Saturday, December 31, 2016

To The Irreplacable One I Love 10 (Final) - The Final Gift For The Future

PARANG wala pa ring maramdamang anumang hapdi at sakit si Yrian kahit ginagamot na ni Deneel ang tama ng baril na nakuha niya. Sa tingin niya ay biglang namanhid ang kanyang katawan sa dami ng mga nangyari. Ang mga nalaman niya kay Heidi, ang mga ipinagtapat sa kanya nina Deneel at Raiden tungkol sa tunay niyang pagkatao, maging ang pag-alis ni Heidi na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unahin.

"Tapos na," untag ni Deneel at iniligpit na ang nagkalat na mga bandages at bulak na nabahiran ng napakaraming dugong nanggaling sa kanya.

Agad niyang inayos ang suot na polo shirt kahit alam niyang mahirap. May isa siyang kailangang gawin sa ngayon. Saka na muna siguro ang matinong paliwanagan kapag naayos na niya ang isang bumabagabag sa kanya.

"Ano'ng plano mong gawin?" tanong ni Deneel na tumayo sa harap niya.

Tuesday, December 27, 2016

I'll Hold On To You 49 - My Turn To Find You

[Relaina]

PAGOD na ako sa pagtakbo, sa totoo lang. Ramdam ko iyon pero hindi ko inalintana. All I wanted to do was to run and run until I finally found that heck of a guy.

Damn it! Naturingan na itong wala sa paningin ko at lahat, ginugulo pa rin ng buwisit na iyon ang isipan ko.

Pero magkaganoon man, aaminin kong hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para rito. It was as if a hand clenched my heart tight every time I would think that he could be in danger that he imposed onto himself. Wala pa man din pakundangan ang lalaking iyon pagdating sa sarili nito. Mas mahalaga rito ang sarili nitong emosyon.

At iyon ang mas malala!

Saturday, December 24, 2016

To The Irreplacable One I Love 9 - The Truth That Everyone Hid

DALAWANG taon man ang lumipas mula nang lisanin ni Heidi at ng kanyang mga kapatid ang lugar na iyon pagkatapos ng ambush, parang wala pa rin siyang nakikitang pagbabago roon. Lahat ng nakikita niya roon ay tulad pa rin ng mga naaalala niya. Mukhang naayos din ang mga nasirang gamit doon, partikular na ang fountain, gate, at front door ng mansyon na pinasabog pa noong salakayin ang lugar. Pero kahit wala na ang bakas ng karahasan sa lugar na iyon, hindi pa rin nawawala sa isip ni Heidi ang mga nawala sa kanya roon.

"Mas malaki yata ang mansyon na tinitirhan mo ngayon kaysa dito," komento ni Yrian na pumutol sa pag-iisip niya.

Agad siyang napatingin dito na sumusunod lang sa kanya sa paglalakad niya. "Matagal na kasi ito. Kahit ilang beses nang i-s-in-uggest na i-renovate ito para magawa pa ring tirhan, hindi pa rin nila ginawa. Ang sabi kasi sa akin, ito daw ang mansyong ipinatayo ng founder ng Monceda clan nang makapag-asawa na siya at humiwalay ng tirahan sa ibang mga kasama niya."

"Humiwalay ng tirahan? Ibig mong sabihin..."

Tuesday, December 20, 2016

I'll Hold On To You 48 - To Have Faith

[Mayu]

“DAHAN-DAHAN lang ng kaladkad sa akin, Andz. Marunong pa naman akong maglakad nang kusa.” Tinangka kong haluan ng biro ang ginagawang paghila sa akin ni Andz nang mga sandaling iyon.

But I knew it was a futile effort. Lalo pa’t hindi ko mapigilang kabahan dahil sa seryosong aura ng lalaking ito. If Andz was already known even before as the serious type, doble pa ang kaseryosohang ipinapamalas nito nang kunin nito ang atensiyon ko.

With that, I already figured out that something serious happened. Kailangan ko lang malaman kung ano iyon.

He stopped pulling me upon reaching the right end of the hallway. Malapit kami sa balkonaheng katabi lang ng fire exit. I saw Andz heaved a heavy sigh before facing me.

Saturday, December 17, 2016

To The Irreplacable One I Love 8 - A Promise To The One I Love

"PAMBIHIRA rin pala ang koneksyon ng pamilya mo, Heidi," naiiling na komento ni Yrian nang makapasok na sila sa mansyon na pag-aari ng isa sa mga kasamahan niya sa Eight Thorned Blades na si Zandrix Valencia.

Ito ang may-ari at kasalukuyang namamahala sa Hacienda Valencia, ang hacienda na ipinamana rito ng Lola nito. Ito ang isa sa pinakiusapan ni Louie na magbantay sa kanya habang naroon siya sa Cebu para gawin ang misyon niya.

Natawa na lang siya at nilapitan si Zandrix. "Salamat, Kuya Zandrix. Hindi ka na sana inistorbo ni Kuya Louie sa ganito. Alam ko namang busy ka sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay rito sa hacienda n'yo."

"Walang problema sa akin iyon, Miss Heidi. Na-miss ko rin namang ma-assign sa mga misyon. Alam mo na, medyo tahimik dito sa hacienda."

Tuesday, December 13, 2016

I'll Hold On To You 47 - Reason To Worry

[Relaina]

ONE finger tapping my cheek habang nakapangalumbaba. And then biglang mapapabuntong-hininga. Bakit para na naman akong timang kung maka-emote ngayon? Yes, considered emote pa rin ito para sa akin. Dahil first and foremost, wala akong kinakausap. Second, muntik ko nang hindi mai-concentrate ang utak ko sa klase. Third, kulang na lang, lahat ng mga makakasalubong ko ay tarayan at angilan ko.

Hindi pa rin ba considered pag-e-emote iyon?

Looking outside the window ang drama ko ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko talaga, tinatamad akong gumawa ng kahit ano sa mga sandaling iyon. Hindi naman ako ganoon… at least, usually. Parang bigla akong nakaramdam ng panghihina na hindi ko maintindihan.

Marami ang nagtatanong kung bakit ako nagkakaganoon. Pero mas marami pa ang mga nag-conclude ng mga posibleng dahilan. I hated to say it pero… isa yata sa mga dahilang pinagsasasabi ng mga iyon ang totoo.

Saturday, December 10, 2016

To The Irreplacable One I Love 7 - The True Meaning Of Her Dream

"HANGGANG kailan ninyo planong itago sa akin ang totoo?" nakapamaywang na bungad ni Heidi kina Raiden at Tristan nang maabutan niya ang dalawang iyon sa sala ng mansyon nang umagang iyon.

Hindi na siya nagulat na makita ang mga ito roon dahil weekend naman at wala silang pasok. Wala naman siyang pinatrabaho kay Tristan kaya halos beinte-kuwatro oras ay nakabantay ito sa kanya roon. Ilang araw na ang nakalipas mula nang huli nilang makita si Elliot at wala namang sumunod na mga pangyayaring posibleng maglagay na naman sa kanila sa kapahamakan.

Todo rin ang ginawang pagbabantay ni Deneel kay Yrian pagkatapos niyon. Ayon na rin sa branch pillar ng fourth branch ng Monceda clan kung saan kabilang ang kaibigan niyang iyon, oras na para gampanan na nito ang tungkulin nito bilang isa sa dalawang shadow guardian ni Yrian. Nagulat siya nang malamang dalawa pala ang inaatasang maging shadow guardian ng mga nagiging leader ng Monceda clan.

Hindi niya alam ang tungkol doon. Kunsabagay, wala naman kasing sinasabi sa kanya si Tito Alejandro. Isa pa, hindi rin naman siya nagtanong dito ng tungkol sa bagay na iyon.

Tuesday, December 6, 2016

I'll Hold On To You 46 - My Date

[Relaina]

NARIRINIG ko pa rin ang pagtatapos ni Brent sa pangalawang kanta nito kahit naroon na ako sa bleachers sa soccer field at nakaupo. Sa lakas ba naman kasi ng volume ng speakers sa entrance ng gym, talagang maririnig ko pa rin iyon. Buntong-hininga na naman ang itinugon ko sa pagtatapos ng kanta.

Himala talaga na hindi kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang tinig nito. Kunsabagay, wala naman akong dapat na ipagtaka. Hindi naman para sa akin ang kanta. It was for Brent's special girl.

Whoever she is… At tiyak kong hindi ako iyon.

Nanatili pa ako roon ng mahabang sandali habang wala sa sariling pinagmamasdan ang soccer field. The place was field with happy students; most of them were couples who were obviously in love with each other.

Saturday, December 3, 2016

To The Irreplacable One I Love 6 - Revelations And Unexpected Confession

HINDI mapakali si Heidi habang pinagmamasdan si Yrian na may pag-aanalisang nakatingin sa painting na gusto nitong maita. Ginawa nila iyon nang araw matapos nilang maramdaman na may nagmamasid sa kanila sa fastfood restaurant. Wala pa silang pinagsasabihan tungkol sa bagay na iyon.

Pero sigurado siya na hindi na lingid sa mga kapatid niya ang pangyayari. Kahit wala si Tristan sa tabi niya o sa paligid, alam niya na may lihim pa ring nagbabantay sa kanya, sa kanila ni Yrian.

"Uy, magsalita ka naman. Lalo akong ninenerbiyos sa pagiging tahimik mo, eh," untag niya sa binata.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ito tumingin sa kanya. "Iisa lang naman ang posibleng interpretasyon ko rito sa painting mong ito. Pero may ipinagtataka lang ako. Paano mo nalalaman na ang eksenang iyon sa panaginip mo ang ipipinta mo?"

Tuesday, November 29, 2016

I'll Hold On To You 45 - Valentine's Day

[Relaina]

“BAKIT BA kailangan pang dumating ang Valentine’s Day? Nakakawalang-gana tuloy,” tila nababagot na reklamo ko na lang habang papasok kami ni Mayu sa school gym ng Oceanside.

Pero ang bruhilda kong pinsan, tinawanan lang ako.

Kasabay ng Valentine’s Day ang School Festival ng unibersidad na tumatagal ng isang linggo kaya naman kabi-kabila ang activities at booths ng bawat colleges, school departments at clubs. Unang araw iyon ng school festival at nagkataong tumapat sa Araw ng mga Puso.

Wala naman sanang problema sa akin ang nasabing okasyon. Kaya lang—

Saturday, November 26, 2016

To The Irreplacable One I Love 5 - More Questions Emerging

"AT TULALA na naman ang mahal naming prinsesa."

Sapat na ang mga salitang iyon para magbalik ang isip ni Heidi sa realidad. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang nakapameywang si Cielo sa harap niya habang nakapangalumbaba naman sa magkabilang gilid niya sina Raiden at Deneel. Noon lang niya naalala na nasa canteen nga pala silang apat para mananghalian.

Bumuntong-hininga na lang siya at itinuloy ang kinaligtaang pagkain.

"Si Yrian na naman ang panggulo sa isip mo. Tama?"

Tuesday, November 22, 2016

Bigla akong napaisip habang sinusulat ang story ni Heidi. Since ibang-iba na ang TBC kahit sabihin pang based sa original concept ng TLSOTE, may itinanong ako sa sarili ko.

Sa mga protagonist na pinatay ko sa Book 1 and 2 ng TLSOTE (kahit sabihin pang wala pa sa kalahati ang Book 1 at non-existent pa ang Book 2), I was wondering kung sino ang bubuhayin ko at magkakaroon ng sariling love story sa TBC.

Just a small note: The names I'm going to post here were the names from TLSOTE and after the slash, the names on its TBC counterpart. Okay?

Saturday, November 19, 2016

To The Irreplacable One I Love 4 - Let Me Help You

"GRABE siguro ang ginagawang panggugulo ng kapatid ko sa isip mo, 'no? Umaasta ka na namang bodyguard diyan sa labas ng painting room niya," salubong ni Louie kay Yrian  nang maabutan siya nito sa labas ng painting room ni Heidi na nakatayo lang.

Maghahating-gabi na pero hindi pa rin magawang makatulong ni Yrian. Patuloy lang siya sa pagkastigo sa sarili dahil sa mga pinagsasabi niya kay Heidi sa poolside. Kasabay niyon ay ang pag-aalalang nararamdaman niya para rito. Halata ang pagkabagabag nito pero wala naman siyang magawa para tulungan ito. Matinding pagpipigil ang kailangan niyang gawin para huwag lang hawakan ang kamay nito at hilain palapit sa kanya upang yakapin. Isa pa, wala naman siyang karapatang gawin iyon.

"Kumusta na si Heidi? Nakatulog na ba siya?" sa halip ay tanong niya kay Louie.

Nagkibit-balikat lang ang kaibigan niya. "Ikaw na rin ang nakarinig kanina. May bumabagabag sa kanya. Kaya malabong tulog na siya sa mga oras na 'to."

Tuesday, November 15, 2016

I'll Hold On To You 44 - Hazelnut Coffee

[Relaina]

IF THERE was one thing that I truly cherished the most whenever I would go to the library and decided to stay there, it was the silence in one particular corner. Well, gusto ko lang talagang tumambay doon. Pero hindi naman ako maikokonsiderang bookworm sa ginagawa kong pagtambay sa lugar na iyon. Lalo na kapag vacant period ko.

Gusto ko lang talaga ang katahimikan sa lugar na iyon, lalo pa’t kailangan ko iyon para makapag-internalize ako. Sa mga sandaling iyon ay pinipilit kong ituon ang atensiyon ko sa assignment na kailangan kong tapusin nang wala na akong pinoproblema pag-uwi ko sa bahay.

Pero nakakabuwisit lang talaga!

Sa kabila kasi ng kagustuhan kong mag-internalize nang sa gayon ay magawa kong makapag-concentrate, ang isip ko naman ang nagiging pasaway. Heto nga’t sumasagi pa rin sa isipan ko ang mga nangyari two days ago sa classroom. That event was truly a heart-pounding one.

Saturday, November 12, 2016

To The Irreplacable One I Love 3 - A Question Of Relation And Identity

"ANG lalim ng buntong-hininga natin, ah. Wala ka na bang planong bumuntong-hininga kinabukasan?"

Buntong-hininga lang ang naging tugon ni Yrian sa sinabing iyon ni Louie. Naabutan siya nitong naglalakad-lakad sa poolside na tila wala sa sarili. Ilang oras na rin ang nakalipas matapos nilang mag-usap ni Heidi. Pero hindi pa rin natatanggal sa isipan niya ang naging sagot nito sa tanong niya.

"Si Heidi nga pala? Nandoon ba siya ulit sa painting room?" sa halip ay naitanong niya. Huli na nang maisip niyang baka kung ano ang isipin ni Louie doon.

"Gusto raw niyang ubusin ang buong araw niya ngayon sa pagtapos sa painting. Final touches na lang naman yata ang kailangan niyang ilagay roon at tapos na iyon."

Tuesday, November 8, 2016

I'll Hold On To You 43 - Sweet William

[Relaina]

MABILIS na lumipas ang panahon pagkatapos ng Christmas Ball na iyon. Para sa iba, oo nga at naging mabilis iyon. Pero para sa akin, ni hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw.

Paano ba naman kasi? Lutang yata ang utak ko pagkatapos ng event na iyon. Kaya heto, hindi ko nagawang i-enjoy ang naging pagdaan ng Pasko at Bagong Taon. Walang tigil na ginulo ng buwisit na halik na iyon ang utak ko.

For the second time, hinalikan ako ng buwisit na kamoteng mokong na ‘yon. At wala man lang akong nagawa para pigilan pa ito. I was petrified, I couldn’t even believe it! Pero ang hindi ko lubusang mapaniwalaan ay ang makita ang hindi ko maipaliwanag na lungkot sa mga mata ni Brent pagkatapos ako nitong halikan. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang makita iyon.

Even his usually charming smile was laced with the same emotion. After that, he left me there without a word.

Saturday, November 5, 2016

To The Ireplacable One I Love 2 - The Desire To Solve Your Mystery

"MAY sakit ka ba, Heidi? Bakit wala ka yatang ganang kumain ngayon?"

Natuon ang atensyon ni Heidi sa ate niyang si Mari na katabi niya sa dining table nang gabing iyon. Maagang umuwi ang ate niya galing sa opisina dahil kanina pa raw ito hindi mapalagay roon. Nang tanungin niya ito kung bakit ganoon, hindi rin daw nito alam ang dahilan. Kasabay niyang naghahapunan si Louie at pati na rin ang kaibigan nitong si Yrian.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya matingnan sa mga mata ang lalaking iyon. Hindi pa rin nawawala sa isipan ang nangyari nang nagdaang araw sa painting room. Ngayon lang sila nagkasabay na kumain ng hapunan sa kagustuhan na rin ni Mari.

"Wala akong sakit, Ate. Puyat lang ako. Hindi ko pa kasi natatapos 'yong painting ko, eh."

Wednesday, November 2, 2016

Book/Story Comment: “Familia Sagrada: Clairlyse Luna” by Destiny Croix

May ilang linggo na rin nang matapos kong basahin ang gothic romance na ito sa FB. Yes, doon ko lang po ito nakita. Actually, ito rin ang unang pagkakataon na nakabasa ako ng isang gothic romance in any language. In fact, wala pa nga akong binabasang English gothic fantasy.

Anyway, balik sa isyu.

Inabangan ko talaga ito gabi-gabi, though there were nights na hindi nakakapag-post ang writer dahil sa ilang issues. Sa totoo lang, feeling to talaga, nabitin ako. Nagulat na lang ako, nang mabasa ko ang Chapter 21, the end na. Haha! But I like the mystery and the flow of the story. Hindi ako masyadong aware sa mga creatures sa Philippine folklore like the mysina and sigbin (did I mention this right?). I don’t even know nag-e-exist nga sila.

Tuesday, November 1, 2016

I'll Hold On To You 42 - Formally Ending It

[Relaina]

SA KAWALAN ng direksiyong patutunguhan, namalayan ko na lang ang sarili kong papalapit sa ilalim ng puno ng mangga na madalas kong pagtambayan. Sa pahingahan ko.

Pero hindi naman iyon kalayuan sa venue ng ball. Isang department building lang siguro ang nakapagitan.

Liwanag ng buwan sa kalangitan ang tanging liwanag sa tinatahak kong daan. Sana lang ay walang magkamali sa akin doon na white lady or else, magiging usap-usapan na naman ito sa school. Ang bilis pa man ding kumalat ng mga balita – or should I say, walang katapusang tsismis – sa school na 'yon.

Sa gulat ko, biglang nagliwanag ang puno ng mangga. Pinalibutan iyon ng paper lanterns at Christmas lights. My gosh! Ang ganda. Teka, kasama ba ‘to sa mga set-ups ng student council?

Saturday, October 29, 2016

To The Irreplacable One I Love 1 - Meeting You In The Painting Room

"HINDI ka pa rin tapos diyan sa ginagawa mo hanggang ngayon?"

Tiningnan lang ng masama ni Heidi si Raiden bago muling ibinalik ang atensyon sa ipinipinta. Kaninang tanghali pa siya naroon sa painting room sa College of Arts ng Skyfield University kung saan sila nag-aaral ni Raiden. Iisa lang ang kursong kinuha nila--Business Administration. Palibhasa, lumaki silang dalawa sa kani-kanyang pamilya na mga business-minded. Sa kaso niya, kilala ang Terradenio clan sa mga negosyong may kinalaman sa IT at gadgets. Pero may mga iba pang business sa ilalim ng Terradenio Group of Companies na walang kinalaman sa gadgets at computers.

Pero sa ngayon, ang mga kapatid niya at isa sa mga pinsan niya ang nagma-manage ng mga iyon para sa kanya habang nag-aaral pa siya. Idagdag pa na mas mahirap ang trabahong ipinasa sa kanya ng namayapang ama. Napahinto siya sa ginagawa nang maalala iyon.

"Kung ako sa 'yo, ipahinga mo na lang iyan. Hindi ka ba napapagod na magmukmok dito? Aba'y sumasakit na ang ilong ko sa amoy ng pintura rito, eh."

Tuesday, October 25, 2016

I'll Hold On To You 41 - Beautiful As You

[Relaina]

SA TOTOO lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagpasok namin ni Mayu sa venue ng ball.

Kulang yata ang sabihing nasorpresa ako sa mga nakita ko, eh. Hindi ko rin puwedeng sabihin na nalula ako sa bonggang set-up ng event. Kahit na sa totoo lang, talagang nakakalula sa ganda. Halatang pinagkagastusan. Kahit ang mga foods na nakahain, hindi basta-basta.

“Are we really in the right place, Mayu?” hindi ko napigilang itanong habang inililibot pa rin ang paningin sa itsura ng set-up sa venue. “Hindi ba tayo naligaw sa Christmas Wonderland or anything?”

“Masanay ka nang makakita nang ganito sa university natin, Aina,” nakangiting tugon ni Mayu habang papasok kami sa hall. “Ginagastusan at pinaghahandaan talaga ng student council ang events na tulad nito. Siyempre, gaya nga ng motto nila: ‘Give your best in everything you do.’ This is one proof that they’re really doing their best. At saka special din ang gabing ito para sa karamihan sa atin.”

Sunday, October 23, 2016

Book Comment: "Dare To Love" by C.P. Santi


Ms. C.P., thank you for giving me a chance to read another of your books. So this will be the third one I read that you’ve written and now I could give my (not so) random thoughts about this.

Saturday, October 22, 2016

To The Irreplacable One I Love - Story Description

Matagal nang alam ni Heidi na hindi siya isang ordinaryong tao. Bata pa lang siya ay alam na niyang isa siya sa pinagpipilian na humalili sa kanyang ama bilang leader ng Terradenio clan. Kasabay niyon ay ang tungkuling maging leader din ng grupo ng apat na angkang nasa ilalim ng Eight Thorned Blades. Pero kung may isang bagay talaga na tutukoy sa kanya para sabihing hindi siya ordinaryo, iyon ay ang kakayahan niyang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng kanyang mga painting.

Isa sa mga painting na iyon ang nagbigay-daan para makilala niya si Yrian. Ang mga papuri nito sa kanyang obra, pati ang mga ngiting nag-aalis ng kanyang alinlangan ang ilan sa mga dahilan para maramdaman ng isang hindi ordinaryong taong kagaya niya ang magmahal. Ipinaranas nito sa kanya na may kakayahan din siyang gawin iyon.

Pero hindi ito pupuwede sa mundong ginagalawan niya. Hindi niya masisiguro ang kaligtasan ni Yrian. Lalo na at ang painting na naging daan para magkakilala sila nito ang nagpakita sa kanya ng dahilan para mapahamak ang binatang alam niyang tanging mamahalin niya.

Thursday, October 20, 2016

Release Day Blog Tour: "If The Dress Fits" by Carla De Guzman


Even plus size women deserve their own love story. At least this book told me that. But before I go to that, I owe Ms. Carla an apology for posting this review a bit too late. A lot of things has happened that prevented me from posting this before the release day even though I finished it earlier.Anyway, let’s go back to the discussion.

Tuesday, October 18, 2016

I'll Hold On To You 40 - Make It A Night To Remember

[Relaina]

NAKU PO, heto na naman. Buntong-hininga na naman ang drama ko. Wala na yata akong kasawaang bumuntong-hininga. But hey, it proved that I was still alive, right?

Wrong.

Pinatunayan lang n’on na wala na talaga akong makitang maganda sa paligid ko. Paano ba naman kasi? Lahat na lang ng makikita ko sa school, pulos Christmas Ball ang topic. Nakakaloka lang, as in!

Oo na. Umiiral na naman ang pagiging bitter whatsoever ko. Eh sa hindi ko mapigilan. Ano’ng magagawa ko?

Thursday, October 13, 2016

Book Comment: "Azalea" by iamjonquil

Yes! I'm filling this blog with more post again. Pero sa totoo lang, ang bagal ko nang gawin ang alinman sa pagbabasa o sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit. O siguro kasalanan ko rin.

Anyway, hindi tungkol diyan ang post na ito. So this is the second time I'll be writing my thoughts about a certain story posted in Wattpad. Though sa totoo lang, may tatlo pang Wattpad stories na nag-aabang ding sulatan ko ng comment na ganito kahaba. Darating din tayo riyan. Hinay-hinay lang, okay?

Tuesday, October 11, 2016

Book Comment: "Freshman Girl And Junior Guy" by Mina V. Esguerra


I haven't written or posted anything in this blog for the past month because, well... September is something I say that is the worst month for me besides August. I mean, I couldn't encode as long as I want to because the desktop I was using totally failed me. And to think my sister just bought a new keyboard for it.

Anyway, that wasn't the reason why I decided to post something here again. Yes, I've returned to reading Filipino-authored English books. But then I thought that it wasn't really that long since I last read something like this.

Tuesday, October 4, 2016

I'll Hold On To You 39 - The Real Reason

[Relaina]

SA PAGKAKAALAM  ko, hindi naman ganoon kalayo ang nilakad ko. Pero bakit parang milya-milya yata ang nilakad ko para maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko?

Great! Just great!

Why in the world did I have to feel this again?

“Relaina, okay ka lang ba?”

Tuesday, September 27, 2016

I'll Hold On To You 38 - My Part Of The Bargain

[Relaina]

NAPABUGA  na lang ako ng hangin nang marating ko na rin sa wakas ang rooftop. Doon ako dinala ng mga paa ko matapos kong lumayas sa classroom para lang nakaiwas sa mga pang-aasar at pagpaparinig nina Mayu at Neilson sa akin.

But heck! Why couldn’t I even stop my heart from beating this fast? Wala namang dahilan para maramdaman ko pa iyon. Even so, saying those words wasn’t enough.

Hindi ako dumiretso sa paborito kong tambayan dahil may kalayuan iyon sa CEA building. But going to the rooftop was okay, too. Isa rin naman iyon sa mga pinupuntahan ko kapag naguguluhan ako tungkol sa maraming bagay na nasaksihan o ‘di kaya’y naramdaman ko. At sa mga sandaling iyon, isang bagay lang naman ang gumugulo sa isipan ko.

Tama ba ang nakita ko kanina? Sa akin ba nakatingin si Brent? Pero bakit? Hindi ako maaaring magkamali. Hindi basta simpleng tingin ang ibinigay nito sa akin. Brent was definitely looking at me intently at that time.

Tuesday, September 20, 2016

I'll Hold On To You 37 - When The Truce Ends

[Relaina]

URGH! Another hell week! Project dito, exam doon, activities diyan…

Hay… Ang hassle na naman ng buhay naming mga estudyante ng Oceanside. Palibhasa, last week of the school year at didiretso na sa susunod na school year. Kaya hayun, ang tindi lang ng kalbaryo ng mga utak naming lahat – mapa-estudyante man o professors.

Pero para sa akin, heto… Tiyaga-tiyaga lang ang nagiging drama ko. Kailangan, eh. May scholarship na mine-maintain kaya kahit sobrang sakit na sa ulo, kailangang mag-effort nang husto. Mahirap nang bumagsak.

Sa totoo lang, kahit hell week, bilib din ako sa mga tsismosang estudyante sa school. Nakakaloka lang! Hanggang ngayon ba naman kasi, hindi pa rin maka-get over ang mga kumag sa mga kaganapan sa auditorium. Wala pang isang linggo, hayun at kalat na sa buong university ang nangyari sa nerve-wrecking na dance practicum na iyon.

Tuesday, September 13, 2016

I'll Hold On To You 36 - Realization

[Brent]

PAGKAHIGANG-PAGKAHIGA ko sa damuhan ay isang malalim na buntong-hininga ang naging tugon ko. I’d been doing a lot of that lately pero hindi ko na ipinagtataka kung bakit. Magulo ang takbo ng utak ko, iyon lang iyon. As in sobrang gulo, hindi ko na alam kung paano ko pa magagawang ayusin iyon.

Naroon ako sa tagong parte ng seaside park na malapit lang sa Oceanside dahil katatapos lang ng PE II subject namin – and thank goodness that the dreaded dance practicum was finally over. Ang parkeng iyon ang sanctuary ko, lalo na kapag samu’t saring isipin ang bumabagabag sa akin at kailangan ko talaga ng isang tahimik na lugar para mag-isip.

Habang ginagawa ko iyon, I couldn’t help it pero bigla ay napangiti ako nang maalala ko si Relaina.

Halatang nagulat ito nang sabihin ni Mrs. Castro sa amin na kami ni Relaina ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa dance practicum naming iyon. Aaminin ko, ako man ay nagulat din pero may palagay na ako kung bakit ganoon ang nangyari.

Tuesday, September 6, 2016

I'll Hold On To You 35 - Best Pair

[Relaina]

AFTER the performance of the 20th pair, natapos na rin ang tila nakaka-tensed na atmosphere sa loob ng auditorium. Hindi pa kami pinayagan ni Ma’am Castro na lumabas at magpalit ng damit dahil ia-announced pa raw nito ang pares na may pinakamataas na marka. Sinabi nito iyon pagkatapos naming magbigay ng grado sa bawat pares, lalo na nang makapamili na kami ng pares na sa tingin namin ay pinakamaganda ang performance. Ni-require iyon ni Ma'am para maging fair daw ang pagpiling gagawin niya sa best pair.

Grabe. May ganitong ganap pa talagang nalalaman si Ma'am. Mukhang nagmamadali rin kung ganitong ayaw niya pa kaming palabasin kaagad pagkatapos ng performances namin.

By the way, I voted for the first pair as the overall best pair for me who did a contemporary piece na ang tema ay siblingship. Naalala ko tuloy ang half-brother ko na naroon sa LA kasama ang lola nito nang makita ko ang performance na iyon.

Kaya heto kami, naghihintay ng resulta pero halatang-halata ang nagli-leak na pakiramdam ng bawat isa. Merong kaba, excitement, hope, walang pakialam (tulad niya), at neutral.

Tuesday, August 30, 2016

I'll Hold On To You 34 - Waltz

[Relaina]

Tumugtog na ang musika at doon na nag-umpisa ang sayaw. At nakita ko na lang ang sarili kong kumikilos nang kusa – na hindi inaalis ang tingin sa dance partner ko.

This could be one of the weirdest feelings for me… ever. Pero… heto na 'yon, eh. Nandito na 'to. Bahala na kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.

[Now playing “When Love Finds You” by Vince Gill]


** Love sure is something no one can explain
It can bring you such joy, it can bring you pain
And with every emotion, love puts us through
There's nothing you can say, when love finds you**

Wednesday, August 24, 2016

Book Comment: "Maybe This Time" by C.P. Santi


This book wasn’t a part of any book blog tours that I participated. I didn’t get to register in time, that’s why. I’ve been meaning to read this ever since I saw blog posts and tweets about this. But since I have no means of purchasing my own copy since I don’t have money, I just waited. Luckily, I managed to get my copy by chance through InstaFreebie. I really love that site.

So back to the topic. This would be the second book that I read written by the same author. I just smiled when I read the theme of the book—second chances that were up for grabs (if you know where and when to look) and laid in front of the people chosen to receive it. Of course, the characters needed to work things out before they could say that it truly belonged to them. That they truly belonged to each other even as time and circumstances tested them and separated them.

If I go ranking which of the three stories in the book that I liked the most, it goes this way:

Tuesday, August 23, 2016

#BacklistRevivalProject: "The First Time They Met" by Ana Valenzuela


Title:
The First Time They Met

Author: Ana Valenzuela

Description:

What’s making Mayumi anxious on her best friend’s birthday party?

Is it her long time best friend Marie? Marie is now in college, and Mayumi starts to doubt their friendship as Marie meets new people and gets closer to them.

Or is it this basketball player named Micah? A guy she recently met and is making every girl fall for him---Mayumi included.

The First Time They Met is available in

Amazon: https://www.amazon.com/First-Time-They-Met-ebook/dp/B01AI8RYXE

Goodreads: https://www.goodreads.com/book/show/29409275-first-time-they-met-the

Saturday, August 20, 2016

Saturday Night Thoughts # 12

This could be my last Saturday Night Thoughts entry as a 24-year-old. Yes, paniguradong tatamarin na naman akong magsulat ng ganito sa susunod na Sabado. Wala nang bago, `no? Anyway, since topakin ang internet at medyo apathetic pa ako sa mga kaganapan ngayong araw, sasamantalahin ko na.

As usual, monotonous pa rin ang takbo ng buhay ko. at least, it went like that almost everyday. Epekto ng hindi pa rin nagtatrabaho. And I mean work. But I’d rather not mention that. I don’t want to dwell on my miserable working life—if ever I had one, by the way.

Tuesday, August 16, 2016

I'll Hold On To You 33 - Magic Of A Smile

[Relaina]

“ALRIGHT, class! Based on your queue number, magpe-perform ang bawat pair sa stage. Kailangang naka-set na dapat ang lahat ng music at mga props—kung meron man—na kakailanganin n’yo para sa performance. One pair at a time lang ang magpe-perform sa stage kahit pa may ilan sa inyo na pareho ang dance style na sasayawin kaya solo ninyo ang buong stage. After all the performances are done, you will be given a chance to grade each pair per dance category and you need to grade the overall best pair. Pero bigyan n’yo sila ng grado base sa performances nila at hindi dahil gusto n’yo lang sila. Ang grades na ibibigay ninyo sa mga best pair ang isang pagbabasehan ko ng magiging grado ng parehang iyon sa exam na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong ni Ma’am Castro sa buong klase habang tinitingnan kami mula sa stage.

“Yes, ma’am,” koro namang pagsagot naming lahat, pati na rin ako.

With that answer, bumaba na si Ma’am Castro mula sa stage at pumuwesto na sa mesang laan para rito sa baba. Napansin kong kanya-kanya na ng prepare ang mga kaklase ko. Pero ako, heto… Parang tuod na hindi makakilos nang matino dahil sa buwisit na kabang nararamdaman ko.

Gaya nga ng sabi ni Kamoteng Brent, wala naman talagang dahilan para makaramdam ako ng kaba. Kaya lang, hindi ko talaga mapigilan, eh. Pero ano ba talaga ang dahilan at nararamdaman ko iyon?

Monday, August 15, 2016

Release Day Blog Tour: “When Sparks Fly” by Ines Bautista Yao [Review + Giveaway]

Title: When Sparks Fly

Author: Ines Bautista Yao

Genre: Sweet Romance


Description:

Twenty-four-year-old photographer's apprentice Regina has always felt like the plain, dull orange next to the shiny red apple that is her best friend Lana. But then she meets Ben—the first guy to ever break Lana's heart, and the first guy to ever make Regina feel that he only has eyes for her. As Regina finds herself falling hard for Ben, she also finds herself breaking all the rules of best-friendship. Will she give up the love of her life for Lana, or will she finally realize that she deserves her share of the spotlight, too?

Links:

Amazon

Ratings: 4.5/5

Tuesday, August 9, 2016

I'll Hold On To You 32 - Nerve-wrecking

[Brent]

Natigil ang pagbabalik-tanaw ko sa bahaging iyon. Wala naman na kasing ibang kasunod na nangyari pagkatapos n’on. To cut the story short, wala akong naisip sabihin para pasubalian nang husto ang sinabing iyon ni Neilson.

Pero pati yata ang utak ko, nag-short circuit matapos ipamukha sa akin ni Neilson ang sinabi nitong iyon. Sa totoo lang, minsan lang mangyari iyon sa akin.

Hanggang ngayon talaga, hindi ko alam at lalong hindi ko masabi rito lalo na sa sarili ko na iyon na nga talaga ang sagot. Then again, I wasn't foolish enough na aminin sa kakambal ko ang isang bagay na gusto kong kay Relaina ko muna sabihin.

Naputol lang ang pag-iisip kong iyon nang mag-focus na sa pakikinig sa paligid ko ang tainga ko. At sa pakikinig kong iyon, sa ‘di ko malamang dahilan ay nagsimulang dumagundong ang puso ko. Hindi naman ako dapat masorpresa pa pero iba ito, eh.

Monday, August 8, 2016

Journal entry — September 28, 2006

Birthday ngayon ng pinakaimportanteng tao sa buhay ko. At iyon ang my one and only dearest Mama.

HAPPY BIRTHDAY! 

Friday, August 5, 2016

Book Comment: "A Walk To Remember" by Nicholas Sparks


When I decided to re-read all the novels I read in order for me to write a book review (or book comment, I should say), this novel was the first in my list. I don’t know. But for me, this is one of my favorite novels I’ve ever read and so I decided to read it again.

I’ve only become aware of Nicholas Sparks’ books because of the movie adaptation of this novel. But it took me long before I finally had a copy of his novels. Anyway, getting back to the topic. Since I’ve watched the movie adaptation of the book first before reading this, I imagined most of the scenes to be in the 90s or 2000s, unlike the 50s that the novel mentioned. But it’s okay. I mean, a lot of things could change as decades passed and yet there would always be things and feelings that would remain the same. At least, this novel told me that.

Tuesday, August 2, 2016

I'll Hold On To You 31 - What's Meant To End

[Brent]

SILENCE…

Nakakabinging silence – iyon lang ang naisip ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Naroon lang ako sa labas ng auditorium kung saan kami magpe-perform para sa dance practicum namin sa PE II. Halata naman na siguro kung sino ang inaabangan ko although I had to admit that, until that moment, I still couldn’t believe na doon na matatapos ang truce namin.

Hindi ko napigilang mamangiti nang mapakla. Ang weird sa pakiramdam, sa totoo lang. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, o magtatampo, o masasaktan. Right after the dance practicum, everything would surely end.

“It was meant to end, anyway…”

That amazon girl was truly unbelievable, to the point that she was surely absurd. Kahit na alam kong totoo naman ang sinabi nito, bakit parang ang sakit pa rin sa pakiramdam ng mga salitang iyon? Iyon lang naman ang totoo.

Monday, August 1, 2016

Journal entry — September 20, 2006

I don't know what's gotten into me pero since I came back from Manila, bigla na lang akong nainis sa kanya sa 'di ko malamang dahilan. And puro na rin war ang nangyayari sa classroom.

Weird, ano?

Sunday, July 31, 2016

#BacklistRevival: “Once Upon A Player” by Agay Llanera [Review]


Title:
Once Upon A Player

Author: Agay Llanera

Genre: New Adult Romance

Synopsis:

Gorgeous college senior Val Fabian is a player in every sense of the word. She's the star spiker of her university's volleyball team, and she never runs out of dates. But it seems that this year, she has finally been bitten by the commitment bug. She sets her sights on an unexpected target--the unassuming yet ultra-cute Jake Clementia. Val is used to getting what she wants, and is sure she'll snag him before graduation. But in the process of winning his heart, she is sideswiped by a surprise move that sends her tumbling from her pedestal.

Purchase links:

Amazon | Smashwords

*The paperback version, published by Spark Books (Anvil), is available in National Bookstore outlets in the Philippines.

The Sunday Currently # 17

It’s a freakin’ cold Sunday and I really hate it. I can’t write faster because of it. And yes, you guessed it (or not)! I’m going to complain about the keyboard again. Apparently, I can’t do anything about it. So I might as well do everything to remain patient about this. Who knows? Maybe something will happen in this coming month of August. Though I must say, this  is the month that I came to dread since I graduated.

It’s the end of the month of July, which means a new life or chances awaits tomorrow. And yes, here we are—or at least I was, totally hating the rain. I haven’t really come to love rainy seasons at all. Seriously. But anyway, I can’t do anything about that one. That’s Mother Nature.

So this Sunday, I’m currently:

Published Manuscript Trivias And Facts: Mirui’s Hyacinth (Smile At Me)

Date Released: July 27, 2016


Windang pa rin ako hanggang ngayon, sa totoo lang. Hindi ako makapaniwala! Na-release na rin ito, sa wakas! Feel ko talagang magtatatalon sa tuwa. Pero saka ko na gagawin iyon. Sa ngayon, gusto ko munang i-relish ito. Like what I promised—at least I did on Facebook, magpo-post ako ng mga trivia about this newly-released book written by yours truly.

So, here it is:

Published Manuscript Trivias And Facts: Charming A Silent Heart


Oo na, ako na ang hyper! Pagbigyan n’yo na lang po ako. First approved manuscript ko ito, eh. And of course, ito rin ang first published manuscript ko. Hehe! At least ngayon, alam n’yo na kung gaano ako kabagal magsulat ng manuscript. Minsan, lumalampas pa ng isang buwan bago ko matapos isulat iyon. Hay…

Marami rin akong pinagdaanan bago ito na-approve. Sa ngayon, e-book form pa lang ang meron nito. Hindi ko alam kung may paperback version ba ito o umaasa lang ako. Puwede rin na hindi ako aware na may released na palang paperback version nito. Pero sa ngayon, you can buy the e-book form sa Bookware site.

Tuesday, July 26, 2016

I'll Hold On To You 30 - Only One Person

[Relaina]

TWO days had passed. Pero ang utak ko, hayun… Nandoon pa rin sa event two days ago. ‘Kakaloka lang!

Pambihira naman kasi! Ayaw lang talagang patahimikin ang utak ko ng mga pinagsasasabi sa akin ni Vivian that day. Like, hello? Kailan pa ako naging angel sent from up above na ang misyon ay palayain ang puso ng buwisit na kamoteng Brent na iyon sa galit na patuloy pa rin nitong kinikimkim? Sa ugali kong iyon, malabong ako ang anghel na hinahanap ng mga ito.

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko… na naman. Sa totoo lang, magmula nang malaman ko ang totoong dahilan kung bakit ganoon si Brent, lalo lang nadagdagan ng dahilan ang nakakaloka kong isipan para patuloy akong guluhin at bulabugin hanggang sa pagtulog. Not to mention, nakakailang beses na rin akong bumubuntong-hininga ng wala namang dahilan.

Naku po! Masisiraan pa yata ako ng bait nito nang wala sa oras, ah. Waah! Ayoko pa!

Monday, July 25, 2016

Journal entry — September 17, 2006

I've returned na from Manila. Binisita kasi namin yung Tito Lito ng Mama ko. And at the same time namasyal din kami doon. Kaya lang, talagang hindi sanay ang katawan ko sa init ng Manila.

Sunday, July 24, 2016

The Sunday Currently # 16

It’s 8:45 in the evening. As usual, I’ve been doing a lot of contemplating. And at the moment, I’m also getting worried about my sister. She hadn’t arrived home yet. I hope nothing bad happens to her. She wasn’t supposed to stay out later than 7 PM.

I was just done eating dinner and I couldn’t proceed with typing down the rest of the 5th chapter’s 2nd scene since the keyboard was acting up again. Grr!! I could really destroy it because of frustration. But since I don’t have anything to use as an alternative or even replacement, I’d rather be patient for now and bear with it.

So this Sunday, I’m currently:

Thursday, July 21, 2016

#HeistClub Blog Tour: “The Flame Squad: Sly Prince” by Jessica E. Larsen [Review + Giveaway]

Title: The Flame Squad: Sly Prince

Author: Jessica E. Larsen


Description:

Blaze Romano’s life has gone exactly according to plan. He managed to get away from his miserable life on the streets of Manila. He won the heart and married Luella, a wealthy heiress of the Mondragon family from Cebu City. There’s just one thing left, kill Luella, and get all that wealth for himself.
Things were going smoothly, but Luella’s half-brother, Cidro’s unexpected return from Spain ruined years of planning. Everything went downhill for Blaze, and he soon found himself in a sticky situation. But as his life flashes before his eyes, someone he least expected appeared in his mind. Luella, the woman who changed his life and started it all.

Ratings: 4/5

Tuesday, July 19, 2016

I'll Hold On To You 29 - His Dark Side

[Relaina]

Teka lang! Hindi yata ito kasama sa ikinuwento sa akin ni Mayu, ah. “Paano nangyari… hindi iyon suicide?”

Nakita kong huminga muna ng malalim si Vivian bago muling nagsalita.

“Being born in a family of talented detectives and investigators has its quirks, you know. Sinamantala iyon ni Brent para imbestigahan ang totoong nangyari dahil may duda pa rin si Tito Cedric sa ikinikilos ng anak nito. Tito Cedric found out that Brent was discreetly hunting the girl that caused my twin brother’s death. Kaya umuwi si Brent noon na pulos pasa at sugat ay dahil nakipag-away pa siya sa mga lalaking kasama ng babaeng nagkataong girlfriend pala ni Kuya. Pinilit pinaamin ni Brent ang mga lalaking iyon kung nasaan si Carol pero tikom ang bibig ng mga ito. Iyon ay kahit muntik na silang patayin sa bugbog at palo ng kahoy na kalakip ng matinding galit ni Brent.”

Sa totoo lang, kahit sa imagination, hindi ko talaga maisip na may dark side palang ganoon si Brent. The Brent I knew was a jerk. Mapang-asar, nakakaloko ang ngiti, palabiro at… may pagka-closet romantic na rin siguro based on my observation.

Monday, July 18, 2016

Sunday, July 17, 2016

The Sunday Currently # 15

Hi! It’s me again. I’m trying to keep up posting something like this every week just to update myself of what had happened over the past 7 days. Despite the terribly depressing week, which I tried not to show in every way I can, I’m still here. You know what I mean. I can’t say that it’s boring and all that. But somehow, things had gotten a little bland lately about my life. I know that it’s really hard for me to keep up now with what my life has to offer. Missing a lot of chances, whether intentional or not, did this to me.

I guess that means I only had myself to blame, huh? But I’ll think about that later on. Right now, I got to focus on the things I still want to do despite what happened over the week.

So this Sunday, I’m currently:

Friday, July 15, 2016

A Major Change To Be Done... Again

Okay. It’s Friday night. Pero two days ago, may isang bagay talaga akong na-realize nang husto. Alam n’yo ba kung ano `yon? Malas talaga ang number 13 sa buhay ko. for the most part of my life, iyon ang isa sa mga bagay na napuna ko. It has something to do with dates. Aside from this, I tried doing my best to avoid this number for some weird reason.

Hindi ko naman masabing mapamahiin akong tao para ma-realize ko ito. Pero inaamin ko na naniniwala ako sa mga pamahiin. Most of the time, consciously or not, sinusunod ko ang karamihan sa mga iyon. Avoiding the number 13 was one of them kahit hindi talaga ako sigurado sa mga pamahiing kakabit ng numerong ito.

Tuesday, July 12, 2016

I'll Hold On To You 28 - The Real Reason

[Relaina]

Hindi ko na talaga alam kung ano ang maiko-consider kong mas mahirap. Ang lapitan ang taong hindi ko kilala para makipagkilala o para magtanong ng mga bagay na posibleng pagmulan ng gulo.

Hay… kung bakit ba naman kasi nauso pa ang curiosity, eh. Heto ako ngayon.

At noong naghagis yata ang Diyos ng curiosity, malaking bahagi yata n’on ang nasalo ko. Urgh! Ano ba namang panggulo sa utak ‘to?

Pero kung may dapat siguro akong sisihin dahil sa pag-iral ng curiosity ko sa mga sandaling iyon, iisang tao lang iyon. Did I have to say kung sino? Huwag na! Obvious naman, eh.

Monday, July 11, 2016

Journal entry — September 6, 2006

I'm already expecting na hindi ako papansinin. Ni hindi nga niya ako kinausap. As in dedmahan to the max ang nangyari sa pagitan namin. Parang mind your own business.

Bahala siya kung iyon ang gusto niya!

Sunday, July 10, 2016

The Sunday Currently # 14

…and again, I’ve missed a few weeks of posting entries for The Sunday Currently. I know, I’ve always been the forgetful one at my age. I can’t do anything about it. I think  this is the effect of not doing too much outside of my usual routine of writing and helping with the small food business my family had started last month. I don’t know. I could feel that, in one way or another, I’m regressing—at least mentally speaking. It’s just a feeling.

For one thing, this week turned out to be a bad dream for me. I’m not sure if I’d be able to forget about it and leave it as such in the next coming days or what. But I guess I’ll deal with that later on.

So this Sunday, I’m currently:

Saturday, July 9, 2016

Book Comment: "Chronicles Of Narnia: The Magician's Nephew" by C.S. Lewis


Since there would be a power outage from 9 AM to 5 PM and I had nothing else to do besides eating rice crispies without milk, I’d rather do this. I was just done reading this last night after a week. Yes, I’m not exactly a fast reader when it comes to novels. But that doesn’t stop me from loving to read those books.

Anyway, this is just a short thought about this book. I’ve only become aware of C.S. Lewis’ Chronicles Of Narnia when I watched the 2005 movie adaptation of the second book in the series. Since then, I wanted to read the entire series. The only problem was, it’s hard to find the books of the series. Thankfully, though with a slight difficulty, I managed to find them all.

Wednesday, July 6, 2016

Book Comment: "The Breakers Corazon Sociedad # 1: Jeremy Fabella" by Venice Jacobs


Title:
Jeremy Fabella (The Breakers Corazon Sociedad #1)

Author: Venice Jacobs

Publisher: Precious Pages Corporation (Precious Hearts Romances)

Description:

He didn’t just want her, there was something else in this woman that made his heart and mind go crazy.

Nanganib ang buhay ni Keira sa mga kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Keira knew she had found her safe haven in Hacienda Fabella. Umisip siya ng paraan para hindi mapaalis doon. Nagtago siya sa ibang pangalan at sinabing nagdadalang-tao siya. Tutol si Jeremy sa pananatili niya sa hacienda pero wala itong nagawa sa pakiusap ng mabait nitong ina. Gayunman, hindi nangingimi ang binata na ipakita kay Keira na hindi siya welcome doon. Palaging masungit at arogante si Jeremy sa kanya. Pero isang gabi, natagpuan ni Keira ang kanyang sarili na nakapaloob sa mga bisig ng guwapong binata at ginagawaran siya ng mainit na halik sa mga labi. Dala ng bugso ng damdamin, ipinagkaloob ni Keira ang sarili kay Jeremy—hindi alintana na sa ginawa niya ay mabubulgar ang mga itinatago niyang lihim…

Tuesday, July 5, 2016

I'll Hold On To You 27 - Unpredictability

[Neilson]

Ipinagtaka ko nang husto ang biglaang paghinto ng mga text messages na nare-received ko kay Mayu. I just got curious but not to the point of being overly worried. Baka may biglaang nangyari na hindi pa nito mai-text sa akin.

I exhaled.

Okay, I lied about one thing.

I was worried.

Monday, July 4, 2016

Journal entry — September 5, 2006

Wala namang talaga sa plano ko ang mag-half day kaya lang talagang kailangan. Hindi ko na sasabihin ang dahilan kasi baka hindi nila ako maiintindihan.

Saturday, July 2, 2016

Saturday Night Thoughts # 11

Finally! I found time to write another of this entry after two weeks. Wala naman kasi akong matinong sasabihin last week, eh. Idagdag pa na talagang nakalimutan ko na may isusulat pala dapat akong ganito. Hehe!

Anyway, as usual, nothing much happened. Siguro, ang masasabi ko lang na importanteng nangyari sa akin, nakatapos na ulit ako ng isa pang manuscript. Tuwang-tuwa talaga ako dahil ang dami ko ring “magulong utak” moments pagdating sa story ni Akio. Ilang beses ko nga ring itinigil ang pagsusulat n’on, eh. Mabuti na lang talaga at hindi ko sinukuan. By next week, ipapasa ko na iyon.

Thursday, June 30, 2016

Just A Realization

Last day of the month na! Last day for the first half of the year na rin. Ang bilis, `no? Parang kailan lang. Pero ang progress ng buhay, heto. Nganga pa rin. I still remained as a girl who daydreams a lot. That is, if you still consider someone who’s about to turn 25 in two months’ time as a girl. Pero siguro nga, girl pa rin akong maituturing kung ganitong isip-bata pa rin ako in more ways than one.

But two nights ago, I realized something. Hindi pala ako magaling na mediator pagdating sa mga away, `no? Actually, matagal ko nang napupuna iyon. Pero ngayon ko lang talaga na-realize nang husto iyon. Nagkaroon lang naman kasi ng kaunting “sitwasyon” dito sa bahay namin that night kaya ko nasabi iyon. Thankfully, naresolbahan naman kahit papaano. Wala nga lang akong masyadong nagawa kahit ako pa ang naturingang panganay. And I guess I’ll never be a good mediator at all. Hanggang sa imagination ko na lang mag-e-exist ang ako na magaling mag-ayos ng gulo ng ibang tao.

Effect ba ito ng pagiging introvert ko ever since? Hindi ko masasabi. Even though I’ll be turning 25, I still feel that I don’t know myself that well. I’m not even sure of what to do with myself anymore. I keep wishing for progress pero ako itong walang nagawa. Feeling ko nga, huli na ang lahat para sa akin, eh.

Ewan ko lang kung tama ba `tong nararamdaman ko. Basta, ganoon na iyon. Mahirap nang ipaliwanag.

Tuesday, June 28, 2016

I'll Hold On To You 26 - Here's To Hoping

[Mayu]

BUSY ako sa pakikipag-text kay Neilson habang naroon ako sa veranda ng kuwarto ni Relaina. Ang lugar na iyon ang madalas kong pagtambayan kapag ganoong ayokong mag-stay sa bahay namin dahil wala rin lang tao roon.

Even during weekends, laging busy sa business ang Mama’t Papa ko. Kaya doon na lang ako kina Tita Carina at Tito Arthur tumatambay. Okay na rin daw iyon para naman hindi lonely ang pinsan ko.

And speaking of my ever dearest cousin, agad kong napansin ang para bang matamlay at wala sa sariling pagpasok nito sa kuwarto nito. I even frowned at the sight of it but it didn’t take me long to conclude one thing.

Something must have happened… again.

Monday, June 27, 2016

Sunday, June 26, 2016

[AlDub/Kalyeserye] Episode 285 (Overload Kilig)

Original Air Date: June 25, 2016

And finally, they showed the full trailer of the movie. In fairness, ha? Kahit ilang beses kong panoorin `yong part na aalis na si Gara sa Italy, `yong line na sinabi niya as an answer sa tanong ni Andrew, laging nangingilid sa luha ang mga mata ko. Feeling ko talaga, medyo masakit `yong kung ano man ang itinago ni Gara para sabihin niya iyon. Wait, may sense pa naman itong pinagsusulat ko rito, `di ba?

Anyway, over all, I liked the movie trailer. Ang problema lang, wala akong pera pambili ng ticket para makanood ng movie na iyon sa sinehan. Bukod sa nagtitipid ako, wala akong source sa ngayon. Hehe! Kaya bahala na kung saan ako magre-rely para lang mapanood ko `yon.

Hindi ko rin napigilang ma-curious sa nakitang ending ni Lola Nidora patungkol sa pelikula. May kissing scene nga kaya? Who knows? Basta ako, abangers ang peg ko nito. No choice, eh. Hehe! Kahit pala kulang ang JoWaPao sa ngayon, kahit papaano ay nagagawa ko pa ring i-appreciate ang pagpapatawa nina Jose at Wally. Of course, nakaka-miss din si Paolo. Pero wala tayong magagawa kung binigyan siya ng sanction. Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang daming mga taong galit sa kanila at bina-bash sila.

O siguro may kanya-kanya lang paraan ang mga tao na mag-appreciate.

Tuesday, June 21, 2016

I'll Hold On To You 25 - Reason

[Relaina]

“They’re not merely stones, okay? Tingnan mo kasi nang mabuti.”

I sighed and did what he said. Tiningnan ko nga nang mabuti… until my eyes widened at what I saw. “Is this a joke? Paanong nagkorteng tao ang mga batong iyan?”

What I saw were two human-shaped stones – or specifically, boulders – that appeared to be holding each other’s hands while facing each other. A braided rope bound them in a form of what appeared to be a figure 8.

“Iyon ba ang example ng sacred rope na sinasabi mo?” I asked before facing Brent. Tumango ito. “Paano nagkaroon ng ganyan diyan?”

Monday, June 20, 2016

Journal entry — August 31, 2006

I had a dream last Monday pero hindi ko maikuwento kasi baka hindi iyon magkatotoo. At masyado na talaga akong stressed sa school. Tambak-tambak ang activity. But I never thought magiging close kami, but not that close enough kasi siyempre, busy. Always doing a lot of stuff, more concerning on my studies.

Pero mas magiging close pa kaya kaming dalawa?

Sunday, June 19, 2016

Blog Tour: “We Go Together” by Carla De Guzman [Review + Giveaway]

Title: We Go Together

Author: Carla De Guzman


Genre:
Romantic Comedy

Release date: January 19, 2015

Description:

What happened to Beatrice and Benedick? They used to be in love. They used to be together. But something got in the way and its turned them into angry, bitter rivals that can't get along, much less work together on a project that could change everything for Bea and Claudia's little paper company.

Bea isn't going to let Ben ruin her mood. Ben isn't backing down from Bea's barbs without a fight. But why is Claudia telling Hiro that Bea is head-over-heels in love with Ben? Why is Hiro convinced that Ben is in love with Bea?

Set in Washington DC, this book is a modern adaptation of WIlliam Shakespeare's Much Ado About Nothing.

Links:

Goodreads | Amazon

Saturday, June 18, 2016

Saturday Night Thoughts # 10

It’s 11 PM, just sitting here on my bed, listening to Maine Mendoza’s “Imagine You And Me” and currently thinking of what to write next to be able for me to proceed finishing my manuscript. Okay na sana, eh. Typical scene na ito para sa akin. Kaya lang, ang problema, hindi ko pa tapos basahin `yong e-book na dapat ay gagawan ko ng book review para sana sa blog tour.

And seriously, nagpa-panic na ako dito. Grabe lang talaga. Bukas ko na dapat ipo-post `yong book review sa blog kong ito, eh. Pero heto, nganga pa rin. Inaantok na ako’t lahat pero hindi ko pa rin matapos-tapos basahin `yong libro. Ang title pala n’on ay “We Go Together” na isinulat ni Carla de Guzman. It was an English story written by a Filipina. Hindi ito ang first time na magsusulat ako ng isang book review about Filipino-authored English books. Doing this was a really good experience for me. Dito ko napatunayan na kaya ring makipagsabayan ng mga Pilipino pagdating sa pagsusulat ng English novels.

Pero hindi lang tungkol dito ang topic ng Saturday Night Thoughts post ko na ito. Actually, milagro kong maituturing na naisulat ko pa ito dahil nga ilang Sabado na rin akong hindi nakapapagsulat nang ganito. Probably because I’d rather keep those thoughts to myself than write it down. Ang dami na kasing nangyari. May weird, may malungkot, may nakakainis, may nakakabuwisit, at may masaya rin naman. By the way, our family started a small food business. Pero ang mga customer pa lang namin, `yong mga officemates ni Mama.

Ang sabi ko nga, mabuti na rin na may ganito kaming pinagkakaabalahan. Hindi na ako umaasang magagawa pang ayusin ang problema ng birth certificate ko na talaga namang malaking tulong sana para makahanap ako ng maayos-ayos na trabaho. Hindi na madaling mag-asikaso ng mga document at requirement na kailangan ko nang walang birth certificate. Hindi rin enough kung baptismal certificate lang ang gagamitin ko as one of the substitute documents. Ang dami pang tsetseburetse pagdating naman sa mga required na ID’s.

Kaya heto ako ngayon. jobless and still struggling to become a writer. Magkaroon pa nga kaya ng progress ang buhay ko kahit ganito ang sitwasyon ko?

Thursday, June 16, 2016

What I Recalled After

Just another night thought kahit hindi pa naman Saturday. Wala lang. Naisipan ko lang. I mean, though not much had happened today, may mga gumugulo pa rin sa isipan ko. Minsan lang akong maglabas ng saloobin ko sa blog kong ito kaya pagbigyan n’yo na lang ako. Okay?

Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit ayokong isipin, nag-uumpisa nang hindi maging maganda ang pakiramdam ko tungkol sa hinihintay kong feedback sa evaluation ng story ni Aeros. Part iyon ng first ever collaboration ko with Raye Amber at Sharmaine Light. Both are writers from PHR. Sana lang talaga, huwag namang negatibo ang kahahantungan ng hinihintay kong resulta. Mahirap magsulat ng tungkol sa pagmo-move on from a heartbreak, ah. Kahit sabihin pang naranasan ko nang ma-heartbroken noong high school pa ako.

Tuesday, June 14, 2016

I'll Hold On To You 24 - Legend

[Relaina]

WELL, if anyone could prove that curiosity kills a cat – literally – then I guessed marami-rami na ring pusa ang namatay. But seriously, that wasn’t even the point there.

My real point here was… Paano ako napapayag ni Brent na puntahan ang maalamat na punong iyon? Heck! I didn’t even know the name of the giant tree. But I had to be honest that it was a beautiful tree. Parang spring season lang sa buong lugar kapag napupuna ko ang pagiging malago ng punong iyon.

“Ang sabi sa akin ni Mama, more than 500 years old na raw ang punong ito,” pagsisimula ni Brent, dahilan upang mapalingon ako rito.

“Paano naman nagkaroon ng ganoong klaseng legend about an eternal love ang punong ‘to? Sa itsura pa lang, parang pinamumugaran na ng kung anu-anong multo at lamang-lupa ‘to dahil sa sobrang tanda at sobrang lago nito.”

Monday, June 13, 2016

Journal entry — August 30, 2006

Birthday ko ngayon at alam ko naman na walang makakaalala sa mga classmates ko about this day. Kaya lang, nagkamali ako. But still, I'm thanking kasi kahit papaano, may nakaalala.

Pero hindi siya kasama sa mga nakaalala. And I guess he really doesn't know that today is my birthday. And at the same time, nag-half day siya. Kaninang umaga naman, nabasag ang LCD ng cellphone ko.

Ang dami namang kamalasan nito!

Wednesday, June 8, 2016

Rant For The Night

Here I am with another rant for the night. Pagpasensyahan n’yo na lang po ang magulo kong utak ngayong gabi. Anyway, I decided to post this as a sort of notice. Minsan lang po akong magsulat ng ganito. Palibhasa, takot matengga ang blog ko. Hehe!

The change I was truly referring earlier was about the title of one of my favorite stories I’m writing and really struggling to finish. Dahil sa ilang araw na pag-iisip at ilang buwan na rin na pagiging indecisive ko tungkol dito, nabago na ang title ng “The Last Sky Of The Earth”. Sa totoo lang, medyo mabigat din sa dibdib ko ang change na ito. Napamahal na sa akin ang story title na ito. Pero dahil alam ko at aaminin ko sa sarili ko na hindi ko magagawang panindigan sa ngayon kung bakit iyon ang title na naisip ko, I decided to change the title.

Kaya ngayon, ang dating minahal ko na “The Last Sky Of The Earth”, naging “Five Thorned Blades” na. At least, alam kong sa title na ito, magagawa ko na itong panindigan. May kinalaman sa history ng limang angkan ang title na ito at magagawa ko naman na sigurong i-explain ito nang maayos. So that means Kourin’s codename will be changed, as well.

In fairness, ha? Hindi lang pala part lang ang mababago sa storyline ng TLSOTE. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong pati ang title ng trilogy na ito, mababago rin. Hopefully, I made that decision for the best. Gusto ko na talagang matuloy ang mga series na plano kong isulat.

So stop eating me, procrastination! Go away!

Tuesday, June 7, 2016

A Future Game For My Future Readers

Oo na. Ako na ang dakilang asumera sa pinagsusulat kong ito. Aaminin ko, hindi ako ganoon kasipag na writer. In fact, I procrastinate a lot of times and I know that it’s a really bad habit. Likas na nga yata sa akin iyon. Pero sinusubukan ko namang labanan. So far, sa tingin ko naman, may pinatutunguhan ang ipinaglalaban ko.

Okay, this post is turning weird. Saka na ako magda-drama ulit. As for this post’s title, sabihin na natin na isa ito sa mga pangarap kong gawin. Ang magpa-game sa mga magiging readers ko kapag nagtuloy-tuloy na ang journey at (hopefully) success ko sa pagsusulat. Dadalawa pa lang ang approved MS ko as of this post. Sa magkaibang publishing company pa. May dalawa naman akong for revision ang feedback na hindi ko pa maituloy-tuloy dahil sa topaking keyboard ng isang desktop na gamit ko sa pag-e-encode to the point na para akong nakikipag-away sa tuwing pipindutin ko ang mga keys. Pero puwede pa namang pagtiyagaan kaya okay lang.

Monday, June 6, 2016

Journal entry — August 27, 2006

Gosh! I don't know why I kept on imagining things. Hindi pa naman siguro ako nababaliw, ano?

And one more problem, may plano kaya sina Michelle, Lou Jean at Kathleen na sumali sa pag-pass ng Investigatory Project?

Friday, June 3, 2016

Okay. I’m feeling a little weird today. Actually, hindi lang ngayon, eh. May ilang araw na akong medyo hindi mapalagay. Ako lang ba o talagang nalalayo na ako sa mga naging friends ko sa FB? O baka epekto lang ito ng hindi masyadong nagpo-post ng mga status sa FB? Well, sorry. Hindi sa lahat ng pagkakataon, gusto kong i-post ang saloobin ko. Kahit kating-kati na talaga akong mag-post, wala pa rin.

Maybe because I got used to keeping things to myself. Kahit sabihin pang age na ito ng social media kung saan marami na akong puwedeng pagsabihan ng anumang bumabagabag sa isip ko, hindi ko pa rin magawang ilabas ang anumang saloobin ko. Kaya nga minsan lang akong mag-ingay kahit dito sa blog ko. Kahit na talagang marami akong gustong sabihin.

Anyway, ito lang naman ang feeling ko, eh. Pero kung ganoon nga talaga ang sitwasyon, wala akong magagawa. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa kanila kung gusto na nila akong iwanan at kalimutan, `di ba? Never akong nag-demand ng atensyon nila. Minsan na akong nagkamali nang gawin ko iyon. Sa huli, ako pa rin ang nasaktan.

Pasensiya na sa biglang pagpo-post ng kung anong kadramahan dito sa blog ko. Minsan lang ito. Palibhasa, hindi ko pa matapos-tapos ang pag-e-encode sa ongoing MS ko dahil sa topaking keyboard at sa keyboard na nginatngat ng daga ang cord. Ang sarap lang nilang kutusan at pagtatatagain, sa totoo lang. Urgh!

Tuesday, May 31, 2016

I'll Hold On To You 23 - Ice Cream

[Relaina]

NATAPOS ang practice namin ni Brent pagkalipas ng mahigit isa pang oras. Binago na rin namin ang kantang gagamitin namin para sa practicum kaya final decision na ang kantang “When Love Finds You”.

Pagkatapos ng practice, nagyaya si Brent na mamasyal daw kami for the rest of the day. Ewan ko lang talaga kung ano’ng nakain nito at naisipan pa talaga akong yayain nito. But then, did I even have the right to complain? Wala.

Kaya pinagbigyan ko na.

So there we were at the moment – sa ice cream cart kung saan ako unang dinala, or rather kinaladkad, ni Brent noon. Adik lang yata sa ice cream ang mokong na ‘to, eh. Gusto lang akong idamay.

Monday, May 30, 2016

Journal entry — August 26, 2006

I can't believe it!

For the first time in my school life, ngayon lang ako naka-top 1. I know na marami sa mga kaklase ko ang hindi maniniwala na 1st time ko pa lang maka-top 1 but that's the truth.

Kaya lang, kailangan ko pa ring ingatan ang grades ko sa Science kasi ito ang may pinaka-highest na unit (which is 1.8). Of course, kailangan ko ring ingatan ang iba ko pang grades.

Sunday, May 29, 2016

The Sunday Currently # 13

So this is another post for this entry. Well, in case you’re not aware, I’ve written this post first on paper before typing it down and posting it here. My sister was kind of busy watching anime shows saved on our desktop’s hard drive. That’s why I settled writing it this way for now.

Nothing much happened, except that I’ve been trying my best to finish my on-going manuscript before this month ends. Trust me, it’s a struggle. Especially if you really want to write a new one right now but can’t since you have to finish the on-going one first.

So this Sunday, I’m currently:

Tuesday, May 24, 2016

I'll Hold On To You 22 - Choice Of Song

[Relaina]

HIM on top of ME.

Yup… Just like the first time we've met. Only this time, hindi na masakit ang naging pagkakabagsak ko. But even still, compromising pa rin ang sitwasyon naming iyon. Dahil heto ako, dumadagundong ang tibok ng puso ko sa tainga ko. Our faces were inches close to each other as our breaths brushed our skin.

Hindi pa rin ba compromising at suggestive ang mga eksenang iyon?

“Y-you’re okay, right?” concerned na tanong nito sa akin. “H-hindi ka naman gaanong n-nasaktan?”

Monday, May 23, 2016

Journal entry — August 20, 2006

May message na dumating sa akin kaninang 2:06 PM na I think may koneksyon siguro sa akin.

"Missing you secretly is a hard thing to do... hoping, wondering, wishing na ganun din nararamdaman mo. I can't read your mind though, but whatever it is, I still miss you!"

Nice ba?

Sunday, May 22, 2016

The Sunday Currently # 12

So when was the last time I wrote something like this? I can’t remember at all. Urgh! I’ve been busy—or at least my mind was for the past weeks. Yes, I haven’t written a Sunday Currently post for weeks. I don’t want to count because it only irks me. It also reminds me of a lot of things. I couldn’t think properly. A lot had happened and I don’t even want to elaborate that. How did everything goes like this? Honestly speaking, I’ve never felt so useless in my life. It really irks me to the core, yet here I am, I can’t even do anything.

I guess what they said about me was true, after all. Even though I hate to admit it, I really feel that I don’t have the initiative to do something that could really help. I can’t really say that I’m a selfish person since I want to do something that would help my mother in some ways with regards to financial problem we’re facing. But I want to do it using the one thing that really makes me happy, and that’s writing. And yet circumstances don’t even want to help me with it.

In my current situation now, where my father can’t even do anything about fixing my birth certificate’s problem, I really don’t know what to do. I need that fixed birth certificate so I could find a decent job. Most of the companies or even just a simple job these days usually requires birth certicate issued by National Statistics Office (NSO) aside from other requirements. But my birth certificate hasn’t been fixed in a long time. Either my father was really busy or he’d just forgotten about it. I kept reminding him and yet, no results show up. Not all who hires someone for a job would be very understanding about my situation and they would insist on submitting the requirements down to the letter.

Tuesday, May 17, 2016

TLSOTE-Related: Another Thoughts About The Eight Celestial Points

Okay. Since nagkaroon ng medyo malaking pagbabago sa TLSOTE plotlines, especially the names, I might as well do this one.

Sa naunang plano ko sa plotline ng TLSOTE trilogy, the Eight Celestial Points were all locations where the Yasunaga clan leave parts of their treasures to guide the future generations of the clan about the upcoming battles to greet them with regards to the Black Thorns. Ang treasures na iyon ay tinatawag na “Eight Treasures of the Imperial Rose”. May Eight Celestial Points din ang Four Families pero lahat ay located sa Japan. Unlike sa Yasunaga clan na sa Pilipinas lahat nakalagak. Now that a certain change was done in this trilogy, heto ang (hopefully) matinong explanation tungkol sa legend ng Eight Celestial Points sa version na ito.

Monday, May 16, 2016

Journal entry — August 14, 2006

Ano ba naman ito?

Still the usual, at war pa rin ang tatlo kaya walang pansinang nangyari. But I think sinagad ng dalawa ang "pagtitimpi" nung isa... (talagang dedmahan to the max ang nangyari)

Ano ba'ng pakialam ko sa kanila in the first place?

Tuesday, May 10, 2016

I'll Hold On To You 21 - Unexpected Position

[Relaina]

IT WAS a Sunday, pero hayun, continuous pa rin ang practice namin ni Brent para sa dance practicum. Ikalimang araw na rin iyon ng truce namin ng ugok na iyon. Limang araw na maraming binago ang truce na iyon sa buhay ko, whether I admit it or not.

Or at least iyon ang pakiramdam ko nitong mga nakalipas na araw. Ayoko nang isa-isahin pa ang mga iyon dahil baka lalo lang akong maloka nang wala sa oras. Wala pa akong planong magpakabaliw at ang dami ko pang gustong gawin na matino ang takbo ng isipan ko.

Naroon kami ng kumag kong ka-partner sa practice place namin – sa room sa loob ng auditorium. Ewan ko ba rito sa buwisit na 'to. Puwede naman kaming mag-practice sa ibang lugar, eh. Pero heto, dito pa rin nito naisipang mag-practice. I admit na tahimik ang lugar at solo rin namin iyon at the same time. But that wasn’t supposed to be the point there.

Pero sige… pagbigyan ko na lang ang kumag. Mahirap na kapag tinopak pa ‘to. Ayoko pang pakisamahan ang topak nito kapag nagkataon.

Monday, May 9, 2016

Journal entry — August 13, 2006

Ang weird talaga, GRABE! For the second time, napanaginipan ko na naman iyong guy na iyon. But this time, exciting ang experience ko sa panaginip na iyon. It happened like this:

I was roaming around in the Burnham Park nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng sidewalk. Walang masyadong tao noon sa Burnham. Then nilapitan ko siya. Tinanong ko, "okay ka lang?" Then sinagot niya ako ng "Mukha ba akong okay?" Natigilan ako sa isinagot niya. Pero agad ko namang naibalik ang composure ko at umupo ako sa tabi niya. Tinanong ko ulit siya... "May problema ka ba?" Humarap siya sa akin and nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. And then I just found myself embracing him. Hinihimas-himas ko pa'ng likuran niya at... "Sige na! Tama na! Tumahan ka na. Nandito naman ako para tumulong sa iyo." And still he's crying. And then I woke up.

Kaya lang, blurred ang face niya kaya still, nagtataka pa rin ako kung sino siya. At ano ang posibleng connection niya sa buhay ko...

Thursday, May 5, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 12 (Final)

"SIGURADO ka ba na kaya mo pa? Parang pinapagod mo lang ang sarili mo sa wala, ah."

Pero tiningnan lang ni Lianne si Renz nang masama na tumawa lang bago niya ibinalik ang tingin sa binabasang report. Si Jian ang nagbigay niyon sa kanya at patungkol iyon sa ipinakiusap niya rito na dapat nitong imbestigahan. Hindi na siya nagulat nang makita ang nakasulat doon tungkol sa mastermind ng pagbaril kay Aeros mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Naroon siya sa mansyon nila sa Baguio. Doon siya pinapunta ni Riel matapos siyang ipagtabuyan ni Aeros. Bagaman naiintindihan niya kung bakit nito ginawa iyon, hindi pa rin maikakailang nasaktan siya sa sinabi nito. Iyon ang dahilan kung bakit kahit gusto na niyang ipaliwanag dito ang lahat, mas nangibabaw ang sakit na naramdaman niya kaya minabuti niyang iwan muna ito at mag-focus sa kailangan niyang gawin. Seriously, was she really that bad at explaining her point?

"Lianne, ipahinga mo muna 'yang sarili mo. Ilang araw ka nang walang matinong tulog." This time, may pag-aalala nang kakabit ang tinig ni Renz.

Tuesday, May 3, 2016

A R-18 Story Idea

...and I have no clue as to where I got this.

Ewan ko ba. Medyo nagulat din ako sa sarili ko kasi hindi naman normal sa akin ang mag-isip ng ganitong klaseng story plot, eh. Oo na. Weird na ako kung weird. Pero hindi ko mapigilan, eh. But anyway, since nandito naman na ito, eh `di go na lang. Ewan ko nga lang kung kailan ko masisimulan. So I decided to write the idea down para naman hindi ko makalimutan. But if someone would actually decide to adopt this story idea for me in case I forgot about this, just comment below. Okay?

Monday, May 2, 2016

Journal entry — August 12, 2006

Ang saya-saya ko talaga! Kasi kinausap na naman niya ako. Kaya lang, iyong dalawang mokong eh mukhang pinagtitripan siya ng husto at gusto pa nila akong isama sa trip nila. But still, zipped lang ang lips ko pagdating sa isyung iyon...

Friday, April 29, 2016

Important People From The Kingdom Of Esovia

This is the short (and maybe a more detailed and spoiler-filled) profile I made for the original characters to appear in my new Kyo Kara Maoh fanfic titled “Beast Knights” that can be read in Fanfiction.Net and my Blogger account.

IMPORTANT PEOPLE FROM THE KINGDOM OF ESOVIA

Thursday, April 28, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 11

TATLONG araw pa ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil sa pagbabantay si Lianne kay Aeros na wala pa ring malay. Madalas niya itong kausapin kahit ganoon ang sitwasyon nito dahil alam niyang makakatulong iyon para bumilis ang paggaling nito. Pinatunayan naman iyon sa kanya ng doktor na nag-aasikaso kay Aeros.

Gaya ng dati, nakaupo siya sa upuang nasa tabi ng hospital bed ni Aeros at hawak niya ang kamay nito. Hanggang ganoon lang ang ginagawa niya. Along with silent prayers and whispered wishes for his recovery, she never let go of his hand. Hinihiling din niya sa baka sa ganoong paraan ay maiparating niya sa binata na naroon lang siya sa tabi nito.

"Gumising ka naman na, o. Please? Huwag mo naman na akong pag-alalahanin nang ganito. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin iyon. Ang dami-dami kong naaalala kapag nakikita kita sa ganitong sitwasyon," pagkausap ni Lianne kay Aeros. Nararamdaman niyang nangingilid ang kanyang luha at plano lang niyang hayaan iyon.

Lianne rarely showed fear in front of someone but Aeros would be an exception to her. At that point, she knew he would always be an exception. Gusto niyang ipaalam iyon dito kapag nagisin na ito.

Tuesday, April 26, 2016

I'll Hold On To You 20 - Forehead Kiss

[Relaina]

“MUKHANG… okay ka na, ah. Kahit papaano.”

Napatingin ako kay Mayu habang tinatahak naming dalawa ang ruta namin pauwi. I just smiled at her comment but decided against the fact to tell her what had really happened. Gaya nga ng sabi sa akin ni Brent, whatever happened in that place would stay there for good.

“Mukha ba? At saka… okay lang naman talaga ako, ah.”

Hay, naku naman, Relaina Elysse. Buking ka na nga, nakukuha mo pa ring mag-deny.

Monday, April 25, 2016

Journal entry — August 11, 2006

Nag-start na kaninang umaga ang exam namin. Sa Science lang naman ako nahirapan. Pero si JA, mukhang problemado kahit halata sa mukha niya (or not). But I think pinipilit niya lang na huwag ipahalata.

Pero gusto ko talaga siyang tulungan kaya lang hindi ko alam kung paano ako makakatulong at ANO ang itutulong ko sa kanya in the first place.

Thursday, April 21, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 10

"KANINA ka pa wala sa sarili mo. Ano na naman ba ang nangyari at hindi ko na naman maabot ang inilipad ng utak mo?"

Nakapangalumbabang napatingin na lang si Lianne sa nagsalita at saka bumuntong-hininga. "Akala ko, lalaki lang ang torpe. Pati rin pala ang mga babae," wala sa sariling saad niya kay Elias na kasama niyang nagme-merienda sa canteen ng building na eksklusibo para sa magazine publishing company ng kapatid niya. Kapag may mga project ito sa Pilipinas ay ang building na iyon ang madalas nitong pagtambayan. O paniguradong tumatakas na naman ito sa trabaho nito.

"Ha? Saan mo na naman ba iniuntog 'yang ulo mo at kung anu-ano na naman ba ang sinasabi mo riyan?"

"Ito naman. Minsan mo na nga lang akong bisitahin dito, hindi mo pa ako tulungan," reklamo niya at saka padabog na itinuloy ang pagkagat sa cupcake na kanina pa dapat niya inubos kung hindi lang okupado ang utak niya ng kung anu-anong isipin.

Tuesday, April 19, 2016

I'll Hold On To You 19 - Tears

[Relaina]

Wala akong narinig na kahit anong tugon mula rito. Sa ‘di ko malamang rason ay nakaramdam ako ng kaba. Noon ko naisipang tingnan ulit si Brent na sa gulat ko ay nakatayo na pala may humigit-kumulang isang metro na lang ang layo sa akin.

Pero ang kaalamang mataman itong nakatingin sa akin sa distansiyang iyon sa pagitan na naming dalawa ang lalong nagpatindi sa kaba ko. Ano ba naman ‘to? Bakit kailangang ganoon pa ang iparamdam sa akin ng pagtitig ng lalaking ito sa akin?

“Uy! Para ka namang tuod diyan,” pabirong puna ko rito dahil sa totoo lang, hindi ko na matagalan ang tingin nitong iyon sa akin. “Wala ka man lang planong magsalita?”

But as I looked as him again, hindi ko naman maipaliwanag ang nakikita kong expression sa mukha nito. I thought it was somewhere close to… worry and perhaps even concern.

Monday, April 18, 2016

Blog Tour: “The Forget You Brew” by Tara Frejas from “#StrangeLit: Killer Seasons” Book Bundle [Review]

Book Bundle Title: #StrangeLit: Killer Seasons

Book Bundle Authors: Various

Genre: Paranormal/Urban Fantasy

Book Bundle Description:

A werewolf chef, a cursed family, a spell to forget. You’ll meet these and more in the ten stories of the KILLER SEASONS installment of #StrangeLit, featuring:


“The Forget You Brew” by Tara Frejas

For 20-year-old Kyle Thomson, nothing in the world is more terrifying than the prospect of telling Allison Jeon that he loves her. That is, until he finds out that this mystical café in a peculiar place called Nowheretown had served her a cup of afforgeto—a brew for forgetting—a drink she ordered intending to forget him. Hoping to reverse the spell, Kyle reluctantly teams up with a bunny-eared hopeless romantic and a badass barista to retrieve Allison’s memory jar from the Repository of the Intangible. But when stealing back forgotten memories doesn’t quite turn out as expected, Kyle is left with no choice but to conquer his biggest fear. Can the magic of Nowheretown supply him a fixer-upper, or will the magic in his steadfast heart be enough to grant them their happy ever after?

Other stories included in the bundle:

Resto Rescue by Maita Rue

The Last Night Of Her Wake by Chrissie Peria

House Of Silver: A Cursebreaker Novel by C.P. Perez

The Myth Menagerie by Lana Garcia

Vengeance by Arlene Manocot

At The Wishing Well by Amae Dechavez

Intersection by Den Lim

Disappearing Act by Roselle De Guzman

Aurelia by Japonicus

Available on Buqo app!

Links:

Goodreads

Thursday, April 14, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart

WALA sa orihinal na plano ni Lianne ang lumiban sa trabaho nang araw na iyon. Pero iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan pagkagising niya. Bumalik siya sa trabaho isang linggo pagkatapos ng birthday party ni Riel. Sa totoo lang, alanganin si Riel sa desisyon niyang iyon. Pero in-insist niya iyon dahil gusto niyang ibaling ang isip sa ibang bagay. Sa nakikita niya, may ideya na ang kapatid sa gumugulo sa isipan niya kahit wala itong sinasabi. Her brother had always been like that.

And yes, may kinalaman lang naman iyon kay Aeros na hindi na naman niya nasilayan sa nakalipas na linggo matapos ang huli nilang pagkikita. Abala pa kasi ito sa ilan pang trabaho nito at ganoon din naman siya. Hindi pa tapos ang problemang kinakaharap ng kompanyang hawak nito at nangangailangan ng atensyon nito. Habang siya ay abala dahil magre-release sila ng panibagong issue ng mga magazine para sa buwan na iyon. Idagdag pa ang ilang problemang sumalubong sa pagbabalik niya sa trabaho na may kinalaman naman sa mga empleyado niyang hindi na nagagawa nang matino ang mga dapat gawin.

Siniguro lang niya na maayos na ang lahat at tapos na ang mga problema bago niya naisipang lumiban sa trabaho. May iba siyang plano para sa araw na iyon. She had to do it before she could come up with a decision. Kaya wala na siyang pinalampas na sandali at nagbihis na siya. Kailangan niyang makaalis kaagad.

Katatapos lang niyang mag-ayos ng sarili nang marinig niyang tumunog ang doorbell ng kanyang apartment. Nagtaka siya dahil wala naman siyang inaasahang bisita nang araw na iyon. O baka naman ang sekretarya niyang si Fatima ang dumating. Pero ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya? Naku po! Mukhang natunugan yata nito na a-absent siya sa trabaho.

Tuesday, April 12, 2016

I'll Hold On To You 18 - Frustrations

[Relaina]

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy ako sa paglakad paalis sa lugar kung saan ko iniwan si Oliver.

Damn him! Ang lakas ng loob nitong manggulo na lang sa buhay ko nang ganoon na lang matapos nitong gawing laro ang lahat.

Sa totoo lang, nakakapanghina na ng loob ‘tong nangyayari sa akin sa mga sandaling iyon. Kaya nga hanggang sampal lang ang inabot sa akin ng Oliver na iyon imbes na suntok sa mukha gaya ng minsan ko nang nasabi kay Mayu.

Five months… Ganoon katagal na mula nang iwan ko ang buhay ko sa Aurora nang pumayag ako sa gusto ni Papa na dito na ulit kami titira sa Altiera. Pero bakit ganoon?

Monday, April 11, 2016

【poem】April 2

It was truly a fine afternoon.
At least, I don't mind
the scorching heat that day.
I just kept on walking the usual pace
as I let my mind travel
in search for inspiration.
Not knowing that,
near my alma mater,
I would encounter you
after about a decade
and it happened
on that unknowing April 2.

An ordinary day,
that's how I initially greeted it
and a plan for an early
birthday celebration was set.
I did my job as a "dutiful" older sister.
I wasn't particularly thinking about you,
just like how I did in the past.
At least, not as frequent as I do now
after our paths crossed that one April 2.

I want to hate you, to be honest.
I don't want to frequently think of you again.
I don't mind the occasional ones, though,
since I know it would just come
and pass me by.
It was just a short encounter, anyway,
that happened one afternoon on April 2.
But the thoughts I had after that
seemed to linger much longer than usual.

I'm recalling it now as I write this
as questions were left stuck
in my head since then.
What in the world happened to me after that?
What did I feel after seeing you again like that?
Did I become numb and unfeeling
after that short moment?
Or could it be that the feelings I had
for you back then disappeared
in time before I realized it?

I just smiled,
chuckled and shook my head.
It was just a short moment,
I keep on saying.
But it sure stayed in my mind
much longer than the others.
What in the world is happening to me?
Why can't I forget that one moment?
I'm not sure if I wished
for this moment once before.
One thing I knew, I was left wondering.

How could a single moment
that happened in April 2
made me think of my feelings for you again?
Was it still there?
I don't know, to be honest.
But I think it's the truth
that would leave me pondering
about you again for more years to come.

Friday, April 8, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 8

NAPAHINGA nang malalim si Lianne nang sa wakas ay matapos na niyang asikasuhin ang mga naipong trabaho noong nagbakasyon siya. Hindi naman ganoon karami iyon kung ikukumpara sa nakasanayan na niya. Pero pakiramdam pa rin niya ay pagod na pagod siya dahil doon. May isang linggo na rin pala ang lumipas mula nang umalis siya sa Casimera. Subalit hindi pa rin nawawaglit sa kanyang isipan ang mga naganap sa pagitan nila ni Aeros

It was just for four days. Hindi pa nga lahat ng pagkakataon na magkasama sila ng binata ay masasabi niyang matino. O baka siya lang ang nag-iisip nang ganoon.

Tumayo siya mula sa pagkakasubsob niya sa office table na gamit niya sa study room ng mansyon malapit sa kanyang silid. Dumiretso siya sa isang glass door at binuksan iyon. Plano niyang magpahangin muna sa malaking veranda ng silid na iyon at nang sa gayon ay maipahinga na rin niya ang kanyang isipan.

"Okay ka lang, Lianne?"