photos with seriously long captions (or not exactly that long). Before any of you would ask, this post's title has something to do with what I read from one of the photos posted for this IG challenge. But we'll get to that later.

Tuesday, June 20, 2017

Behind-The-Scenes

Day 3 of #daretoshareIGchallenge... and I was late for posting the morning photo for the first time. I don't know why I felt like that, though. I mean, I never cared about my time in posting photos in Instagram before. Or maybe because I was just that excited to post it, huh?

So the theme for Day 3 photos are BTS. Fun BTS, as Ms. Arriane emphasized it. But seriously, I have to admit that my life is a little boring, considering the fact that I was living an almost hermit-like life. Haha! Just kidding. I'm not a complete hermit. But I really prefer to stay at home and write, think of what to write, and think of ways to have a progress on my writing projects. But we'll get into that later. Okay?

Monday, June 19, 2017

Inspiration

Hey, there! How are you all doing? I hope you're all doing great today. Or if not, try to do something that will make you forget those sad or bad things that had ever happened today. Try to become an inspiration to those who can't think of what to do to get out of that zone of sadness or gloominess.

At least, little by little, as an aspiring writer, I try to.

So what's with the title? It's still about the #daretoshareIGchallenge I joined to. This is the 2nd day of posting photos for that challenge. As usual, two or more photos would be posted at 9-10 am and 9-10 pm.

Sunday, June 18, 2017

My Thoughts This Father's Day

Honestly speaking, I don't know how to start expressing my thoughts, anything that has something to do with my father. It's been a really long time since then for me. I don't have many memories about my father, with exceptions to class recognitions and graduations that he attended and went to with me and my sisters.


So, here. This is just one of the few photos I had that has me and my father in it. My graduation day. Months after that, things really started to get rough for all of us. Before I knew it, my parents separated. Maybe not official and legal yet, but you get the picture. Endless fights and resentments of things that had happened in the past and supposed to have been forgotten and just let it go made it all worst. Both of my parents are prideful people. No questions asked, that's the truth. Even as days passed, I could really see that.

Even so, I'm still glad that I have a father like him who respected and (over)protected his four daughters so much. Whenever I see and read news about fathers murdering, molesting, or even raping their own daughters, this thought continues to run in my mind. That I'm glad my father isn't like that. We might have disagreements (lots of them, I might add). But at the end of the day, my respect for him is still there.

I've given him (and even more to my mom) many disappointments. I guess, until now, I'm still giving him that. But if you're going to ask me, I'm not going to trade my father for anything else. I might not be (quite) devoted to him as I was to my mom. But he's still my one and only father. Sorry will never be enough to compensate for all the bad things we did and said to each other. But I love him. I hope that, even though I don't say it often, it will still reach him.

I love you, Papa! And Happy Fathers' Day, as well!

Bigger Goals, Huh?

Hey, guys! How are you? Are you all doing well? I really hope you all are. I know today is Fathers' Day, and I should be posting about that. But I'll post something about that later. This one is a different topic.

So yesterday was the start of posting photos in IG for the #daretoshareIGchallenge. I know that it's not going to be easy for me since I just post photos there randomly. Whenever I feel like it. But I want to try things, at least do them one step at a time. So in the next coming days, I might post photos here as well that I posted in my IG account. Maybe that would really help me recall and realize my bigger goals in life.

And trust me, there's a lot of them. Hehe!

Friday, June 16, 2017

A Really Long Rant

WARNING: This is a long post. And I mean really long since umabot lang naman ito ng 2 pages nang i-type ko ito sa MS Word. Font style: Calibri, font size: 11. Haha! Grabe, in-elaborate pa talaga ang ginamit na font style at size, `no?

= = = = = =

Nakakairita! Sa totoo lang. Masyado na bang dumarami ang mga taong walang magawang matino sa mga buhay nila at pati ang nananahimik na buhay ng ibang tao, pinapakialaman at tinatangka pang sirain? Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na hindi ako masyadong nagre-react kapag ako ang pinapakialaman nila o nilalait nila. Hanggang kaya kong manahimik para lang walang gulo, gagawin ko. Ganoon ako. Pero kapag ang nanay ko o ang mga kapatid ko na ang tinira nila, aba! Ibang usapan na ‘yan, ah.

Tuesday, June 13, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 7 - New Life

Two years later...

"WOW... 'Di ko man lang akalain na ganito pala kalaki ang Skyfield University."

"Ngayon ka lang nag-react nang ganyan, samantalang dalawang taon ka nang nag-aaral dito."

Napasimangot na lang si Kourin at saka niya hinarap ang nagsabi n'on. "Grabe ka naman, Ami. What I meant was the space na sakop ng college department. Alam mo namang bawal magpunta rito ang mga taga-high school department maliban na lang kung may kailangan ka sa isa sa mga professors dito."

Ngumiti lang si Amiko at saka ginulo ang buhok niya. Hindi pa rin nawawala ang pagsimangot niya nang hawiin ang kamay nito sa ulo niya. Nakakainis lang. Ang hilig guluhin ng mga ito ang buhok niya.

Sunday, June 11, 2017

Yuna's Tulip: Believe In Me - Chapter 3

CHAPTER 3

"HIMALA yatang napapadalas ang pagpunta mo rito, Yuna," bungad sa kanya ni Lexus nang makita siya nitong papasok sa closed court nang araw na iyon.

May isang linggo na rin ang nakalipas mula nang ibalik sa kanya ni Jerricko ang charm bracelet niya. Pero hindi pa rin niya ito nagagawang pasalamatan sa ginawa nitog iyon. Hindi naman kasi niya alam kung paano gagawin iyon nang hindi naiilang o nakakaramdam ng 'di maipaliwanag na kaba sa tuwing makikita ito.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nangyayari sa kanya dahil lang nakikita niya si Jerricko. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Gusto na talaga niyang kainisan ang sarili niya dahil hindi pa rin nawawala ang takot na matagal nang namuo sa kanyang pagkatao mula nang mapahamak siya. Pati ang ibang taong wala namang kinalaman sa nangyari sa kanya noon ay nadadamay sa takot niya.

"Gusto ko lang pong kausapin si Jerricko kung okay lang po," nag-aalangang tugon niya na nagpahinto naman kay Lexus sa pagpasok sa closed court. Kapagkuwan ay nagtatakang tumingin ito sa kanya. "B-bakit po?"

Friday, June 9, 2017

My Destiny From A Dream - Story Description

Sa panaginip unang nakilala ni Elena si Aries Valencia. At kabaliwan mang masasabi ay minahal niya ito. Ang hindi niya nalalaman, nag-e-exist sa tunay na buhay ang lalaking nasa panaginip. At dahil dito ay nagbigay ito ng pag-asa sa kanyang puso na sila'y magkakalapit at umaasang mamahalin din siya nito.

Subalit ang hindi niya napaghandaang malaman, isa si Aries sa mga nakakaalam ng susi sa lihim ng dalawang angkan. At alam niya na manganganib ang buhay nito 'pag nagkataon.

Saan hahantong ang lihim na pag-ibig ni Elena para kay Aries? At magawa kayang iligtas ng pag-ibig na ito ang buhay ng binatang makapaghahatid sa kanila sa anumang may kinalaman sa sikreto ng dalawang angkan?

xxxxxx

Date started: July 19, 2008
Date finished: ❎

Love story of Elena dela Vega of the Dela Vega (Red Rose) clan and Aries Valencia.

Thursday, June 8, 2017

A Super Sentai Fanfiction Plot

Okay. So since I started posting my Super Sentai story on both my Tumblr and Wattpad accounts, I decided to post this particular fanfiction featuring Seitenger and one of my favorite Super Sentai series, Kyoryuger that's been in my mind (and in my flashdrive) for a long time now. Now, I know I only posted two of the episodes for Seitenger. But what you're about to read here will contain some spoilers on how the series will run, despite the timeline of this particular fanfiction taking place several months after Seitenger's finale.

Here's how the fanfiction goes:

Tuesday, June 6, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 6 - Stringed Bracelet

KINABUKASAN na ang flight nila patungong New Zealand pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makatulog si Seiichi. Mag-aala-una na ng madaling araw pero dilat pa rin ang mga mata niya at sa kung saan naglalakbay ang kanyang isipan. Pero ano pa ba ang bago? Mula pa yata nang umalis siya sa Kyoto ― sa tahanan ng mga Shinomiya kung saan limang buwan din siyang namalagi ― ay ganoon na ang nangyayari sa kanya. Lumala pa iyon nang mabalitaan niya ang nangyaring pag-atake sa mansyon at nalaman niyang walang nakaligtas sa mga kaibigan niya.

Sino pa ba ang makakatulog nang maayos dahil nangyari ang mga iyon?

"Mukhang hanggang sa huli, pag-iisipin n'yo pa rin akong magkapatid..."

Ilang beses na niyang naging biro iyon kina Hitoshi at Kourin noon. Pero nakapagtatakang nginingitian lang siya ng mga ito, na para bang may pinaplano ang magkapatid tungkol sa kanya. Pero kung siya ang tatanungin, si Hitoshi lang ang alam niyang may kakayahang gawin iyon. Kourin was a little pampered young lady and even though trained in combat, she wasn't forced to put those trained skills to use.

Sunday, June 4, 2017

Yuna's Tulip: Believe In Me - Chapter 2

CHAPTER 2

"ANO kaya ang nangyari roon?" naitanong na lang ni Jerricko sa sarili habang pinagmamasdan ang mabilis na paglisan ng babaeng nakabangga sa kanya. Alam niyang hindi sinasadya iyon dahil parang may iniiwasan ito. O baka may kinatatakutan.

Napakunot siya ng noo sa huling naisip niya. Pero kung iisipin niya nang maayos, parang ganoon nga ang napansin niya. Kahit saglit lang niyang naramdaman, agad niyang napuna ang panlalamig ng babaeng iyon. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang takot na nasa mga mata nito nang tingnan siya bago yumuko para humingi ng pasensiya sa nagawang pagbangga sa kanya.

That was the first time he saw Yunara Limietta—nicknamed Yuna—like that.

Siyempre, kilala na ang babaeng iyon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa mga elite female members ng SGS na Imperial Flowers? The group's members were, no doubt, the examples of beauty, brains, and talents combined. Ilang beses na niyang nasaksihan ang kakayahan ng mga ito kaya hindi na nakakapagtaka na maging representative ang mga ito ng Alexandrite University. Pero alam din niya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas ang loob ng mga ito.